news

PEP EXCLUSIVE: Maricar de Mesa on husband Don Allado's fine and suspension: "I salute you for owning up to your mistake and accepting the consequences."

by Rose Garcia posted on July 7, 2012  STATS: 19045 Views | 10 Comments

Maricar de Mesa (in photo) stands by her husband, Barako Bull player Don Allado. Don's controversial tweets about the PBA games earned him a penalty of P500,000 fine and suspension from one conference game. Maricar says, “We are taking the whole situation maturely. We listen, and seek advice. As a wife, of course, my husband has my full support.”

 
Photo By: Noel Orsal

Ang aktres na si Maricar de Mesa ang misis ng Barako Bull player na si Don Allado.  Kailan lang, pinatawan ng parusa si  Don dahil sa  nai-tweet nito tungkol sa PBA na tila fixed daw ang games.

 
Ang halagang P500,000 at isang conference game na hindi puwedeng maglaro si Don ang naging parusa sa kanya. Ito ay sa kabila ng paghingi niya ng apology sa nasabi o nai-tweet.
 
 
Sa pamamagitan naman ng Facebook, nakausap at nahingan ng ilang pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang misis ni Don na si Maricar.  Nagpadala kami ng ilang katanungan at maayos naman siyang nakiusap na may ilang mga isyu na hindi pa niya puwedeng sagutin.
 
 
Isa sa mga tanong namin kay Maricar ay kung ano ang naging reaksiyon niya noong mabasa niya ang controversial tweet ni Don.
 
 
Sabi naman ni Maricar, “I know his tweets might get attention. Yes we spoke. And I know he is a grown man, so I trust him.”
 
 
Mas pinili naman ni Maricar na huwag na lang magbigay ng anumang personal na komento o reaksiyon sa ipinataw na penalty sa kanyang mister.
 
 
“I cannot comment on the penalties given to him. It's too sensitive. Sorry.”
 
 
Sa pangyayaring yun, iba’t-iba rin ang naging opinyon ng mga tao sa nangyari.  Merong nagsasabi na tama lang daw ang naging parusa kay Don. 
 
 
Meron din naman na nagsasabing tila “too much” lalo na nga’t humarap at inako naman daw nito ang naging pagkakamali.
 
 
Siyempre pa, sa lahat ng ito, si Don ang siguradong may pinagdadaanan sa bilis ng mga pangyayari.
 
 
Nang kamustahin namin kay Maricar si Don, hindi naman niya itinanggi ang bagay na ito.
 
 
Ayon nga kay Maricar, “Don is stressed out. He should be fine soon.”
 
 
Sa ngayon, pagkatapos nilang ikasal noong 2007, limang taon na rin silang mag-asawa at nasa estado na hinihintay na lang din nila ang mabiyayaan ng anak. At bilang mag-asawa, nandoon daw ang suporta niya kay Don sa sitwasyon nito ngayon.
 
 
“We are taking the whole situation maturely. We listen, and seek advice. As a wife, of course, my husband has my full support.”
 
 
Hindi pa masagot ni Maricar kung ano ang magiging plano nila sa mga darating na araw at sa susunod na PBA conference kunsaan, hindi pa puwedeng maglaro si Don.
 
 
Sa huli, tinanong namin siya kung ano ang mensahe niya sa kanyang mister.

“For Don, you are only human [and being human, you] make mistakes.

"And I salute you for owning up to your mistake and accepting the consequences. I will always be here for you.”

1  

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  flourpower

    07/10/2012 | 12:06 PM
    katakot naman picture ng mag-asawa dito...lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • willierevi

    07/08/2012 | 11:48 PM
    dba baog yng asawa ni maricar? Is this the same guy? I remember c maricar was even joking about it na hindi cya nabbuntis, kaya naghiwalay ata. Anyway same guy kaya?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    07/08/2012 | 10:20 AM
    dat penalty was too much.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    07/08/2012 | 01:56 AM
    Ano ba ito puro yahoo omg awards sa news article ni Allado at Maricar. Kalowka.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ehemm

    07/07/2012 | 07:08 PM
    hmmm, i just read the tweets by googling. that was his personal opinion. he has no right to rant against the officiating, poor or whatever.... ? too much yang penalty ha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl1o2
    07/07/2012 | 07:32 PM
    OMG as in Yahoo Awards fever.. landslide tyo kapamilya worldclass.. 19 of out 25 awards given eh wagi tyo ABS fans. ang GME nakakuha naman ng 1 award infairnes. hahaha. kalowka. asan na ang self proclaimed stars ng GME specifically this so called primetime queenbee inday marian rebera? kala ko ba mataas ratings nyo sa AGB-GME tandem eh bakit nganga kyo?? hahaah poor kapuchos....
  • hototguy

    07/07/2012 | 06:07 PM
    Well ganun talaga. ang maganda kay DOn, inamin at nag multa na sya dito. Mabait si Don, one time nagkita ko yan sa Singapore, ang bait nya. Sobrang okay lang sa kanya na pa picture kahit pagod na sya. OKAY LANG YAN DON......
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    pearl1o2
    07/07/2012 | 07:31 PM
    so crush mo na sya ateng hototgay? napapansin ko pag lalake ang subject sa articles eh panay puri ka at nagsusumixteen lang ang peg.. haha. kumekerengken ka day. hahaha...
    monjuaquin02
    07/08/2012 | 05:54 AM
    buti pa c allado umamin.. ang gma d pa inaamin ang article sa yahoo omg awards na sponsored nila.. galing ng main hosts sa even taga gma.. ha ha ha kaso ang winners ta ga san?
  • ike

    07/07/2012 | 05:50 PM
    Everybody makes mistakes but not everybody admits their mistakes. Saludo ako sa taong ito, despite the hefty penalty, inako niya na he made a mistake and faces the consequence. D siya dapat tularan sa pag click the tweet without further thinking pero dapat siyang tularan na kung kasalanan niya akuin niya at harapin ang kaukulang kaparusahan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    07/07/2012 | 05:18 PM
    PEP, OT lng po. Wala bang article or kahit PEP alert ng OMG Awards? Hosted po cya ng kapuso artists. at balita ko nanalo daw si Solen, isa sa mga hosts.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl1o2
    07/07/2012 | 07:32 PM
    OMG as in Yahoo Awards fever.. landslide tyo kapamilya worldclass.. 19 of out 25 awards given eh wagi tyo ABS fans. ang GME nakakuha naman ng 1 award infairnes. hahaha. kalowka. asan na ang self proclaimed stars ng GME specifically this so called primetime queenbee inday marian rebera? kala ko ba mataas ratings nyo sa AGB-GME tandem eh bakit nganga kyo?? hahaah poor kapuchos!
  • Lieutenantcaine

    07/07/2012 | 05:12 PM
    Think before you click. Kung di kayang manindigan mas mabuteng manahimik nalang para walang problema.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • starkings

    07/07/2012 | 05:00 PM
    Dapat kase sinabi mo na HACK twitter acct mo para wala kang fines at suspended.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin02
    07/08/2012 | 05:55 AM
    baka na hack din ang pep kaya wala ang article ng yahoo omg awards. ha ha ha

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About