Madamdamin ang kabuuan ng mensahe ni Sharon Cuneta sa ginanap na necrological services para sa yumaong Comedy King na si Dolphy kagabi, July 12, sa Heritage Memorial Park and Crematorium, Taguig City.
Kabilang ang Megastar sa maraming bituin na nagtipon-tipon para sa ikalawang gabi ng lamay, bilang pasasalamat at pagpupugay sa namayapang showbiz icon.
Kasunod si Sharon na nagsalita ng mga naunang sina Eddie Gutierrez, Mother Lily Monteverde, Niño Muhlach, German "Kuya Germs" Moreno, Claudine Barretto, at Willie Revillame.
After Sharon came TV5's owner Manny V. Pangilinan; kasunod ang huling mensahe ng mga anak at anak-anakan ni Dolphy, 'tulad nina Eric Quizon, Dolphy, Jr., Marikit at Nicole Quizon, at Maricel Soriano.
Mahaba at makabuluhan ang naturang eulogy services kagabi, bilang isa pang pagpupugay sa yumaong Comedy King.
Nang tumayo si Sharon sa hanay na kinauupuan nina Zsa Zsa Padilla at iba pang kaanak ni Mang Dolphy, bakas na ang pamumugto ng mga mata niya dahil sa sobrang pag-iyak.
"Ang sabi ko po kanina sa sarili ko, hindi ako iiyak," bungad ni Sharon. "Pero may sariling opinyon yung luha ko, siya po ang labas nang labas."
Napabuntung-hininga muna si Sharon bago nagtuluy-tuloy sa pagpapahayag.
"Hindi po kami naging malapit na malapit ni Tito Dolphy.
"Ang natatandaan ko, nung bata po ako, ang mommy ko [Elaine Cuneta] at itong si Tita Helen [Gamboa] ko, nagkuntsaba na... pinag-audition ako para maging anak ni Tito Dolphy. Eight years old pa lang ako noon.
"Ang direktor ng movie, si Chaning Carlos," banggit ni Sharon sa isa sa mga paboritong direktor ni Dolphy na si Luciano B. Carlos, na malaon na ring namayapa.
"Ako po'y ni-reject [ni Direk Chaning] dahil ako raw po'y masyadong matangkad.
"Years later, nung nagkikita kami, nasabi ko sa kanya, 'Direk, alam mo, ni-reject mo ako!’"
May magkahalong ngiti at lungkot sa mga labi ni Sharon as she said these words.
"I watched many Dolphy movies in the theater as I grew up. Maliit pa ako, Dolphy movies na rin ang tumatatak sa isip ko...




CALLED OUT
ALL COMMENTS
32 milomilo123
31 edmund_galila
30 pearl102
29 lovinABS
28 icoi
27 icoi
26 opinion_ko_to
25 opinion_ko_to
24 milomilo123
23 Stantiel
22 Cypressgard
21 Prd2bpnay8
20 neophyte
19 dreamcacao
18 winged_angel
17 dmdaisy
16 bac_tol
15 opinion_ko_to
14 milomilo123
13 greatness
more comments