news

Daniel Padilla: "Special po talaga si Kathryn at nasa puso ko po talaga siya.”

by Rose Garcia posted on July 9, 2012  STATS: 16082 Views | 10 Comments

Daniel Padilla on status of his relationship with Kathryn Bernardo: "Siguro ngayon, parang special friend lang po kami. Kumbaga, nagkakaintindihan lang po kami sa mga bagay.”

Photo By: Nimfa Chua

Isa sa maituturing na hottest teen stars ngayon ang Kapamilya young actor na si Daniel Padilla. 

Sa panayam ni Charlene Gonzalez-Muhlach kay Daniel sa The Buzz kahapon, July 8, tinanong ang young actor-singer kung naisip niya bang magiging ganito kaagad ang tatakbuhin ng career niya.

Ayon kay Daniel, “Noong una po talaga, wala po akong planong mag-artista. Hindi ko po talaga gusto. 

“Pero ngayon po, habang tumatagal, nararamdaman ko na po na kapag tinigil ko po ‘to... talagang marami po akong taong, kumbaga, napapasaya. 

“At saka, dahil po ito sa inyo at nakahanap na rin ako ng inspirasyon para ituloy ‘to.”

THERE IS SOMETHING ABOUT DANIEL. Hindi naman makapagsalita si Daniel nang marinig ang mga naging pahayag tungkol sa kanya ng ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo sa VTR.

Sinabi ni Kathryn na may “something” kay Daniel na wala sa ibang lalaki at malakas daw ang dating niya.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ang tanong, yung kiligan ba na ipinapakita nila ay parte lang ng pagiging loveteam nila o yun talaga ang totoo off-cam?

Sagot ni Daniel, “Kasi sa akin, ayoko po na parang makapag-promo lang ako. 

“Talagang si Kathryn po, e, gusto ko pong talaga.”

Galing talaga sa puso niya?

“Yes po. Lahat po. 

“Kumbaga, kung tratuhin ko po si Kathryn, para po siyang isang prinsesa pong talaga.”

MORE THAN FRIENDS? Masasabi ba ni Daniel na more than friends na sila, less than lovers, or lovers na?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  pinoycali_ako

    07/10/2012 | 01:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jenny05

    07/09/2012 | 10:43 PM
    Tama yan, makinig kayo sa parents niyo. Wag magmamadali dahil sayang yung kasikatan niyo ngayon. Sobrang hit talaga sila sa mga teens, ang daming naloloka sa kanila ni Kathryn. Sana din wag gagayahin yung mga nangyari sa Tito Robin niya during his younger years kahit malaki na yung pinagbago ni Robin ngayon. Mukha lang maangas si Daniel pero mukhang mabait naman. Ibang-iba kay Robin dati na hindi lang image ang pagiging "bad boy" dahil pati sa gawa makikita mo na pasaway talaga dati.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    07/09/2012 | 10:37 PM
    ang bottomline po dito ay kasikatan... mwahahahah.. ddon palang tiklop na ang mga callboyish tweens ng kamuning market errr station... mweahahahahahahah...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    longbeach
    07/09/2012 | 11:31 PM
    bwaahahahahaaa....korekness....
    grazildachuvastra
    07/10/2012 | 01:02 AM
    mat tililing ama nito na si Rommel Padilla. sana hindi magmana sa ama at tita..BB?
  • cj_03

    07/09/2012 | 09:10 PM
    Parang bumalik ung teenage years ko sa kanila...hehehe.. But be wise carrer muna before yang puppylove nyo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    07/09/2012 | 08:58 PM
    Hihiramin kong yong sinabi ng mga TARDS ng DOS sa mga young talents ng GMA. "Ano ba iyan, ang babata pa ang lalandi na!"
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    07/09/2012 | 08:53 PM
    pasensya na hindi ko sya like. , pagsasalita at action parang robin, alam kong padilla sya pero sana me sarili syang style.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    FlyNDance
    07/10/2012 | 08:33 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • chubie_buknoy

    07/09/2012 | 07:59 PM
    ang galing nyang kumanta...ung guesting nia s SGLIVe..nkakabilib ang timbre ng boses nia. ibang klase ang titig nia... :-D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • almond143

    07/09/2012 | 07:13 PM
    I dont like him parang robin ang dating. Bata p lang mayabang n ang asta. Sabi mahiyain pero i dont believe. Super bolero din. Wag magsalita 'i want to grow old...' baka kainin mo salita mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • FlyNDance

    07/09/2012 | 06:11 PM
    in fairness kinilig naman ako. itong si daniel, basta kung ano iniisip yun ang sinasabi. walang filter, pero okay yan, dyan ka minahal ng tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • walau_we

    07/09/2012 | 05:36 PM
    super kilig talaga.. don't be like robin. sana totoong c kath lng even though mga bata pa kau. enjoy muna nyo ang career nyo kc blooming.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About