“Natatandaan ko yung mga Tarzan Vs. Tansan [1963] niya with Vic Vargas... Yun nga pong Fefita Fofonggay... Viuda de Falayfay [1973], yung hindi po ako doon natanggap...
"Mahal na mahal din po si Tito Dolphy ng pamilya namin."
Sharon also recalled the time she was set to do an indie film for Unitel Pictures, Crying Ladies (2003), which topbilled her with the late Nida Blanca, Hilda Koronel, Angel Aquino, and Dolphy's son, Eric Quizon.
"When I was shooting Crying Ladies, yung producer po ng Unitel, si Tony Gloria, natatawa siya na excited akong gumawa ng ganung pelikula."
Ginampanan ni Sharon ang papel ng isa sa apat na babaeng ang hanapbuhay ay ang pag-iyak sa mga burol ng mga namayapang Intsik.
Ayon sa actress-TV host, "I really wanted then a proper decent tribute to Tito Dolphy.
“We want to do something different, reintroduce it to his audience and the new generation of fans."
FRIENDSHIP WITH ZSA ZSA. Higit na naging emosyunal si Sharon nang mabanggit niya ang tungkol sa naging friendship nila ni Zsa Zsa Padilla, ang babaeng naging partner ni Dolphy sa loob ng 23 taon.
"I and Zsa Zsa were already friends when we were 18, 19... Zazhing [tawag niya kay Zsa Zsa] was already there when I gave birth to KC [Concepcion].
"Nung nag-umpisa na po yung relationship nila ni Dolphy, witness na po ako sa love story nila."
Public knowledge na naging malaking balita ang kontrobersiyal na ugnayan, bandang 1989, na naging hudyat ng pagtatapos ng relasyong Dolphy at Alma Moreno.
"Umiiwas na siya [Dolphy] noon," Sharon recalled further.
"Naalala ko po noon, si Tito Dolphy, maraming humusga sa kanya.
“May mga nasaktan siya... and he left with only his clothes packed because Zsa Zsa was his true love."
Naging malapit din daw si Sharon sa pamilya Quizon o sa ilang direktang kaanak ni Dolphy.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
72 gabriela414
71 gabriela414
70 pusongdurog
69 bac_tol
68 bac_tol
67 rommel25
66 rommel25
65 pusongdurog
64 channel5n7
63 Tyler11
62 ian15yeah
61 ian15yeah
60 rommel25
59 rommel25
58 milomilo123
57 pinay123
56 ratedsardines
55 expression
54 walangpaki
53 milomilo123
more comments