“Maipagpatuloy ko lang po itong naumpisahan ko at mapasaya pa lalo ang mga supporters ko at matulungan ang buong angkan ko, masayang-masaya na po ako dun," replies Daniel Padilla when asked what he wants to achieve more in showbiz.

Photo: Nimfa Chua

Si Daniel Padilla ay anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla na pareho ring mga artista.

Dahil sikat ngayon si Daniel bilang Kapamilya matinee idol, kadikit ng pangalan niya ang mga intriga.

Isa na rito ay ang isyung kaya naging active ulit sa showbiz ang mga magulang niya, lalo na ang kanyang ama, ay dahil sikat na sikat si Daniel ngayon.

Nao-offend ba siya o tinatawanan niya na lang ang intrigang ito?

Sabi ni Daniel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko po pinapansin yun. Ang mahalaga po para sa akin ay natutulungan ko mga magulang ko.”

Ano naman ang nararamdaman niya na kahit hiwalay ang mga magulang niya ay nananatiling magkaibigan ang mga ito?

Inaasama ba niya na magkabalikan pa ang mga ito? O tanggap na niya na hanggang pagiging magkaibigan na lang ang relasyon ng dalawa?

“Nakikita ko po na mas masaya sila bilang magkaibigan... kaya okay na po sa akin kung masaya sila bilang magkaibigan.

“Matagal ko na pong tanggap [ang mga pangyayari], naipaliwanag na sa akin ni Mama noon pa,” sagot ng Kapamilya star.

Ano naman ang reaksyon niya na hanggang ngayon ay hindi pa maayos na maayos ang relasyon sa pagitan ng Tito Robin Padilla at “Tita” BB Gandanghari niya?

“Wala po akong komento diyan, wala po ako sa posisyon na sumagot.”

Ano ang susunod niyang gustong ma-achieve bilang isang artista?

“Maipagpatuloy ko lang po itong naumpisahan ko at mapasaya pa lalo ang mga supporters ko at matulungan ang buong angkan ko, masayang-masaya na po ako dun,” sagot ni Daniel.