news

Alfred Vargas submits resolution honoring Dolphy; says he doesn't believe allegations thrown against fellow QC councilor Roderick Paulate

by Gorgy Rula posted on July 12, 2012  STATS: 5048 Views | 11 Comments
Alfred Vargas, who's presently serving as councilor of Quezon City's district 2: “Nakikiramay ang buong Quezon City sa pamilyang Quizon sa pagkawala po ng ating King of Comedy, si idol nating si Dolphy."
Photo By: Noel Orsal

Bilang paggalang at pagpupugay sa namayapang Comedy King na si Dolphy, nagsumite si Alfred Vargas kahapon, June 11, sa Quezon City Council ng isang resolution "honoring the King of Comedy Rodolfo 'Dolphy' Quizon, for His Achievements and Invaluable Contribution to the City of Stars, Quezon City, and the Rest of the Country."

           
Walang session kahapon dahil karamihan sa mga konsehal ng Quezon City ay nasa Guam. Pero isinumite pa rin ito ni Alfred para maresolbahan na raw ito.
           
 
Bahagi ng nakasaad sa naturang resolution; “Whereas, the seven glorious and fruitful decades int the career of the Comedy King moved millions of Filipinos to tears, and laughter in different times and moments of our Philippine history.
 
 
"Rodolfo ‘Dolphy’ Quizon will always be remembered for his remarkable talent, valuable contribution and achievements, making him ‘one of the greatest actors in the history of Philippine entertainment.’”
           
 
Ayon kay Alfred, na councilor sa 2nd district ng naturang lungsod, “Sa tingin ko kasi, deserving talaga si Pidol na ma-recognize ng buong Quezon City at malagay sa talata ng konseho.
 
 
“Yung kanyang lahat na nagawa, lalo na yung napakaraming artistang na-influence niya, lalo na nung baguhan ako...
 
 
“In-inspire niya ako to do better sa mga ginagawa ko at maging professional sa lahat na  aspeto ng trabaho.”
 
 
Nakasama raw niya sa ilang TV guestings si Dolphy nung baguhan pa lang siya at talagang na-starstruck daw ito.
 
 
Nakita rin daw niya ang malaking paggalang ng mga nakakatrabaho ng yumaong komedyante.
           
 
“Siguro kaya ko  rin siya naging idol hindi lang dahil tuwing kasama ko siya, kundi yung sinasabi rin ng mga tao about him.
 
 
“Kahit mga masahista sa set, mga PA, mga direktor, from the biggest stars hanggang sa utility at fellow actors, talagang well-regarded siya as king of comedy.
 
 
“Grabe siya talaga magpaulan ng biyaya. That’s why everyone on the set is very excited to work for him or pagsilbihan siya, or to work with him...
 
 
"Kasi hindi lang siya masarap kasama kundi talagang, yun nga, napaka-generous at tumutulong siya talaga,” ang puri ni Alfred kay Dolphy.
 
 
Hindi pa raw sila nagkausap ni Mayor Herbert Bautista, pero alam daw niyang may mga gagawing pagpupugay ang huli para kay Mang Pidol.
 
 
Dugtong niya, “Gusto naming ipaalam sa lahat na ang buong Quezon City ay talagang nagpapasalamat, and we are honored na nakatrabaho namin si Dolphy.
 
 
"At sa kanyang lahat na nagawa and to inspire, especially the youth, the young artists, ang kanyang mga napangiti at napatuwang mga tao."
 
 
 
RODERICK'S SUSPENSION. Samantala, hiningan na rin namin ng reaksiyon si Alfred sa lumabas na balitang sinuspinde ng Ombudsman si Roderick Paulate bilang konsehal dahil sa isyung kinasangkutan nito.
 
 
 
 
Pahayag ng aktor, “Para sa akin, lahat naman tayo ay kilala natin si Kuya Dick, and for me, hindi niya kayang gawin ang mga ganung klaseng bagay.
 
 
“Hindi ko alam ang buong detalye pero iyun lang ang masasabi ko.
 
 
“Pagdating sa pagkakilala ko kay Kuya Dick, I don’t think na ginawa niya talaga yun.
 
 
“Full support po ako, at ang buong council at ang buong local government of Quezon City kay Kuya Dick."
 
 
Bilang panghuli, nagbigay ito ng mensahe para sa pamilya Quizon: "Kay Dolphy, may he rest in peace, and sana ang resolution na ito ay magpapakita ng aming pasasalamat."
1  

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  napazu7

    07/13/2012 | 09:07 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  napazu7

    07/13/2012 | 09:02 AM
    I don't believe din about Dick's issue. My mother was also an employee in Paranaque cityhall in Joey Marquez' time. Her first name is Columba but she used her nickname Luming of course with the family name as her legit name in payroll at may id pa without cityhall asking for her birth certificate. Kung naimbestigahan ang mga employee dun, syempre kasama ang mother ko sa ghost employee simply because in the civil registry/registrar walang luming na ipinanganak. But the paypoll doesn't go to the mayor's pocket naman kc sumusweldo ang mother ko. Ung mga ghost employee doesn't necessarily mean may kalokohang gnawa ang nakaupo. Un ung ilang taong tumulong sa kandidatura ng pulitiko at nabigyan ng chance makapaglingkod sa gobyerno. Sana nga lang naging maingat si Dick sa pagkuha sa kanila asking for their NSO first for proper billing or payment. Kaya dun sa mga nagku-comment ng masama agad, mag-isip muna. Un lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tatalon3

    07/13/2012 | 08:37 AM
    Nauumay ako sa mga balita at mga papuri kay Dolphy, hindi sa ayaw ko sa kanya, kung hindi dahil sa mga pumapel, o nakikisawsaw, nagiging malasak, parang mga OA na, sa dulo parang ayaw ko na tuloy maniwala, eywwwwww, itigil nyo nga mga yan. Give them 2 days, wala na mga yan, pudpod na mga pinagsasasabi.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • thor23

    07/13/2012 | 08:30 AM
    cge sawsaw lang muka wala ka naman maisip eh. si dick naparusahan na ng ombusman takos kokontrahin mo pa. bakit nanalo toh si alfred?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    07/13/2012 | 07:11 AM
    ang sa akin lang...bakit ngaun sya kikilos?saka yung kay roderick paulate noon pa naman may ghost employee...BAKIT NGAUN LANG?! one thing ang kukupad.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/13/2012 | 02:42 AM
    senyor alfed kong may usok may lava....sigue na kakandidato ka pala ng congressman
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Stantiel

    07/12/2012 | 09:53 PM
    "Sawsaw suka mahuliiiiiiiii ...." Tsk, tsk, riding on the bandwagon! Disgusting!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    07/12/2012 | 09:18 PM
    Pareho kami ng opinyon ni Alfred about Roderick. Bakit ngayon lang nag imbestiga ang ombudsman ng mga ghost employees?? Matagal ng kalakaran iyan ng lahat ng mayor kahit saang lugar sa Pilipinas pero bakit dalawa lang silang pinuntirya. Politics as usual iyan, magkakaiba ng partido kaya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jagjof

    07/12/2012 | 08:59 PM
    ayokong pagdudahan ang gusto nyang mangyari.....pero naman kung magsalita siya para siyang isang tipikal na politiko. Yung salitang binitawan nya "NAKIKIDAMAY PO ANG BUONG QUEZON CITY....." is a political statement para sa akin......tama yung isang poster dito sana sa ibang paraan huwag yung related sa politika...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kcprettyangel

    07/12/2012 | 08:58 PM
    Iknow you want to pay respect, pero huwag naman sanang isali ang politika kc nagiging obvious.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    07/12/2012 | 08:41 PM
    i know he wants to pay his respects, but..submitting a resolution to inform everyone of what's already obvious? man, sana sa ibang paraan na lang like--not related to politics and stuff?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    cinelamour
    07/13/2012 | 10:38 AM
    duh! making a resolution makes it official. a written motion from his local government he is representing. you can't just make pronouncements here and there na parang presscon. it is apt and appropriate to make it on record.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About