news

Sharon Cuneta gives long eulogy for Dolphy; regrets not having a film with the Comedy King

by William R. Reyes posted on July 13, 2012  STATS: 104845 Views | 72 Comments

"Hindi ko malaman kung bakit... ang isang napakalaking artista... hindi po pinahintulutan ng Diyos na magkaroon ng pagkakataon na makagawa ako ng kahit isang pelikula, kasama niya. Hindi po kami nakagawa ng pelikula ni Tito Dolphy…except for a few guestings, sa mga specials niya," says Sharon Cuneta about Dolphy, in her eulogy at the Comedy King's wake last night, July 12.

Photo By: Melo Balingit

Madamdamin ang kabuuan ng mensahe ni Sharon Cuneta sa ginanap na necrological services para sa yumaong Comedy King na si Dolphy kagabi, July 12, sa Heritage Memorial Park and Crematorium, Taguig City.

Kabilang ang Megastar sa maraming bituin na nagtipon-tipon para sa ikalawang gabi ng lamay, bilang pasasalamat at pagpupugay sa namayapang showbiz icon.

Kasunod si Sharon na nagsalita ng mga naunang sina Eddie Gutierrez, Mother Lily Monteverde, Niño Muhlach, German "Kuya Germs" Moreno, Claudine Barretto, at Willie Revillame.

After Sharon came TV5's owner Manny V. Pangilinan; kasunod ang huling mensahe ng mga anak at anak-anakan ni Dolphy, 'tulad nina Eric Quizon, Dolphy, Jr., Marikit at Nicole Quizon, at Maricel Soriano.

Mahaba at makabuluhan ang naturang eulogy services kagabi, bilang isa pang pagpupugay sa yumaong Comedy King.

Nang tumayo si Sharon sa hanay na kinauupuan nina Zsa Zsa Padilla at iba pang kaanak ni Mang Dolphy, bakas na ang pamumugto ng mga mata niya dahil sa sobrang pag-iyak.

"Ang sabi ko po kanina sa sarili ko, hindi ako iiyak," bungad ni Sharon. "Pero may sariling opinyon yung luha ko, siya po ang labas nang labas."

Napabuntung-hininga muna si Sharon bago nagtuluy-tuloy sa pagpapahayag.

"Hindi po kami naging malapit na malapit ni Tito Dolphy.

"Ang natatandaan ko, nung bata po ako, ang mommy ko [Elaine Cuneta] at itong si Tita Helen [Gamboa] ko, nagkuntsaba na... pinag-audition ako para maging anak ni Tito Dolphy. Eight years old pa lang ako noon.

"Ang direktor ng movie, si Chaning Carlos," banggit ni Sharon sa isa sa mga paboritong direktor ni Dolphy na si Luciano B. Carlos, na malaon na ring namayapa.

"Ako po'y ni-reject [ni Direk Chaning] dahil ako raw po'y masyadong matangkad.

"Years later, nung nagkikita kami, nasabi ko sa kanya, 'Direk, alam mo, ni-reject mo ako!’"

May magkahalong ngiti at lungkot sa mga labi ni Sharon as she said these words.

"I watched many Dolphy movies in the theater as I grew up. Maliit pa ako, Dolphy movies na rin ang tumatatak sa isip ko...

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

72 Comments

  • 52  fatedtoloveyou25

    07/14/2012 | 09:44 AM
    hnd nman pala cla close bkit nagsalita pa cya..at ang haba...dinaig pa nya c maricel soriano...sana ung mga anak na lng ni dolphy sa home along ang pinagsalita sa oras nya bka my kabuluhan pa...bka mas maantig pa ang damdamin ng mga andun..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  pepreaderako1234

    07/14/2012 | 09:43 AM
    ito ba ang practice run ng eulogy na i-p-play for sharon. ibang klase walang pinipiling venue. kahit saan kahit kailan kahit ano, it's always about SHARON! my gulay baka type mo mag bakasyon, maybe sa mars or sa moon, para malayo layo. para namahimik naman and magkaroon ng world peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  pepreaderako1234

    07/14/2012 | 09:43 AM
    ito ba ang practice run ng eulogy na i-p-play for sharon. ibang klase walang pinipiling venue. kahit saan kahit kailan kahit ano, it's always about SHARON! my gulay baka type mo mag bakasyon, maybe sa mars or sa moon, para malayo layo. para namahimik naman and magkaroon ng world peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  presing

    07/14/2012 | 08:58 AM
    mag lie low ka sharon for world peace,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  presing

    07/14/2012 | 08:56 AM
    dapat may papel din sya, ayaw patalo, plastic, hypocrite, oa, taba taba pa,sharon mag lie ka nga nga for world peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  skittlesrainbow

    07/14/2012 | 06:35 AM
    me me me me me......from your own big useless mouth HINDI KAYO NAGING CLOSE NI MANG DOLPHY EH bakeeet ang DAMI DAMI MONG DINAKNAK, sin ba itong dambuhalang ito? ka-level mo eh si eh anabil dapat sila ang pagsamahin mga attention grabbing oportonistang plastik, kakasawa na kayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  milomilo123

    07/14/2012 | 05:19 AM
    Hindi ako nagsasawa sa kababasa sa kanyang THE BEST EULOGY OF HERSELF....translation ANG AKING SARILING EULOGIA...Siaron Cuneta
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  eazypinoy

    07/14/2012 | 04:19 AM
    for once nagkaisa ang kapamilya at kapuso in regards to Sharon's eulogy lol! Dapat di na lang sya nag-eulogy haaaay...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  pearl102

    07/14/2012 | 04:02 AM
    Ngayon ko lang talaga naalala, papaano nga pala kayo magkakaroon ng chance ni Dolphy na makagawa ng movie together eh malapit ka kay Vic Del Rosario.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  MontoGawe

    07/14/2012 | 03:41 AM
    Huwaw! Ms. Cuneta get hold of yourself. You're supposed to be better than this. As they say, if you cannot improve silence better keep still...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  ICUM2U

    07/14/2012 | 03:29 AM
    Ayaw magpatalo yan ang terms Kay Shawie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  Syete

    07/14/2012 | 03:10 AM
    after reading the other articles, bakit ba nga nagbigay ng eulogy itong si Sharon????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  Syete

    07/14/2012 | 02:58 AM
    oo Sharon, the biggest stars are the humblest.. at hindi mo sila ka-liga! biggest ka as in, heaviest .. haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  bantaybata

    07/14/2012 | 02:34 AM
    sharon, foul ka talaga! akalain mong laitin mo si dolphy sa pagiging babaero nya by comparing him to your dad. wala kang respeto! magpapayat ka muna ineng saka ka bumalik sa TV.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  cutiepnay

    07/14/2012 | 02:21 AM
    Si Smokey Manaloto na lang sana or Brod Pete, mas makabuluhan pa ang sasabihin nila about Dolphy kasi they worked with him sa Home Along at John en Marsha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  BERNARD2010

    07/14/2012 | 02:13 AM
    Siguro most of the people while watching Sharon at her eulogy moment eh iisa ang iniisip.....Plastik!!!!!!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    cinelamour
    07/14/2012 | 02:17 AM
    wala naman bago diyan. alam naman ng lahat na plastik siya. LOL. anyways, she is powerful. kaya naisingit sa eulogy. joke lang! LOL
  • 36  chinkeea

    07/14/2012 | 02:12 AM
    bakit ba pinagsalita si sharon, dahil big star ng tv5? eh sa eulogy ni sharon sya mismo nagsabi hindi sya close kay Dolphy. ano ba yan! hindi ako naiyak, nainis ako sa speech ni Sharon! SI Maricel na tunay na nagdadalamhati kay Dolphy maiksi pero malaman ang sinabi, itong si Sharon ewan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  cinelamour

    07/14/2012 | 02:11 AM
    me, myself and i - sharon. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  milomilo123

    07/14/2012 | 01:53 AM
    na high blood talaga ako pahingi ng tubig. nasira ang araw ko sa artikulongn ito, walang kalatoy latoy........ isinama pa nya ang kanyang tatay sa kanyang oration na wala namang koneksyon kay dolphy, hindi naman magkakilala si dolphy at pablo. Anong relevance dun. Frustrated KUMEDYAN pala itong si siaron.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  edmund_galila

    07/14/2012 | 01:25 AM
    napaOA at orrated naman si sharon..a simple heartfelt message like claudine and maricael's message is far from exaggerated message of sharon? bakit kelangan habaan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About