Sabi ni Sweet, “iPhone at saka iPad. Ganoon si Kris lagi, isa galing kay Josh, isa galing kay Bimby.”
Sabi namin kay John, marami rin namang nangyari at mga blessings sa kanya nung nagdaang taong ng buhay niya para ipagdiwang niya at magpa-party siya ngayong birthday niya.
“In fairness,” pagsang-ayon niya.
"At sa nangyayari, mukhang kailangan ko talagang mag-celebrate.
"Sabi ko nga, noong malaman ko, three weeks before my birthday, e, thirty-eight pa lang ako noon.
"Sabi ko, 'Bakit ganoon, minamalas na ako wala pa nga akong thirty-nine?”
END OF SHOWBIZ CENTRAL. Hindi na nagkaila si Sweet na ang tinutukoy niya ay ang nalalapit na pagkawala sa ere ng Sunday showbiz talk show niyang Showbiz Central.
Ayon kay Sweet, “Yes, the rumors are true.
"But in all fairness to GMA, kinausap naman ang mga managers namin at kami nang maayos.
"Sabi ko nga, some good things never last and for whatever reason... the management decided to change Showbiz Central/
"Hindi ire-reformat, kung hindi mawawala ang buong show.
“Kaya kapag tinatanong ako na 'tatanggalin ka raw sa Showbiz Central,' hindi ako makasagot kasi hindi naman ako tatanggalin—yung buong Showbiz Central ang mawawala.
"And the last time I heard, it would be another show. Different genre, it’s not another showbiz talk show anymore.
“Kinausap naman ako since my forte is showbiz talk show, so kung hindi tsismis-oriented show, bakit pa nandoon si John Lapus? Oo nga naman.”
May ideya na raw si Sweet kung ano ang ipapalit, pero baka makagalitan daw siya kaya hindi pa niya masasabi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
40 gossiphungry
39 redprince
38 gayfairy
37 June_Sunday
36 ratedsardines
35 bus_stop
34 walakangpaki
33 kapamskoo
32 MIKYA
31 babaylan2011
30 thelastpepbender
29 susanboyle
28 marianbobitah
27 pearl102
26 winged_angel
25 cherchezlafemme
24 Bebangs
23 PADUNGOL1
22 PADUNGOL1
21 msTrue
more comments