Malaki ang pasasalamat ni Christian Bautista na sa loob ng siyam na taon mula nang pumasok siya sa showbiz, naroon pa rin ang paghanga at pagmamahal ng kanyang fans.
Patunay nito ang patuloy na pagbenta ng kanyang mga album at pagsuporta sa kanya sa mga popularity contests.
“I’m very happy dahil nandun pa rin yung mga fans ko," pahayag muna ni Christian sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa awards night ng Yahoo! Philippines nung July 6 na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
“At nakakatuwa na hanggang ngayon hindi nila ako iniwan, hindi rin nila ako pinabayaan,” dagdag pa ni Christian.
Kapansin-pansin naman noong gabing iyon ay ang magandang babaeng ka-date niya.
Siya pala ay ang kasintahan niyang si Carla Dunareanu, isang Romanian-Chinese actress-TV host mula sa Singapore na nakasama ni Christian sa TV musical series nilang The Kitchen Musical.
“Last year wala akong ka-date. Ngayon, merong ka-date. Last year nasa Singapore, ngayon nasa Manila.
“Ang saya, ang saya lang lahat,” nakangiting pahayag ni Christian sa personal na kaganapan sa buhay.
LUCKY CHARM. Sa tingin ba ni Christian ay may dalang suwerte sa kanya si Carla dahil sa mga blessing na nakukuha niya sa ngayon?
“Ah, siguro nagbigay ng glow, nagbigay ng extra-inspiration…I think so,” nakangiti niyang sagot.
Paano niya mailalarawan ang kasiyahan sa piling ng girlfriend?
“Right now, she brings in so much happiness to me. She inspires me every time na napapagod ako.
“She’s just full of energy at talagang she always looks after me.”
Maninirahan na ba si Carla rito?
“Well, she has a year’s contract with Magic 89.9. Magtatagal talaga siya dito,” pagbabalita ni Christian.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
5 mandaville
4 LosAngeles
3 pinoycali_ako
2 MissHugoBacungan
1 ka_family_na_ka_heart_pa