Ang cosplayer mula sa Iloilo na si Myrtle Gail Sarrosa ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 noong Sabado ng gabi, July 7, sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.
Kahapon, July 8—kasama ang iba pang Big 4 na sina Karen Reyes, Roy Requejo, at ang kambal na sina Jai and Joi Agpangan—ay live na nag-guest si Myrtle sa The Buzz.
Ayon kay Myrtle, hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang itinanghal na Big Teen Winner. Ito ay sa kabila ng hindi maitatangging may mga hindi pabor sa pagkapanalo niya.
Ngunit ayon sa cosplayer, "I respect the decision ng lahat ng mga tao if they think I'm deserving or not, kasi lahat naman tayo, we have our own opinion and there's always two sides of the coin.
"Yun, I'm very thankful and very glad na there are more people who love me than those who hate me.
"At ngayong nandito na ako sa outside world, I'll just prove to you all na kaya kong panindigan at kaya kong patunayan kung bakit ako nanalo."
DILANG-ANGHEL. Ayon sa co-host ng The Buzz na si Charlene Gonzalez, posible raw na na-misinterpret lang ang pagiging perfectionist ni Myrtle. Ipinaalala rin ng TV host na bago pa pumasok si Myrtle sa Bahay ni Kuya, sinabi raw nito sa kanyang ina na siya ang magiging Big Winner.
At nagkatotoo nga ang sinabi niya.
Ano ang nararamdaman niya ngayon?
"It's parang... it hasn't sink in to me completely. Parang right now, it's still a dream and I'm very thankful sa lahat... sa lahat ng tao because I won't be here if not for you.
"Alam n'yo, thank you, thank you sa lahat."
Bukod sa sinabi nitong one day, she will be PBB big winner, ano pa ang sinabi niyang ganoon sa buhay niya?
Sabi ni Myrtle, "I've always told myself na one day, I will defend those who cannot defend themselves.
"I will become a lawyer. I will become a CPA [certified public accountant]-lawyer."
JOINING SHOWBIZ. Ngayong Big Winner na siya ng PBB, malaki ang oportunidad para kay Myrtle na makapasok sa mundo ng showbiz. Kung saka-sakali, ano ba ang mas magiging prayoridad niya—ang maging lawyer o ang magiging showbiz career niya?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 petiteclau
12 pinknlavander
11 Imnaldrix
10 charizma
9 jed_raz8
8 coffeestate
7 familytree
6 Manster10
5 ayenbratz
4 riceeater12
3 thelostreasure
2 monjuaquin02
1 red_radiance