Ganunpaman, dadahan-dahanin daw ni Erik ang pagbabago upang hindi mabigla ang kanyang mga tagasunod.
“Kasi dito sa Pilipinas, parang 'pag bigla kang nag-iba, parang iba na yung ano, yung pagtanggap ng tao.
“So, kailangan dadahan-dahanin mo sila. Hindi yung drastic change. Lalo na 'pag music.
"Baka ma-disorient yung [audience] pati yung career pathing mo, kung ano yung goal mo.”
WHY HE WILL NOT DO A TELESERYE. Ipinaliwang ni Erik kung bakit hindi niya piniling tumuloy sa pag-arte, kahit pa karamihan sa mga kasabayan niya ay gumawa na ng mga teleserye o pelikula.
“Actually, oo. Totoo naman yun, e. Iba talaga yung exposure 'pag nasa TV ka, teleserye ka.
“Kaya lang, personal ko lang ‘to, a… makikipagsabayan ka ba kila Piolo [Pascual], makikipagsabayan ka ba kila John Lloyd [Cruz]?
“Dun ka na lang sa alam mong mag-e-excel ka, which is singing. For me, on my personal opinion, yun yung stand ko.
“Ayoko kasing gumagawa ng isang bagay na half-baked.
"E, feeling ko 'pag nag-acting ako, half-baked. Kasi hindi naman talaga yun yung career-pathing ko.
“So, dun na lang ako sa singing which I can say na, 'Ay eto, dito ako, dito ako nag-e-excel.'
"So, dito ako kumikita, dito ko napu-provide-an yung family ko, at dito ako masaya.
“Kumbaga, dito ako magpu-focus, dun din ako kukuha ng idea kung paano ko mare-reestablish yung career ko as a singer.”
NEW TALENTS. Kabi-kabila ang mga talent at artista search shows sa TV ngayon. Sa dami ng nais makapasok sa mundo ng showbiz, hindi nagkaila si Erik na nakakaramdam din siya ng “threat” mula sa mga ito.
“Honestly, siyempre nati-threatened. Tao lang naman kasi tayo, di ba?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
29 kiko101
28 milomilo123
27 carloo
26 pinoycali_ako
25 Lokotoy
24 pretty
23 lotuss
22 bruha
21 endot
20 kiko101
19 kiko101
18 perlita66
17 amayabai
16 pretty
15 sharmanjoshi
14 sharmanjoshi
13 endot
12 pretty
11 endot
10 Shaunmateo_25
more comments