Hindi siya nag-breakdown o gumaralgal ang tinig, bagama't madamdamin din ang kanyang mga ipinahayag.
"Nung mamatay ang isa ko pang ‘mommy’ [Nida], siya [Dolphy] ang nag-comfort sa akin, 'Iniwan ka na ng mommy mo...'
"Ngayon, wala na ring magsasabi sa akin na 'Wala na ang daddy mo.'"
Nilisan na rin ang aktres ng kanyang biological mother na si Linda Soriano ilang taon na ang nakararaan.
And realizing how the Comedy King related to her, noong matama niya itong binabantayan sa pagkaka-confine sa Makati Medical Center...
"Wala nang magsasabing, 'O, labas na kayo, nandiyan na ang anak kong bruha!'" natatawang pagre-recall pa ni Maricel sa mga salita ni Dolphy.
May kasabay pa raw na pagdila ni Dolphy ang pagsasabi niyang iyon sa ibang mga nasa loob ng ospital.
ERIC QUIZON. As for Eric Quizon, inalala ng aktor ang kabaitan ng kanyang ama bilang kanyang tagapagtanggol noong siya'y mag-aaral pa lamang sa Ateneo de Manila at sinasabihan ng mga kaklase na isang "anak sa labas.”
"Nobody believed I was Dolphy's son. Sabi nila, anak ako sa labas," Eric recalled.
Na ang sagot naman daw ni Dolphy nang usisain niya ang tungkol doon: "Anak kita. Yun 'yon!”
Para maibsan ang lungkot at pagkalito ni Eric, si Dolphy na raw ang gumawa ng paraan.
"Sinundo niya ako sa Ateneo isang hapon. Nung makita siya ng mga guard at ibang nandoon, nagtaka sila, 'Bakit nandito si Dolphy?'
"So, dinala ko siya [sa building namin], ipinarada ko siya doon... and after that, hindi na nila ako tinawag na anak sa labas.
"Tinatawag na nila akong anak ni Dolphy!”
MARIKIT QUIZON. Para naman kay Marikit Quizon, ang Ate Kit ni Eric, "Papang Dolphy is the best father everyone could have.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
19 gopinoy
18 swissmatz
17 sharmanjoshi
16 channel5n7
15 ICUM2U
14 edmund_galila
13 brainfultoo
12 kardashians
11 greencardholder
10 cheyenneS
9 aaronick
8 lovejlc
7 lucky7
6 ferrisgump
5 bus_stop
4 imwatim
3 chikorita_pikachu
2 BERNARD2010
1 imwatim