Thirty-nine pa lang si John Lapus, pero kagabi, July 7, ay ipinagdiwang na niya ang kanyang 40thbirthday niya sa Patio Carlitos sa Mother Ignacia, Quezon City.
Bagamat hindi naman daw siya masyadong mapamahiin na tao, sinunod na rin ni Sweet ang mga sinasabi ng karamihan ng mga kaibigan niya na lagpasan ang may number na “9” sa edad.
Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Enrtertainment Portal) si Sweet sa intimate birthday party niya kagabi, ipinaliwanag nito kung bakit 40th birthday na niya ang kanyang ipinagdiriwang.
Aniya, “Thirty-nine lang ako pero kailangan daw, huwag daw i-celebrate. Dapat daw, magdya-jump ka ng forty.
"E, nang malaman ko, magkasing-edad kami ni John Estrada.
"Si John Estrada, thirty-nine rin siya, pero thirty siya.
"Sana pala ako, twenty!” natatawa niyang sabi.
Dugtong ni Sweet, “Sabi kasi ng mga kaibigan ko... hindi naman ako naniniwala, but might as well.
"Hindi naman ako naniniwala sa mga ganyan-ganyan. Hindi ako mapamahiing tao.
"Kailangan daw magpa-party, mag-celebrate, at sasabihin mo raw, forty.
“Sabi ko, 'tapos kapag forty na akong totoo, another party, gastos? So, yun yun.
"Kilala n'yo naman ako, tayo-tayong party lang talaga. Like this, intimate pa rin, konti lang naman ang invited kong artista.”
Ilan sa mga artistang dumating sa intimate birthday party ni Sweet ay ang PPL artists na sina Rochelle Pangilinan, Wendell Ramos, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, at Dingdong Dantes na kasama si Marian Rivera.
Nasa party rin sina Carla Abellana, Maja Salvador, Sheena Halili, Candy Pangilinan, DJ Durano, Direk Wenn Deramas, Direk Chris Martinez, at Rio Locsin.
Ang best friend ni Sweet na si Kris Aquino ay nagpasabi na raw na hindi makakarating, pero nagpadala na raw ng regalo sa kanya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
40 gossiphungry
39 redprince
38 gayfairy
37 June_Sunday
36 ratedsardines
35 bus_stop
34 walakangpaki
33 kapamskoo
32 MIKYA
31 babaylan2011
30 thelastpepbender
29 susanboyle
28 marianbobitah
27 pearl102
26 winged_angel
25 cherchezlafemme
24 Bebangs
23 PADUNGOL1
22 PADUNGOL1
21 msTrue
more comments