news

Sharon Cuneta gives long eulogy for Dolphy; regrets not having a film with the Comedy King

by William R. Reyes posted on July 13, 2012  STATS: 104853 Views | 72 Comments

"Hindi ko malaman kung bakit... ang isang napakalaking artista... hindi po pinahintulutan ng Diyos na magkaroon ng pagkakataon na makagawa ako ng kahit isang pelikula, kasama niya. Hindi po kami nakagawa ng pelikula ni Tito Dolphy…except for a few guestings, sa mga specials niya," says Sharon Cuneta about Dolphy, in her eulogy at the Comedy King's wake last night, July 12.

Photo By: Melo Balingit

Madamdamin ang kabuuan ng mensahe ni Sharon Cuneta sa ginanap na necrological services para sa yumaong Comedy King na si Dolphy kagabi, July 12, sa Heritage Memorial Park and Crematorium, Taguig City.

Kabilang ang Megastar sa maraming bituin na nagtipon-tipon para sa ikalawang gabi ng lamay, bilang pasasalamat at pagpupugay sa namayapang showbiz icon.

Kasunod si Sharon na nagsalita ng mga naunang sina Eddie Gutierrez, Mother Lily Monteverde, Niño Muhlach, German "Kuya Germs" Moreno, Claudine Barretto, at Willie Revillame.

After Sharon came TV5's owner Manny V. Pangilinan; kasunod ang huling mensahe ng mga anak at anak-anakan ni Dolphy, 'tulad nina Eric Quizon, Dolphy, Jr., Marikit at Nicole Quizon, at Maricel Soriano.

Mahaba at makabuluhan ang naturang eulogy services kagabi, bilang isa pang pagpupugay sa yumaong Comedy King.

Nang tumayo si Sharon sa hanay na kinauupuan nina Zsa Zsa Padilla at iba pang kaanak ni Mang Dolphy, bakas na ang pamumugto ng mga mata niya dahil sa sobrang pag-iyak.

"Ang sabi ko po kanina sa sarili ko, hindi ako iiyak," bungad ni Sharon. "Pero may sariling opinyon yung luha ko, siya po ang labas nang labas."

Napabuntung-hininga muna si Sharon bago nagtuluy-tuloy sa pagpapahayag.

"Hindi po kami naging malapit na malapit ni Tito Dolphy.

"Ang natatandaan ko, nung bata po ako, ang mommy ko [Elaine Cuneta] at itong si Tita Helen [Gamboa] ko, nagkuntsaba na... pinag-audition ako para maging anak ni Tito Dolphy. Eight years old pa lang ako noon.

"Ang direktor ng movie, si Chaning Carlos," banggit ni Sharon sa isa sa mga paboritong direktor ni Dolphy na si Luciano B. Carlos, na malaon na ring namayapa.

"Ako po'y ni-reject [ni Direk Chaning] dahil ako raw po'y masyadong matangkad.

"Years later, nung nagkikita kami, nasabi ko sa kanya, 'Direk, alam mo, ni-reject mo ako!’"

May magkahalong ngiti at lungkot sa mga labi ni Sharon as she said these words.

"I watched many Dolphy movies in the theater as I grew up. Maliit pa ako, Dolphy movies na rin ang tumatatak sa isip ko...

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

72 Comments

  • 12  misswa

    07/13/2012 | 08:36 PM
    Zsa Zsa and Sharon are bestfriends. Sharon's speech is heartfelt and touching. RIP, Dolphy!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    winged_angel
    07/13/2012 | 10:20 PM
    Weh, friends lang. Hinde bestfriends. Huwag exagg.
  • 11  alexabianca

    07/13/2012 | 08:25 PM
    kelangan talaga ibida ang sarili niya?sa lahat ng nagbigay ng eulogies for mang dolphy except for sharon ramdam mo talaga yung sincerity nila and you cant help but cry! but not this one by sharon! si maricel ang iksi lang nung message niya for dolphy pero kahit binabasa mo lang maiiyak ka talaga. ramdam mo yung grief niya and how she is thankful and grateful kay mang dolphy. even yung kay willie and claudine! but kay sharon andun yung feeling na umaarte lang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  grinandgiggles

    07/13/2012 | 07:55 PM
    Sana yun na lng meron talagang pinagsamahan ke dolphy ang magsalita di na yung mga puro sarili lng nila ang kinukwento. Si sharon kailangan talaga maglitanya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • AnnabellSoriano

    07/13/2012 | 07:29 PM
    Sa lahat ng nagbigay ng Eulogy kay Dolphy itong kay Sharon ang di ako naiyak man lang. Halos lahat ng mga sinabi ng iba like Maricel Soriano madamdamin at full of sincerity at saka talagang si Dolphy ang center ng kanilang eulogy. Kay Sharon halatang hindi sya naging close kay Dolphy. Kay Zsa Zsa oo close sya. I like Sharon kasi most of the times she's very eloquent naman pero this time walang substance ang mga sinabi nya, parang may kulang na di ko ma pinpoint. Tama si Berndard2010 it's more like Sharon's tale not about Dolphy's life and achievement. Wala man lang syang naikwentong magandang memories. Parang isiningit nya lang talaga ang sarili nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    07/13/2012 | 07:28 PM
    sana ilagay ni Sharon ang sarili nya sa tamang lugar......... base sa sinabe nya na wala silang movie together ni mang dolphy.. hindi sila gaano close.. ~Peace!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    07/13/2012 | 08:11 PM
    Agree.
  • gormiti_2009

    07/13/2012 | 07:22 PM
    sharon is sooo plastic, ang haba ng speech nya and she didn't have one single movie with dolphy, not even a show together, ano b yan nakikisawsaw c laos, she should have just went there, say a prayer not a long political speech which is about herself and her...............................
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    07/13/2012 | 07:06 PM
    sorry huh, npansin ko lng sa hinaha-haba ng sinabe ni Sharon parang nkikisiksik lng xa sa eulogy para kay mang dolphy, dun sa last part... ~Peace!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    07/13/2012 | 06:55 PM
    Nakaka frustrate ang eulogy ni Sharon.So selfish.It's not about you.People might not intertested about your story instead they were expecting more about Mang Dolphy.Don't you think?We dont really care about how you witnesses the Dolphy Zsa Zsa romance blah blah blah...Share some more valuable memories about him.Im tired about your melodrama two faced character Sharon.C'mon!Not there!!!!!!Hindi ka nila dyan bibigyan ng award!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapalmilyaks

    07/13/2012 | 06:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    AngelSIKATlocsin
    07/13/2012 | 09:49 PM
    Ikaw naman bukod sa walang utak,wala ka ring puso at kaluluwa..sana Ikaw na ang bigyan ng eulogy,ng Mga kapwa mo animal.
  • bantaybata

    07/13/2012 | 06:50 PM
    sharon is full of herself. just a piece of advice sharon, you should learn not to inject anything about you the next time you write a eulogy for someone. you have to celebrate the life of the person in the "box" you're talking about and not your life. darating din yung time na ikaw ang bibigyan ng eulogy, just wait and see, if di ka pa magpapayat. i think wala kayong connection ni dolphy kaya di kayo pinahintulutang magkapelikula. siguradong si-semplang yan sa takilya if natuloy man.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    07/13/2012 | 06:32 PM
    Yun kay Germs ang di ko type. Kase siningit pa niya pano nabuo yun Walk of Fames niya. Tapos yung sinusulong niyang Quezon as the City of Stars, siningit din. Pati yun walang tulugan niya na show sinali rin. God...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • AngelSIKATlocsin

    07/13/2012 | 06:22 PM
    Nakakaiyak ang eulogy ni shawle...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    gagaka_noh
    07/13/2012 | 10:56 PM
    hahaha nkkaiyak sa sobrang kawalan ng saysay! huhuhu

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About