news

Former sexy comedienne Janice Jurado says she owes her showbiz career and life to Dolphy

by Ruel J. Mendoza posted on July 12, 2012  STATS: 28335 Views | 9 Comments

Janice Jurado on Dolphy: "Utang ko sa kanya ang buhay ko ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, wala na siguro ako ngayon. Kaya maraming salamat, Tito Dolphy. Dinugtungan mo ang buhay ko. Hindi kayo nagdamot sa akin sa oras ng pangangailangan ko."

Photo By: Screen grab from ABS-CBN / Noel Orsal

“Minsan, pumunta lang ako sa studio. Gusto ko lang magpasalamat at may dala akong mga prutas para sa kanya.

“Alam ko ba busy siya sa taping, pero gusto ko lang mag-thank you talaga. Ang lumabas ay ang ang assistant niya at may iaabot sa akin na pera galing daw kay Tito Dolphy.

“Minsan naman bigla niya akong papatawagan at papapuntahin ako sa restaurant kunsaan sila kumakain. Isasama niya ako 'tapos pagkatapos ay bibigyan pa niya ako ng pera.

“Siyempre, nahihiya na ako sa kanya. Pero sasabihin lang niya sa akin, ‘Kung wala kang pera, tanggapin mo ito.’

"E, sa totoo lang, wala nga akong pera kaya tatanggapin ko.

“Kaya malaki ang naitulong sa akin ni Tito Dolphy sa buhay ko. Hindi ako gagaling kung hindi dahil sa mga tulong niya.”

LAST TIME. Panghihinayang lang ni Janice ay hindi niya nakita at nakapagpasalamat kay Mang Dolphy sa kahuli-hulihang pagkakataon.

Sabi niya, “Lagi akong nasa labas ng Makati Medical Center. Mahigpit ang security at hindi ka basta makakapasok. Hanggang sa malaman kong pumanaw na si Tito Dolphy.

“Sana lang nga ay nagawa kong magpasalamat sa kanya nang personal.

“Yung mahawakan ko man lang ang kamay ni Tito Dolphy at magpasalamat ako sa kanya nang buong-puso.

"Hindi ko nagawa iyon para sa kanya sa kahuli-hulihang sandali,” maluha-luhang saad niya.

Kaya noong madala na sa Heritage Park sa Taguig ang mga labi ng Comedy King, isa si Janice sa mga naunang pumunta roon para masilayan sa huling pagkakataon ang taong sumagip sa kanyang buhay noong siya ay nangangailangan.

Ani Janice, “Gusto kong makita at magpasalamat kay Tito Dolphy.

"Utang ko sa kanya ang buhay ko ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, wala na siguro ako ngayon.

“Kaya maraming salamat, Tito Dolphy. Dinugtungan mo ang buhay ko. Hindi kayo nagdamot sa akin sa oras ng pangangailangan ko.

« Prev  1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • bus_stop

    07/13/2012 | 05:45 PM
    naiyak naman ako dito...tito dolpy maraming salamat po...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    07/13/2012 | 06:47 AM
    sa sobrang bait ni mang dolphy im sure maraming nanggamit sa kanya.. yan siguro ang sinasabi ni zsa zsa, minsan kasi pag sobrang bait inaabuso ka.. karma na lang siguro sa mga manloloko yon.. wala bang health insurance sa pinas para pag na hospital ang insurance ang magbabayad? sinong may alam?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    milomilo123
    07/13/2012 | 08:13 AM
    may health insurance kaya lang mahilig ang pinoy sa libre parasites [
  • jimmycrackcorn

    07/13/2012 | 04:33 AM
    Iniyakan ko nanaman uli ako sa article na ito, very sincere ang sinasabi nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/13/2012 | 02:33 AM
    this is the best eulogy ever. di tulad ng ibang artistA sasabihin na mi miss ko si tito dolphy , he moved my hear, he is my inspiration blah blah.. tulad ng sinasabi ni siaron Oh I miss tito dolphy so much sn ala tweeter ang sinasabi, paano nya ma miss si dolphy wala naman silang pelikulang pinagsamahan dahil ayaw ng viva ka dolphy. Plastik.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Lokotoy

    07/12/2012 | 11:54 PM
    Kwela nga ang character nya sa Duplex as Liweng...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tatoyadik

    07/12/2012 | 10:46 PM
    grabe kakatouch nmn kwento nya...gnun kabait tlga tong c comedy king....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    07/12/2012 | 10:30 PM
    kaya ka pala bine-blessed ng panginoon dahil mabait ,matulungin,at mapagmahal sa kapwa lalong lalo na sa mga aanak at pamilya mo.rest in peace mang pidol.malaki ang nagawa mo sa puso ng bawat pilipino dahil kahit karamihan sa amin naging mahirap ang buhay noon nagsumikap kaming makalimutan ang problema sa buhay.nalala ko noong bata pa ako kahit hirap sa buhay nagawa ko paring tumawa pagpalabas na ang john en marsha........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Mute19

    07/12/2012 | 07:57 PM
    Yan ang tumutulong, di kailangang i broadcast. you're in peace now, Mang Dolphy. Sabi nga ni Eric. Heaven is a happier place now =
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • knightkrawlers0

    07/12/2012 | 06:19 PM
    yan ang tulong..di pinagsasabi..di tulad ng iba dyan with camera pa..pinagsasabi sa reporter or twitter para makunan ng picture
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pwearl120
    07/12/2012 | 08:10 PM
    tumpak. si willie ba tinutukoy mo? hahha

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About