news

Zsa Zsa Padilla to Dolphy: “Okay lang kami, 'wag mo kaming intindihin.”

by Jocelyn Jimenez posted on July 12, 2012  STATS: 110799 Views | 10 Comments

Zsa Zsa Padilla says Dolphy held on to life for a long time because: “Mahal na mahal niya talaga kami, e. Sobrang pagmamahal niya sa amin, he couldn’t let go of us. Iniisip niya talaga paano na kami, alam ko ‘yon.”

Photo By: Noel Orsal


Lubos ang pasasalamat ni Zsa Zsa Padilla sa lahat ng mga taong nagdadasal at sumusuporta sa kanya at kanyang pamilya sa pagkawala ng kanyang partner na si Dolphy.

Noong Martes, Hulyo 10, pumanaw ang Hari ng Komedya dahil sa “multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, and acute renal failure.”

Siya ay 83 years old.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Zsa Zsa ngayong hapon, Hulyo 12, sa Heritage Memorial Park, sa Taguig City.

Una naming kinumusta ang kanyang mga anak kay Dolphy na sina Nicole at Zia, na tila nahihirapan tanggapin ang pagkawala ng kanilang ama.

Ayon kay Zsa Zsa, “Mabuti na rin naman ‘yong ate nila, si Karylle, kasama namin kagabi.

“‘Yon, medyo nahihirapan din sila... uhm, si Nicole kasi is based in Australia.

"So, pagkatapos nito ay babalik na siya ng Australia... nagtatrabaho na kasi siya doon.

“Si Zia naman medyo nahihirapan kasi… Alam ninyo, the past two years, nakasentro ang aming mga schedule at mga lakad kay Dolphy.

"Kahit magbabakasyon kami, talaga namang iniisip namin kung kailangan na ba naming bumalik.

“Kadalasan, nakikiusap kami sa family member, mga anak niya, ganyan, kung puwede magbantay, kung kailangan namin ng konting break.

“So, naninibago kami na hindi na namin kailangan i-consider ‘yong ganyang bagay.

"Katulad kahapon, sabi ko, ‘Zia, we can even go on a vacation without thinking when to come back.’

"Kasi laging, ‘Kawawa naman si Papa, maiiwan si Papa,’ gano’n.

“So, ‘yon, nakakapanibago lang ‘yon.”


LETTING GO. Aminado na hirap pa rin ang singer-actress na tanggapin ang pagkawala ng kanyang katuwang sa buhay.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  daffodils87

    07/13/2012 | 10:04 AM
    It takes a while, just keep on praying and have faith and always remember, you will see him again. All of us will go, only we do not know when.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • alexitorin

    07/13/2012 | 03:49 AM
    Na iyak naman ako sa article na ito. Ang suwerte ni Dolphy. Mahal na mahal siya ng asawa niya at mga anak. Napapaligiran pa ng and dami daming apo. Rest in peace.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • AKOKAZE

    07/12/2012 | 08:16 PM
    such a great love for each other.. zsazsa may hv a hard time.. may God give u strength!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • misstoe

    07/12/2012 | 08:11 PM
    So sad naman. Dolphy is one of the best comedians in the country. Siya lang ang kaya kong panoorin sa comedy, kasi hindi siya corny, natural yung comedy niya. Rest in peace, Mang Pidol..you earned the right to be happy next the your Creator.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jagjof

    07/12/2012 | 08:00 PM
    HIndi man mabasa ni Zsa zsa itong post ko, pero gusto ko ding i-share yung pinagdaanan ko. Mas magiging mahirap sa mga susunod na araw. Mas maraming luha at lungkot ang mararamdaman mo. Maraming mga moments, pangyayari or mga bagay na pwedeng magpa-alala sa minamahal mo na hindi mo inaasahan. Magugulat ka na iiyak ka na lang at tutulo na lang ang luha mo dahil nami-miss mo yung tao. Lalo na kapag nag-iisa ka na. Maiisip mo yung mga bagay na ginagawa nyo. Mahirap pero may HOPE, kumapit ka lang sa Diyos. Humingi ka ng lakas na hindi pwedeng ibigay ng tao na tanging ang Diyos lang ang pwedeng magbigay sa iyo. Daraanan mo ang grieving process, pero magdasal ka na malagpasan mo yung phase na yun sa buhay mo.....In the loneliest places, ask God to remind you who you are to Him! Pray that God will give you the strenght to make it through this journey.....God Bless You.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • doslugi

    07/12/2012 | 07:45 PM
    hindi ko kilala personally si Dolphy pero naging parte xia ng buhay ko via home along da riles.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Manamalady

    07/12/2012 | 06:54 PM
    Still feeling sad everytime naka2basa ng ganito bout Mang Dolphy. Dont worry, maka2overcome din kyo sa pagkawala ni Mang Dolphy. Wala nmn kc tgang kasing sakit mawalan ng minamahal. Im sure nkatingin cya now sa inyo at ngingiti ngiti lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lynn_q8

    07/12/2012 | 06:17 PM
    Sighs! mahirap talaga ang mawalan ng minamahal lalong lalo na kung super close kayo! my sympathy goes to Quizon's family and may the king of comedy RIP! paalam mang Dolphy! you will be missed.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lynn_q8

    07/12/2012 | 06:17 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    07/12/2012 | 06:15 PM
    i hpe zsa zsa can read dis. no words are enuf to comfort u mskit mwlan ng aswa.u cud start taking it slowly,time heal all wounds ika nga nila .ask for those people hu went on ur situation such as pia magallona and lorna t. but above all just pray and have faith in god he will help u surpass evrythng in gods tym.just thnk of it in the positive way nkita u nmn ganu kahirap ang pingdaanan nya gnwa nyo nmn lht para ma prolong un lyf nya pero di na tlg nakaya ng ktwan ni dolphy kya its better to let him go na. u still hav ur daughters with u and in time mgkikita din kau sa heaven.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About