news

Annabelle Rama creates a scene at Dolphy's wake

by Karen A. Pagsolingan posted on July 14, 2012  STATS: 119354 Views | 169 Comments

Annabelle Rama caused a commotion at the wake of Dolphy in Heritage Park. The "gulo" supposedly took place at past nine last night, July 13, and involved Chito Alcid, an entertainment writer.

 

Click here to view the gallery

Photo By: Noel Orsal (main)/ Facebook (inset)

"Nasira ang gabi ko."

Ito ang tweet ni Annabelle Rama pagkatapos kumalat ang balitang "nagkagulo" sa lamay ni Dolphy dahil inaway niya ang entertainment writer na si Chito Alcid.

Matatandaang kasama si Alcid sa libel complaint na inihain ng Gutierrez matriarch at talent manager laban kina Amalia Fuentes at Nadia Montenegro sa Cebu, noong ika-28 ng Hunyo.

Ayon sa ilang saksi na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nangyari daw ang gulo sa dining area, kung saan nagkita-kita ang mga bisita ng Sampaguita Pictures.

Sa kuwento ni Annabelle sa Twitter account niyang @annabellerama2, "Sinundan nya ako sa cr at hinarap nya ako..."

Ang sumunod na pangyayari ay "hinampas" daw ng kontrobersiyal na talent manager ang reporter.

Kuwento pa ni Annabelle (published as is): "Hndi ka man lang kinampihan habang natumba ka sa sahig." natumba pala ung kalaban. haha"

Ang matinding emosyon ni Annabelle ay dulot daw ng pagtira sa kanya sa panulat ni Alcid at sa pagdawit sa kanyang mga anak.

Heto ang magkasunod na tweets ni Annabelle:

"Ito ang tandaan mong h*yop ka, wag mong pakialaman ang mga anak ko dahil wala silang kasalanan sa iyo."

"Pati ako tinitira mo"

May mga nakapagsabi sa PEP na nagkaroon pa raw ng habulan sa loob ng dining area, kung saan inawat umano si Annabelle nina German Moreno at Chavit Singson.

Pagkatapos ng eksena, dali-daling umalis si Annabelle sa Heritage Park na nakatalukbong, kasama ang isang bodyguard.

Pagkatapos kumalat ang balita, humingi ng tawad si Annabelle sa pamilya ni Dolphy.

Narito ang kanyang tweet limang oras na ang nakakaraan: "To Zsa Zsa and the Quizon family, I am so sorry for what had happened at the dining area of the Heritage. I was provoked by a fake reporter"

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

169 Comments

  • 69  tanjo143

    07/14/2012 | 07:56 AM
    she is crazy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 68  jagjof

    07/14/2012 | 07:53 AM
    ang isa pang kinda disturbing ay nandun si eddie. Nakita nya asawa nya na nagwawala pero sina german at chavit pa ang umawat? bakit hindi si eddie ang umawat?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    milomilo123
    07/14/2012 | 08:36 AM
    takot masigawan at masuntok ni anabil
  • 67  Mute19

    07/14/2012 | 07:53 AM
    Grabe talaga ang ugali nitong babae na ito. Akala mo sino umasta na d dapat madampian ng langaw! Mawawalan ka rin ng salipi sa dami ng kaaway mo. Di mo man lang ginalang ang patay! Sabihin mong inaaway ka, kng may paggalang ka sa puso mo, di mo papatulan yun. Puro kahihiyan ang dinudulot mo sa pamilya Mo. Kung ako ang isa sa kamaganak nito at lalabas ako na kasama sya.. Magtatakip ako ng bayong!!! Kaw ang naghabol.. At umabot pa dun sa loob kwarto Mismo, grabe talaga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 66  myca_bag

    07/14/2012 | 07:35 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 65  jagjof

    07/14/2012 | 07:27 AM
    parang tatlong beses na atang ginawa ni bisaya itong panggulo sa lamay. nung una sa namatay na driver ni retsard, pangalawa sa asawa ni amalia, pangatlo ito namang lamay ni dolphy. sana kausapin siya ng kanyang pamilya tungkol sa emosyon nito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 64  tineetinee

    07/14/2012 | 07:22 AM
    BASTOS TO THE HIGHEST LEVEL! WALA NA AKO MASABI! I'M JUST SO LUCKY NDI KO ITO KAMAG-ANAK, SUSMARYOSEP!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 63  familytree

    07/14/2012 | 07:20 AM
    Wala talagang modo si anabelle hindi na nirespeto ang patay. Sobra na ang pinagagawa nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 62  sexy_kapuso

    07/14/2012 | 07:10 AM
    Wow! makasarili ka talaga Anevil ka..."nasira gabi ko'.....KSP to the max talaga mga baliw. wala ka talagang respeto sa kahit patay o buhay na tao....tsk tsk tsk...sa wake pa ni Dolphy...nakakasuka ka.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 61  susanboyle

    07/14/2012 | 07:10 AM
    haaayyy si anabel talaga walang breeding. pano kaya siya natatatiyagaan ni eddie ano? at walang respeto sa patay at sa family ni dolphy. sana kung ano man ang na feel niya that time, kahit galit na galit siya, knowing the place is burol...sana nag timpi muna siya. kaya lang ang hirap talaga pag wala kang breeding. EDUARDO, pls iwanan mona ang asawa mo. nakaka hiya na talaga siya. RUFFA, RICHARD, RAYMOND and the rest na mga anak niya= di ba kayo nahihiya sa nanay niyo>??
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    mabs
    07/14/2012 | 07:51 AM
    paano iwanan ni eddie si alabelle e walang balls yan...kakaawa ang pamilyang to! di manlang nirespeto si dolphy. turingan pa namang nagsalita sa eulogy for dolphy. buti pa nga si german moreno inawat si anabelle pero si eddie mabigat ang balls para kumilos... for the record ang kabastosan!
    rockcandy
    07/14/2012 | 09:25 AM
    HAHAHA!! LOL ..si eddie mabigat ang balls para kumilos... Grabeh! Todo halakhak ako sa sinabi mo, Mabs. Funny ka!
  • 60  inlove_408

    07/14/2012 | 07:03 AM
    In my own opinion, each of us has the right to choose our own battles. What she did is really unacceptable. Minsan natatawa na lang ako sa sobra nyang palaban attitude with her visayan accent pero this is above and beyond. Family of the late comedy king is peacefully grieving for the loss of their beloved and pupunta ka doon at may makikita ka na hindi mo gusto eh makikipag away ka? Wow! Bigyan mo naman ng respeto ang family ng yumao. May tamang lugar sa mga ka cheapan, hindi sa burol ni Mang Dolphy. Nakaka bas to s naman kayo hindi lang sa pamilya ni Dolphy but the grieving filipino people.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 59  humandynamics

    07/14/2012 | 06:55 AM
    bwahahahaha, natawa lang ako sa mga fans ni annabelle na kuntodo depensa sa kanya.. ano na naman ang excuse niyo ngayon?! meron pa ba? di pa ba kayo naubusan? maski kayo nagsisinungaling na sa sarili niyo kung may mahagilap na naman kayong reason ng pambabalahura niya.. this woman is out of control, walang modo, at napaka bastos na tao. pati ba naman sa lamay ni dolphy magiiskandalo?! you can take the monkey out of a jungle, but you can't take the jungle out of a monkey! uncivilized much?!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 58  skittlesrainbow

    07/14/2012 | 06:55 AM
    Annabelle Rama creates a scene at Dolphy's wake - - sabi ng headline...I'N NOT SURPRISED AT ALL...only anabil will do such a low down trashy behavior!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 57  pepster69

    07/14/2012 | 06:52 AM
    of all showbiz personalities sya ang pinaka bastos! biro mo nagwala sa lamay ng comedy king, wala mn lang respeto sa pamilya quizon! buti pa sina nadia at la greta nagyakapan pa....pero itong si anabelle ang bastos! may tamang lugar naman para makipag away
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 56  Syete

    07/14/2012 | 06:50 AM
    i wonder how she lives with herself.. grabe lahat na lang kaaway
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 55  partyPPol

    07/14/2012 | 06:44 AM
    Mawalang Modo! Bastos! Walang respeto sa pamilya ni Dolphy!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 54  angieele

    07/14/2012 | 06:20 AM
    Friday the 13th talaga noh ! I can just feel how the Quizon family felt about the incident . Considering they are spacing out the time the viewing for the public and their close friends so that there won't be any incident , but look...who made the scene? Dolphy's fans are more behave and give their outmost respect for Dolphy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 53  jagjof

    07/14/2012 | 06:19 AM
    "Nasira ang gabi ko"...........sabi ni Bisaya. Naalala nya sarili nya na nasira ang gabi nya, pero yung mga taong binastos nya tulad ng pamilya ni Dolphy at yung mga big stars na hindi lang nasira ang gabi , nabastos pa!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    inggiteraparin
    07/14/2012 | 06:23 AM
    sigurado na ang halakhak nina amalia fuentes, nadia montenegro at iba pang naroon sa nakita nilang pagwawala ni anabel. kakahiya kung yan ang nanay ko hindi na ako lalabas ng bahay.
    mabs
    07/14/2012 | 07:01 AM
    kung ako ang anak, ipa-consulta ko na yan sa especialista...kakahiya! halos di na makain ang pagkatao nya! at itong eddie G. walang kahihiyan din sa sarili, di kaya ang bastos na asawa...pamilya bastos! di na nahiya kay dolphy!
  • 52  milomilo123

    07/14/2012 | 06:13 AM
    ginawa nyang peryahan ang burol ni dolphy
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 51  parisperezhilton

    07/14/2012 | 06:13 AM
    What she did was the ultimate disrespect to the late Mang Dolphy and his grieving loves ones. Grabe, I have never seen her kind before. She's worst than an rabid animal. If this happened at my Dad's wake or to any of my love ones, hindi ko talaga alamaang magagawa ko sa animal na ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 50  angel25

    07/14/2012 | 06:11 AM
    Ruffa youre well educated on manners and etiquette, why not teach your mom to behave accordingly no matter what, unless it is a life and death situation.....It is an embarrassment to your family on how your mom deal with such situations...My goodness.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    parisperezhilton
    07/14/2012 | 06:16 AM
    Don't expect. Like Mother Like Daughter yan. They are both rude, obnoxious , uneducated and morally bankrupt individuals.

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About