news

Eric Quizon says Comedy King Dolphy prepared them for his passing

by Erwin Santiago posted on July 11, 2012  STATS: 104823 Views | 3 Comments

“Somehow, he prepared us because he knew that he was sick five years ago. So, kumbaga, alam namin na meron siyang ganitong kundisyon. Alam namin na he had COPD [chronic obstructive pulmonary disease]. Alam namin na may mga complications. He was walking around with an oxygen concentrator with him. So just seeing him through all of that, kumbaga, somehow na-prepare kami of the inevitable," says Eric Quizon about the passing of his father, Comedy King Dolphy.

Photo By: Noel Orsal

Nakalagak ngayong gabi ang mga labi ng Hari ng Komedya na si Dolphy sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ang nasabing studio ng Kapamilya network ay ipinangalan kay Dolphy bilang pagbibigay-pugay sa beteranong komedyante, na naging bahagi ng ABS-CBN sa mahabang panahon.

Dinala ang mga labi ng Comedy King sa Dolphy Theater kaninang hapon, Hulyo 11, mula sa Heritage Memorial Park.

Mananatili roon ang mga labi ng beteranong aktor hanggang bukas ng madaling-araw, Hulyo 12, at ibabalik muli sa Heritage Park.

Sa labas ng Dolphy Theater ay nakausap ni Korina Sanchez, para sa TV Patrol, ang dalawang anak ng Comedy King na sina Eric Quizon at Vandolph.

Si Eric ay anak ni Dolphy sa dating aktres na si Pamela Ponti (Baby Smith), samantalang si Vandolph naman ay anak niya sa actress-politician na si Alma Moreno.

STILL WILLING TO FIGHT, BUT... Ilang araw bago bawian ng buhay si Dolphy kagabi, Hulyo 10, ay balitang bumubuti na ang kalagayan nito at sinasabi pang gusto na raw nitong umuwi. Kaya naman marami ang nagulat nang mabalitaan ang pagpanaw ng Comedy King.

Ano nga ba ang nangyari at biglang nagbago ang kundisyon ni Dolphy?

Kuwento ni Eric, “It really started nung Wednesday [July 4] last week nung he had pneumonia…

“Ang nangyari kasi, it was the last antibiotic na puwede niyang tanggapin, ng katawan niya. So it was the last resort.

“So, kumbaga, nung time na ‘yon, nag-improve siya, then it came to a point na parang nagre-resist.

“But somehow, na-contain ng antibiotic yung pneumonia niya… Kumbaga, lahat na ng other antibiotics na mas malakas… resistant na siya.

“And then his vitals improved over the weekend. He was fine.

“And then it came to the point na he couldn’t handle the… he was willing, he was fighting, but the body could not contain the medication anymore.

“Kaya it came to a point na yung BP [blood pressure] niya, bumabagsak na.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • pearl102

    07/12/2012 | 12:08 AM
    Sad, may balita sa kabilang broadsheet na hindi pa man pumapanaw si mang Pidol ay naghahabol na ng mana yung iba niyang mga anak pati manugang. Hindi talaga nawawala kahit kaninong pamilya yung mga taong maghahabol sa mana kahit hindi pa man pumapanaw or natatapos ang burol.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    07/12/2012 | 01:12 PM
    baka kathang isip mo lang iyan. baket naman mag-aaway ang mga anak ni mang dolphy at take note isinama mo pa ang mga manugang sa mana. ang isang mabuting ama na katulad ni mang dolphy ay di maaring umalis sa mundo nang walang last will and testament lalo nat 18 ang mga anak niya. mga malisyoso lang ang nag-iisip nang mga haka hakang ganyan.
  • matty29

    07/11/2012 | 11:35 PM
    Same way my father reached his Demise. Rest in Peace Mang Dolphy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Prd2bpnay8

    07/11/2012 | 09:47 PM
    This made me really sad. Dolphy was a good man and a good father. May his soul rest in peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About