news

Part 2. Barbie Forteza describes her new loveteam partner Derrick Monasterio as a gentleman: “Nakakaloka, nakakapanibago. Nakakapanayo ng balahibo!”

by Rose Garcia posted on July 14, 2012  STATS: 6785 Views | 7 Comments

Barbie Forteza (right) on Derrick Monasterio (left):

“Nagulat lang ako sa kanya kasi, parang ngayon ko lang nakita yung matinong side niya. E, sa Tween Hearts, lagi siyang harot nang harot, e. Dito, napaka-gentleman. Gulat nga ako! Palagi siyang nag-o-offer ng silya, nagbibigay ng tubig. Hinihintay niya 'ko sa set," she says.

Photo By: Noel Orsal

Matatawag na ring masuwerte ang tweens na sina Barbie Forteza at Bea Binene dahil hindi sila halos nababakante sa paggawa ng sunud-sunod na projects sa GMA-7 network.

Noong Huwebes, July 12, ay nakapag-taping na si Barbie para sa Luna Blanca.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa press conference ng Luna Blanca sa 17th floor ng GMA Building noong Lunes, kunsaan ipapakita ang pagpasok nina Bea at Barbie bilang mga teenagers na sina Luna at Blanca.


IN PROGRESS. Kinamusta muna namin kay Barbie ang pagsabak niya sa Luna Blanca sa ikalawang yugto nito.

“Yung unang taping ko kasi, pinaka-pilot pa lang ng pangalawang yugto.  Konti pa lang ako, mas marami pa rin sila Mona Louise Ray.

“Kahapon yung madugo talaga. As in, simula’t sapul, ako agad.”

Sabi pa ni Barbie, “Kung ikukumpara ko siya kay Katherine sa ILAM [Ikaw Lang Ang Mamahalin] dati, kahit paano si Katherine, malinis siya kasi katulong.

“E, si Blanca, nagsimula talaga siyang nangangalakal ng basura.

“As in kanto girl. Halos hindi nakapag-aral. Pero siyempre, may kaastigan pa rin ang character ni Blanca kay Luna.

“Kasi si Blanca, parang ngayon na lang naging maangas. Kasi, parang naniniwala kaming wala na si Luna.

“Parang ako na lang ang nagiging sandalan ni Nanay Rowena [Camille Prats]. Pero si Luna, simula’t sapul, matatag talaga siya.”


NEW LOVETEAM. Sila na ni Derrick Monasterio ang magkapareha sa Luna Blanca, hindi ba siya nailang na iba na ang ka-loveteam niya?

Nakangiting sabi ni Barbie, “Hindi naman ako nailang. Pero natatawa ako palagi.

“Kaming tatlo, ako, si Derrick, si Kristoffer [Martin], e, parang ang role rito ni Kristoffer, inglisero. Natatawa ko! Natatawa kami ni Derrick.

“'Tapos yun, masaya naman. Actually, yung location po, mabaho siya, pero mas gusto ko na yun sa Payatas na sinasabi nila.”


A GENTLEMAN. Unang pagkakataon na nagka-loveteam sila ni Derrick.

“Kahit nga po yata sa Tween Hearts, wala... Ngayon lang talaga.

“Nagulat lang ako sa kanya kasi, parang ngayon ko lang nakita yung matinong side niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • caitelinshine

    07/14/2012 | 10:34 PM
    tuwing nakikita ko sya eh naaalala ko si CHAKA khan... idol ko sya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    07/14/2012 | 08:23 PM
    mas bagay sila. so lovely pair.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    07/14/2012 | 04:57 PM
    bea and barbie are both very talented young girls... both excel in their own fields... they will both make it really big in showbiz..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    07/14/2012 | 02:37 PM
    dati mas like ko si bea pero ngayon mas like ko si barbie. insecure much kasi si bea. napapansin ko sa PP lagi niyang hinaharangan c barbie sa production nila. sumisingit talaga siya sa line kahit dapat ay nasa likuran siya. c barbie cool lang. mas magaling pang umarte.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    cy2
    07/14/2012 | 04:46 PM
    hndi na mn maganda c bea xa totoo lg.
    jams_mom
    07/14/2012 | 05:01 PM
    i dont think sinasadya naman sapawan ni bea si barbie... bea reminds of lea salonga or maricel soriano na big steps palagi... barbie is more mahiyain or restrained when it comes to dancing...
    gorgeous_aleck
    07/14/2012 | 07:03 PM
    sana nga hindi niya sinasadya. binu-build up pa naman sila nga gma.
  • lovelike

    07/14/2012 | 02:15 PM
    i really like BARBIE, most of all nilagay sa KANGKONGAN ni BARBIE ang dalawang SUPERSTAR nang DOSLAOS !!! its because magaganda kasi ang mga dating TWEEN KIDS at magagaling compared to GROWING-UP yaya KIDS na mga NGITPA at SUPER MATURED na ang face...
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    cy2
    07/14/2012 | 04:46 PM
    weeeee inggit ka teh? talaga lang?baka c barbie na ngayon ang nasa kangkongan. haller top ratings ata yun.
    Lieutenantcaine
    07/14/2012 | 07:05 PM
    Wag na kase i-compare don sa kabilang show para walang away purihin ang dapat purihin, punahin in a nice way kung may dapat punahin pero yong mga di kasali wag na isali para walang gulo.
    opinion_ko_to
    07/15/2012 | 02:17 AM
    oh ayan napagalitan ka tuloy!LMAO
  • AngelSIKATlocsin

    07/14/2012 | 01:56 PM
    Da who?????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dyoy19

    07/14/2012 | 12:57 PM
    go go go barbie!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About