news

Newlyweds Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz expecting their first child

by Lito Manago posted on July 10, 2012  STATS: 70866 Views | 8 Comments

Former Miss International Precious Lara Quigaman and actor Marco Alcaraz were wed in a Christian ceremony held last July 8 at Hacienda Isabella in Indang, Cavite.

Photo By: Melo Balingit

Ikinasal na sina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz noong Linggo, July 8.

Ginanap ang “very private” na Christian wedding nina Lara at Marco sa Hacienda Isabella sa Carasuchi sa Indang, Cavite.

Alas-kuwatro ang nakalagay sa imbitasyon, pero dahil biglang bumuhos ang ulan, naantala ito ng halos isa’t kalahating oras.

THE WEDDING MARCH. Past 5 p.m. nang simulan ang wedding march ng bumubuo ng entourage.

At dahil mahilig mag-travel sina Marco at Lara, isang vintage travel ang tema ng kanilang kasal.

Sa venue ng kasal, isang footpath ang inilagay sa gitna ng swimming pool kung saan magmamartsa ang buong entourage.

Sa kabilang dulo ng pool, naghihitay sa couple ang magkakasal na si Pastor John V. Gay ng Without Walls Ministries.

Taliwas sa tradisyon na puti ang isinusuot ng bride, kulay beige ang kulay ng wedding gown ni Lara na gawa ni Veeday Floresca.

Lalong lumutang ang kagandahan at pagiging isang beauty queen ni Lara sa kanyang wedding gown.

Lalong tumingkad naman ang kaguwapuhan at kakisigan ng aktor sa kanyang suit na gawa ni Randy Ortiz.

Saksi sa pag-iisang dibdib ng dalawa ang ilang malalapit na kamag-anak at mga kaibigan.

Relax na relax lang si Marco habang naghihintay na simulan ang wedding ceremony. Pero bumigay na rin ang aktor at hindi na rin niya napigilang lumuha habang naglakakad patungong altar ang kanyang magandang bride.

Dahil ulila na sa ama si Lara, tanging ang mommy na lang niya ang naghatid sa kanya sa altar. Bakas din sa mukha ni Mrs. Princesita S. A. Quigaman ang lungkot, pero halatang natutuwa ito sa pagpapakasal ng anak.

Ang color motif na napili ng dalawa ay lavander, powder blue, at blush pink.

THE BIG REVEAL. Eksaktong alas-6:29 ng hapon nang magpalitan ng kani-kanilang personal vows sina Marco at Lara.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • Xray

    07/11/2012 | 09:08 AM
    Bakit ba na-uuso ang full veil cover-up sa mga pinay brides kahit hindi na V ang mga ito. The true, historical purpose of a full veil is when the bride is indeed untouched kaya "covered-up" pa and at the altar, the veil is symbolically lifted up as a sign of submission. Yung iba kahit may mga anak na or naka-ilang kasal na, full veil pa rin ang gamit. Observation lang naman ang sa akin... But my best wishes to Lara. I like her and buti na lang at hindi siya nagpabola kay Willie.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • mandaville

    07/11/2012 | 06:41 AM
    Lalo lang ma dedepress si Willie Revillame. Kinasal na si Shalani tapos naman ngayon si Lara. Yung mga gusto ni Willie kahit anong dami ng pera niya ayaw sa kanya. TSK TSK kawawang Willie.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sa_totoo_lang

    07/10/2012 | 08:19 PM
    A classic example of backslider - sexual relationship before marriage.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    javakula
    07/10/2012 | 09:33 PM
    They had a civil wedding on January 1, so she was already married when she got pregnant.....not your classic example of a backslider.
    javakula
    07/10/2012 | 09:50 PM
    The exact civil ceremony date was January 1, 2011 which means they were married way over a year ago.
    iceprince
    07/11/2012 | 04:24 AM
    bitter na bakla, hindi pa nagbabasa. lol
  • coolet_06

    07/10/2012 | 07:58 PM
    congrats and best wishes to both of you Lara and Marco... ayan nakapagcomment na ako... nawalan kase ako ng ganang magcomment kanina dahil sa comment ni pwearl116...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kiwipinay

    07/10/2012 | 07:52 PM
    Lovely couple! Best wishes sa bagong kasal! after giving birth na ang honeymoon! : 2nd baby agad??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • partyPPol

    07/10/2012 | 07:52 PM
    ang ganda ni Lara. Congrats!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    07/10/2012 | 06:28 PM
    congratz to both of u!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • semsem

    07/10/2012 | 06:10 PM
    Congrats sa inyong dalawa!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About