news

Epy Quizon: “Nami-miss ko ‘yong tatay ko.”

by Nerisa Almo posted on July 12, 2012  STATS: 27664 Views | 5 Comments

“Tanggap na namin na mawawala siya. Ang masakit doon, tanggap na namin ‘yong mawawala siya—‘yon ang nakaka-miss, e,” says Epy Quizon about the passing of his father, Comedy King Dolphy.

Photo By: Noel Orsal

Hirap magsalita ang aktor na si Epy Quizon nang sandaling makausap siya ng media matapos ang necrological service na inihanda para sa kanyang ama na si Comedy King Dolphy.

Ginanap ang necrological service kagabi, July 11, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound, sa Quezon city.

Noong una ay nakiusap si Epy na huwag munang siyang kapanayamin dahil ilang araw na raw siyang walang tulog. Subalit kalaunan ay sinagot na rin niya ang ilang katanungan mula sa press.

“Maraming salamat sa inyong lahat. Until now, it’s really just overwhelming,” sabi ni Epy, na isa sa mga anak ng pumanaw na komedyante sa dating aktres na si Pamela Ponti, o Baby Smith sa tunay na buhay.

Katulad ng sinabi ng kanyang kapatid na si Eric at ng pinakahuling partner ng kanyang ama na si Zsa Zsa Padilla, lubos din ang pasasalamat ni Epy sa lahat ng mga taong nagbigay ng kanilang panalangin para kay Dolphy.

“‘Yon na nga, nao-overwhelm ako maski tuwing nagbubukas ako ng Facebook, Twitter… I never thought it was like this. Akala namin it was gonna be solemn.

“I don’t know, I’m lost with words now.

“I would like to thank the Filipino people all over the world.

“Thank you so much for the prayers, thank you so much.

“Probably those prayers got him back with us and, you know, we were able to communicate with him before he left.”

PREPARED BUT… Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang malaman ng pamilya ni Dolphy na nasa Stage 4 na ang karamdaman nitong chronic obstructive pulmonary disorder (COPD).

Isang buwan pa ring lumaban sa karamdamang ito si Dolphy sa Makati Medical Center.

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Epy, kahit papaano ay naihanda na niya at ng kanyang pamilya ang kanilang mga sarili sa anumang posibleng mangyari sa kanilang ama.

Noong Martes, July 10, binawian si Dolphy ng buhay sa edad na 83.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • Lokotoy

    07/12/2012 | 11:42 PM
    Namimiss nya allowance...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Mariposang_gala
    07/13/2012 | 06:25 AM
    si vandolph un...di si epy...
  • BERNARD2010

    07/12/2012 | 04:32 PM
    Nakakainis ang mga reporter na nagtatanong!!!Mag-isip naman sila ng tanong na mas may sense.Ambush interview man yan eh dapat mas may logic!!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    pwearl120
    07/12/2012 | 06:02 PM
    oo nga. grabe itong mga walang modong reporters ng pep na pagmamay ari ng gme. grabe talaga itong gme network walang delicadeza man lng. ang cheap cheap talaga gaya ng primetime queenbee nilang flopsina na si inday marian buwang rebera... hahhaha..
    xenaako
    07/13/2012 | 09:07 PM
    nakakaawa ka pwearl120. sobra bitter. sobrang pangit siguro ng buhay mo noh?
  • lefty

    07/12/2012 | 02:56 PM
    oo nga kamukha nga sya ni mang pidol..rest in peace mang pidol ur in gud hands now w/d lord..we lab u mang pidol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zabeth58

    07/12/2012 | 01:55 PM
    he looks like dolphy noong kabataan ng ama niya. he also excels well in comedy just like his dad. i know there's a lot of good opportunities in showbiz, hope he will be given a chance to show his talent and be famous...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • marilousyj

    07/12/2012 | 01:36 PM
    Among Dolphy's sons, Epy looks more like their father. I hope he dabbles in comedy and reprise roles that his father did if only to remind us of Mang Pidol. Epy is very talented but seems more inclined to do serious roles. That is okay but I hope he would do comedy as well.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About