Maaari pa ring mabigyan ng National Artist award ang namayapang Comedy King na si Dolphy, ayon sa statement na ibinigay ng Malacañang ngayong araw, July 12.
Ito ay kung makakapasa ang komedyante sa screening na isinasagawa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa ngayon, para sa mga taong mabibigyan ng National Artist award sa taong ito.
Ayon sa report ng ABS-CBN News, kinumpirma ng Palasyo na kasama si Dolphy sa mga nominado para sa mataas na karangalan.
Narito ang pahayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, “I understand Undersecretary [Manolo] Quezon spoke to them last week and ang sabi po ng NCCA is that Dolphy has been deemed nominated for the National Artist award. They will be receiving other nominations.
"The NCCA has gotten clearance from the Office of the Solicitor General to proceed with the screening and the vetting of nominees for National Artist for 2012.”
Ngunit hanggang dito lang muna ang maaaring sabihin ng Palasyo dahil ayaw nitong maimpluwensiyahan ang desisyon ng NCCA.
"Obviously, the President thinks very highly of Mang Dolphy. However, we have stated in the past [that] we do not want to politicize the process. We do not want to make any prejudgments, and magsasalita na lang po tayo kapag nakapagbigay na po ng shortlist ang NCCA for the award,” ayon pa kay Valte.
Ayon sa batas, isang beses sa tatlong taon lamang maaring magbigay ng National Artist award.
Matatandaan ding nagkaroon ng kontrobersiya sa awards noong 2009, nang maghain ng temporary restraining order ang Supreme Court para pigilan ang pagbibigay ng award kina Carlo J. Caparas, Cecile Guidote-Alvarez, Francisco Mañosa, at Pitoy Moreno. Ayon sa mga protesta, ang mga pangalang ito raw ay idinagdag lamang ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
PREVIOUS NOMINATION. Bago ang statement ng Palasyo, may mga lumabas namang balita na na-nominate na si Dolphy para sa National Artist noong 2009, ngunit hindi ito lumusot sa screening.
Ito ay kinumpirma ni Cecile Guidote-Alvarez sa isang panayam sa radio station na DZMM noong July 5.
Ayon kay Guidote-Alvarez, isang dating opisyal umano ng CulturalCenterof the Philippines (CCP) ang pumigil sa nominasyon ng Comedy King.
Ang tinukoy niya ay si Dr. Nicanor Tiongson, isang film professor sa University of the Philippines na dating naging presidente ng CCP at chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Pahayag ni Guidote-Alvarez, ang pagpigil umano ni Tiongson sa nominasyon kay Dolphy ay dahil sa pagganap nito sa ilan niyang mga pelikula bilang bakla.
Executive director ng NCCA si Guidote-Alvarez noong 2009, kaya't co-chair siya sa ng National Artist Awards Selection Committee noong taong iyon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
5 Darlings
4 Lokotoy
3 opinion_ko_to
2 opinion_ko_to
1 henriettopex
more comments