news

Louise delos Reyes says her friendship with Alden Richards and Enzo Pineda are of different levels

by Ruben Marasigan posted on July 9, 2012  STATS: 6401 Views | 7 Comments

Louise delos Reyes on her team-up with Alden Richards: "Si Alden kasi, bilang kami ang laging magkaeksena, siyempre ‘yong bonding namin, napapasaya namin ‘yong isa’t isa. ’Tapos, sobrang ano kasi… si Alden ‘yong masasabi ko na best friend ko talaga dahil lahat napapag-usapan namin. Kapag magkasama kami, walang boring na oras.”

Photo By: Noel Orsal

Patuloy na maganda ang feedback sa primetime series ng GMA-7 na One True Love, na pinagbibidahan nina Louise delos Reyes at Alden Richards. 

Habang tumatagal, mas lalong tumitindi ang kilig na hatid sa viewers ng tambalan nila.

“Siyempre po sobrang happy ako,” pahayag ni Louise nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, July 8. 

“Nakakatuwa na sinusuportahan talaga kami ni Alden ng mga tao.

“Nagiging inspirasyon namin sila actually sa set, na nakikilala kami ng mga tao bilang Elize at Tisoy. Nakakataba ng puso.”

Puring-puri rin sina Louise at Alden ng co-stars nila sa One True Love na Jean Garcia, Raymond Bagatsing, at Agot Isidro. Bilib daw ang mga ito na kahit baguhan pa lang ang dalawa ay pareho raw magaling nang umarte. 

Dahil dito, hindi maiwasang makaramdam ng pressure ang magkapareha.

Ayon kay Louise, “Oo, siyempre. Extra pressure ‘yon sa amin [ni Alden].

“Kumbaga, kung kailangan naming mag-rehearse sa isang eksena ng one hundred times.

“Kasi ayaw naming parang bumaba ‘yong expectation nila sa amin bilang artista siyempre, dahil mga beteranong aktor at aktres na sila, e.      

“Kailangan professional kami lagi pagdating sa trabaho. Ayaw namin silang paghintayin sa set. 

“At sa mga eksena, ayaw naming mag-take two o take three pa kami.

“Ginagawa talaga namin ni Alden ‘yong best namin kahit sa mga simpleng eksena lang.

“And… si Alden kasi, bilang kami ang laging magkaeksena, siyempre ‘yong bonding namin, napapasaya namin ‘yong isa’t isa.

“’Tapos, sobrang ano kasi… si Alden ‘yong masasabi ko na best friend ko talaga dahil lahat napapag-usapan namin. 

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • jams_mom

    07/10/2012 | 10:24 AM
    as days pass, the improvement in the acting skills of alden and louise is becoming really evident... they dont need to over-act to show their capabilities...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ratedsardines

    07/10/2012 | 08:49 AM
    Starlets....period.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • empress_mortal

    07/09/2012 | 11:33 PM
    OO magaling silang dalawa, perfect chemistry.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kalawangin

    07/09/2012 | 08:58 PM
    Da who???????
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    kapamskoo
    07/09/2012 | 09:08 PM
    siguro inggit ka sa kanila dahil sa mga magaganda sila, magaling pang umarte. nakakakilig talaga sila.
    doslugi
    07/09/2012 | 10:04 PM
    kalawangin vovah mag basa ka para hindi ka nag mumukhang enggot lmao
    kapamskoo
    07/10/2012 | 06:12 AM
    nag sourgraping ka lang talaga dahil na insecure ka para sa idolet mo. aminin.
  • dikit007

    07/09/2012 | 07:22 PM
    Sana kayong dalawa na lang ni Alden ang magkatuluyan in real life. Bagay na bagay kayo sa isat isa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    07/09/2012 | 06:06 PM
    true enough, magaling talaga sila. congrats sa one true love.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    07/09/2012 | 05:40 PM
    Ang galing galing nyo ni Alden sa ONE TRUE LOVE!Congrats dahil puro positive reviews at mataas pa ang rating mula sa ALAKDANA hanggang ONE TRUE LOVE pumapalo!!!Hurray!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pwearl116
    07/10/2012 | 12:59 PM
    ay nandito na naman ang very gayful na si bernanda2010. hahaha. kalowka palong palo ang ratings sa pader. hahaha. ayun sa kangkungan ang bagsak. hahaha...

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About