news

Nova Villa will remember Dolphy as someone who “will make you feel at home”

by Joyce Jimenez posted on July 11, 2012  STATS: 35079 Views | 10 Comments

Nova Villa said that she never felt intimidated with Dolphy: “Wala tayong mararamdaman na pader sa kanya na, ‘Hanggang diyan ka lang.' Hindi, papapasukin ka niya sa kanyang sistema. Papapasukin ka niya and he will make you feel at home, a family, ‘yong ganoon.”

Photo By: Noel Orsal

Isa sa labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng Comedy King na si Dolphy ang beteranang aktres na si Nova Villa.

Si Nova ang naging "leading lady" ni Dolphy sa dating sitcom ng ABS-CBN na Home Along Da Riles, na tumagal sa ere ng labing-apat na taon.

Pumanaw si Dolphy kagabi, Hulyo 10, sa Makati Medical Center dahil sa “multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, and acute renal failure.”

Siya ay 83 years old.

(CLICK HERE for related article.)

Ayon kay Nova, si Dolphy mismo ang pumili sa kanya bilang kapareha sa Home Along Da Riles; si Dolphy bilang Kevin Cosme at si Nova bilang Azon.

Ang pangyayaring ito’y ikinuwento niya nang makapanayam siya ni Arnold Clavio sa telepono kaninang umaga, Hulyo 11, sa morning news program ng GMA-7 na Unang Hirit.

Kuwento niya, “Kaya the first three months when we started our sitcom, talagang ako’y ilang na ilang dahil... sino ba ako, you know, e, Dolphy ito.

"Kaya tanong ako nang tanong, ‘Bakit ninyo ako ipinareha kay Dolphy? Bakit ako, bakit hindi ‘yong big stars?’

“Kaya ako naiiyak, Igan, kasi siya mismo ang pumili, siya ang nakipaglaban na, ‘Ang gusto ko si Nova Villa ang ka-partner ko,’ sabi niyang ganoon. E, marami naman big stars, kaya ako nagulat.

“Kaya hirap na hirap ako no’ng una, mga three months ‘yan, ‘Paano ba ako aarte nito?'

"Ilang na ilang ako kasi superstar ito, e, ‘tapos ka-love team mo pa, magiging asawa mo pa. ‘Inay ko po, paano ko ba i-aarte ito?’ ‘Yong gano’n.

“Pero siya ‘yong ano, ipinakita niya, pinaramdam niya na, ‘Don’t worry,’ ‘yong ganoon, at home ka agad.

"Kaya ako naman, na-relax ako, nawala ‘yong nerbiyos ko.

“Noon hirap na hirap ako kung paano ako magko-comedy sa harap niya.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  pearl102

    07/12/2012 | 02:47 AM
    Wala akong napanood kahit isang show ni Dolphy sa DOS pero lumaki akong nanood ng John n Marsha...at noong mga black n white movies niya. Rest In Peace Mang Pidol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • schokolade

    07/12/2012 | 12:59 AM
    sa lahat ng mga namatay sa showbiz dito lang ako sobrang nalungkot kay mang Dolphy. Rest in Peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    07/11/2012 | 09:55 PM
    kalokah... lost na lost ang GMA... paano wala naman silang kinalaman sa naging buhay ng hari ng komedya...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    07/12/2012 | 02:43 AM
    Anong lost na lost? Kahit na hindi siya nagtrabaho sa GMA open book ang buhay ni Pidol.
    alexangel
    07/12/2012 | 09:33 AM
    gawin bang network war? can't you rise above that?
  • ian15yeah

    07/11/2012 | 08:07 PM
    Grabeee... Home Along da Riles.. Kevin Cosme will never be forgotten..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    07/11/2012 | 06:49 PM
    Nakakalungkot at wala na si Mang Dolphy.Pero masaya na din ako sa kanya kase nanduon na sya at nakapagpahinga na.Ilang araw din syang nakipaglaban sa sakit nya.Im sure habang nanduon sya sa mga kritikal na kondisyon eh nananalangin din sya ng pagpapasalamat at lungkot na maiiiwan nya na tayong mga humahalakhak sa pagku komedya nya.We love you Mang Dolphy.Thx for all the laughters.Salamat sa mga moment na napapatayo ako sa kinauupuan ko sa sinehan habang nagpapatawa ka.We will surely miss you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flightforge29

    07/11/2012 | 06:00 PM
    The most love couple on primetime noong 90's Mang Kevin and Ason..grabe di ko mabilang ang halakhak na naibulalas ko tuwing maglalandi si Aling Azon kay Mang Kevin... You will always be remembered Mang Kevin...May you rest in peace..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinasbuzzer

    07/11/2012 | 05:34 PM
    great couple sa home along i love it super effevtive silang mag asawa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dustmyeat

    07/11/2012 | 05:04 PM
    tatanda at lilipas din ako ngunit mayrong awiting iiwanan sa inyong alaala dahil minsan tayoy nagkasama. - hahay nakakaiyak talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bac_tol

    07/11/2012 | 04:21 PM
    Rest in peace Mang Dolphy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    07/11/2012 | 03:39 PM
    sad..really..really...sad..hhhaaayyyyyy...LIFE!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About