Sa kasalukuyang usapin ukol sa pagiging National Artist, may kakaibang pananaw si Direk Tikoy Aguiluz na nabanggit niya nang muli siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa natatanging paggunita para sa yumaong aktor/director/manunulat na si Mario O'Hara.
"Sino ba'ng gustong maging National Artist sa mga panahong ito? Wala na yatang may gusto," bungad ni Direk Tikoy.
Ito'y sa kabila ng katotohanang patuloy na pinag-uusapan ang posibleng pagkakaluklok pa rin bilang National Artist ng Comedy King na si Dolphy.
Sabi ng director, "Ang maganda, yung ginagawa sa Japan. Meron silang National Treasure [award].
“Siguro dapat may National Artist ka, pero meron ka ring National Treasure, like Ate Guy [Nora Aunor], Dolphy, FPJ [Fernando Poe, Jr.]... mga National Treasures.
“Iba yun, e.
"Pero si Mario O'Hara, National Artist talaga dapat. Artist siya, e.
“Sino ba ang sumulat ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang [1974]? Sino ba ang sumulat ng Insiang [1976]? Si Mario O'Hara!
“Lahat ng magandang trabaho ni Lino Brocka, siya yun. He's the spirit behind such gems.
"At saka gumawa siya ng mga genre… Bagong Hari [1986], action. Gumawa siya ng Manananggal In Manila [1997], horror genre. Naiangat niya.
“Yun ang lesson sa mga bagong filmmakers. You will learn a lesson from him.
"Kasi ang mga bagong filmmakers, hindi naniniwala sa genre. Art film kaagad, e. You should teach them a lesson.
“Ito, storytelling, hindi basta art film. Kasi sa genre ka makaka-develop ng audience.
"So, ang direksiyon ko ngayon, genre.
“Ang natutunan ko sa kanila [Mario and Lino], 'wag mong kakalimutan yung audience mo. You should not forget your audience.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 samdary
5 alexis2222
4 ian15yeah
3 hototguy
2 jed_raz8
1 daiguro01