“Nung nasa ospital po ang daddy ko, nagpe-pray ako at sabi ko, 'Panginoon, ganyan na lang po ba ang daddy ko?
“’Kung kukunin Mo po siya, 'wag na po sana siyang mahirapan. Kung bubuhayin Mo naman po siya, magkaroon po sana ng milagro."
Matalinhaga rin ang mga sumunod na naipaghayag ni Dolphy Jr. tungkol sa mga huling araw ng kanilang ama.
"Puro pagpapatawad ang pumapasok sa isip ko," aniya.
"Siguro po, mayroong mga taong nakagawa ng kasalanan sa daddy ko na hanggang ngayon hindi pa humihingi ng tawad.
"Sabi ko, 'Dad, kung pagod ka na, umuwi ka na kay Jesus. Hinihintay ka na Niya.
"’Patawarin mo na kami, ano mang mga kahihiyan ang naidulot namin. Kung ano man ang pagkukulang mo sa amin, pinapatawad ka na namin.'
"Nagpapasalamat po ako sa Panginoon dahil binigyan Niya kami ng Tatay Dolphy."
DOLPHY JR. & ZSA ZSA RECONCILE. "Nagpapasalamat ako kay Zsa Zsa," banggit din ni Dolphy, Jr. habang nakatingin kay Zsa Zsa, "kahit nagkaroon kami ng misunderstanding.
"Hindi ko kasi siya maintindihan nung may sakit na si Daddy, nagpi-prepare siya ng isusuot... Parang, ‘Nagmamadali ba siyang mamatay ang daddy ko?'”
Anupa't wala na raw ang ganitong damdamin sa anak ni Dolphy, bilang pagsasaalang-alang sa nais ng yumao.
"Sa pamilya, hindi po mabubuo kung may mga tampo o poot.
"Kaya ine-encourage ko po kayo, habang buhay pa sila, humingi kayo ng tawad sa daddy n'yo, sa mommy n'yo.
"Kaya humihingi ako ng tawad sa 'yo, Zsa Zsa... Dad..." maluha-luhang sambit pa ng panganay ni Dolphy.
At iyon ang naging hudyat upang tuluyang magkabati sina Dolphy Jr. at si Zsa Zsa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
19 gopinoy
18 swissmatz
17 sharmanjoshi
16 channel5n7
15 ICUM2U
14 edmund_galila
13 brainfultoo
12 kardashians
11 greencardholder
10 cheyenneS
9 aaronick
8 lovejlc
7 lucky7
6 ferrisgump
5 bus_stop
4 imwatim
3 chikorita_pikachu
2 BERNARD2010
1 imwatim