news

Gloria Romero emotionally recalls her "wonderful times” with Dolphy

by Joyce Jimenez posted on July 13, 2012  STATS: 22772 Views | 4 Comments

Gloria Romero was emotional as she relates how Dolphy lived his life to the fullest. Though it was hard for her to accept the fact that her “kumpadre” is now gone, she says Dolphy will always be remembered for all the laughter he shared with the people.

Photo By: Melo Balingit

Agad na mababakas sa mukha ng beteranang aktres na si Gloria Romero ang lungkot at sakit sa pagpanaw ng kanyang “kumpadre” na si Dolphy.

Dumating si Gloria kahapon, Hulyo 12, sa Heritage Memorial Park sa Taguig City, bandang ala-sais ng gabi, at hindi kaagad na nagpaunlak ng panayam sa press.

Pagpasok sa viewing room, hindi na napigilan ng aktres na maluha nang makita ang pamilya ng Comedy King, at ang kabaong na pinaglalagakan ng mga labi nito.

Bago siya umuwi ay saka nagpaunlak ng maikling panayam si Gloria sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Kanyang ibinahagi sa amin ang isang insidente kung saan nakita niya kung gaano kamahal ng Comedy King ang kanyang trabaho, at kung gaano niya kagustong maghatid ng saya sa bawat manonood.

“It’s like what he said one time, ‘Kapag ako’y ipanganak ulit, ang pipiliin ko, pag-aartista pa rin.’

“That’s how much he loves his job.

“Kaya kita n'yo naman, nagluluksa ang buong industriya sa pagkawala… sa pagpanaw niya.”

THE BEST MEMORIES. Halos magkasabay na pumasok sa industriya ng showbiz sina Dolphy at Gloria.

Marami rin silang pinagsamahan na mga proyekto tulad na lamang ng Kurdapya (1954), Dalagang Ilocana (1954), Despatsadora (1955), Hindi Basta-Basta (1955), Hootsy Kootsy (1955), Vacacionista (1956), at Pagoda (1958).

Kahit pa raw gusto ni Gloria na dalawin si Dolphy sa ospital noon ay hindi niya ginawa, dahil ayaw niyang makita ito na mahina at walang sigla.

Kuwento ng veteran actress, “Alam mo, masayang-masaya ako in a way na nabisita pa namin si Pareng Dolphy no’ng bago pa siya na-ICU.

"Ako, si Marichu [Vera-Perez] at si Ms. Butch Anson-Roa, we went there to visit him.

“Nagtatawanan pa nga kami, nag-iistorya pa nga kami about the days ng Sampaguita—and that is my most memorable moment with him.

“Hindi ako nagpunta sa ICU, ayaw ko siyang makita na gano’n.”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • jimmycrackcorn

    07/14/2012 | 09:20 AM
    magaganda talaga yung mga sinunang filipino movies. Isa sa mga favorite ko yung original na Jack Jill si Dolphy at Lolita Rodriguez tapos niremake nina Sharon at Herbert noong 80's
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mafugly

    07/14/2012 | 08:13 AM
    Luv their old movies together especially the one shot in Hong Kong. Sana they honor Gloria Romero more for being reyna ng Philippine movies. Luv Dolphy, Gloria Romero, and Eddie Garcia.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winklebee

    07/13/2012 | 04:33 PM
    kanina, i just watched dolphy's old movie sa gma news tv.. with panchito.. kakatawa tlga ... paalam tito dolphy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • deathbychocolate

    07/13/2012 | 12:01 PM
    I love watching old Sampaguita movies of Gloria Romero at si Dolphy ang nakakatawa niyang sidekick. The best ang Dalagang Ilokana at HongKong Holiday. Pati rin Reyna ng Vicks with Dolphy as the host.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jakar
    07/13/2012 | 01:01 PM
    just finish watching dalagang ilokana and manang biday ....

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About