news

FIRST READ ON PEP. Chito Alcid on incident with Annabelle Rama: "Naghabulan kami, hinabol niya ako! Paikot-ikot, may dala siyang panusok, may dalang kung anu-ano..."

by Mark Angelo Ching posted on July 14, 2012  STATS: 198501 Views | 138 Comments

Annabelle Rama (main photo) reportedly attacked Chito Alcid (inset) at the wake of Dolphy at the Heritage Memorial Park on July 13. According to Alcid, the incident was witnessed by about "a hundred big stars."

 

Click here to view the gallery

Photo By: Noel Orsal (main)/ Facebook (inset)

Bahagyang nagkagulo kagabi, July 13, sa lamay ng Comedy King na si Dolphy sa Heritage Park, Taguig City.

Ito ay matapos umanong awayin ni Annabelle Rama ang entertainment columnist at showbiz personality na si Chito Alcid sa isang kuwartong puno ng malalaking artista.

Ayon mismo kay Chito at sa ibang witnesses, hinabol-habol ni Annabelle si Chito habang may hawak itong iba’t ibang pamalo at panusok.

Ang eksena ay nakunan ng ABS-CBN News. Sa isang maikling video na ipinalabas kagabi rin sa late-night news program nitong Bandila, ipinakita ang ambang pagpalo ni Annabelle sa isa umanong di makilalang manunulat.

Ipinakita rin kung paano awatin ni German “Kuya Germs” Moreno si Annabelle sa pamamalo, at kung paanong itinaboy ng ilang katao mula sa silid ang cameraman ng ABS-CBN.

Nangyari ang insidente bago mag-diyes ng gabi sa isang kuwarto sa Heritage Memorial Park, kung saan nagtipon-tipon ang mga dating artista ng Sampaguita Pictures. Ang pagtitipon ay bilang pag-alala kay Dolphy, na matagal nilang kasamahan sa Sampaguita.

Nang mga oras na iyon ay pinaglalamayan si Dolphy sa kalapit kuwarto.

Matapos ang insidente ay nagmamadaling umalis si Annabelle sa lugar. Mukhang balisa ito habang naglalakad palabas ng lobby ng building.

Pinoprotektahan siya ng isang bodyguard sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanya ng jacket, malamang ay para di siya makuhanan ng litrato.

Halos isang oras matapos umalis si Annabelle ay saka lamang lumabas sa lobby si Chito. Nagbigay ito ng panayam sa media, kung saan makikitang galit na galit ito.

Mabilis ang kanyang delivery ng halos tatlong-minutong rant, o walang patlang na pahayag.

Matatandaang kinasuhan ni Annabelle si Chito ng libel noong nakaraang buwan dahil umano sa paninira nito sa kanya.

Kinasuhan din sa parehong libel charge sina Nadia Montenegro at Amalia Fuentes, na sa ngayon ay mga kaaway din ng talent manager.

(CLICK HERE to read story)

CHITO ALCID'S FULL STATEMENT. Narito ang buong pahayag ni Chito Alcid para sa mga reporter na kumapanayam sa kanya:

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

138 Comments

  • 138  selina454

    07/15/2012 | 01:17 PM
    isang pagpapakita lamang ng kagaspangan, mababang uri ng pinag aralan, kawalan ng respeto, at ugaling palengkera ang ipinakitang halimbawa ni mrs rama sa burol ng hari ng komedyang si mang dolphy... napakalaking kahihiyan ang ginawa nyang eskandalo sa pagkakataong iyon... kung talagang may pinag aralan si mrs rama,ay hindi nya gagawin ang ganung pagkilos... maari nyang komprontahin yung taong kinaiinisan nya sa tamang lugar at pagkakataon...hindi doon sa lamay ni mang dolphy...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 137  mandaville

    07/15/2012 | 07:55 AM
    Sobrang sinungaling itong bisayang ito. Papano siya ipinoprovoke ng reporter na kuno tinawag syang put-- eha ang sabi niya dito bakit nito sinasangkot yung mga anak niya. Hindi ba sobrang layo ng charges niya sa mga sinasabi niya. Dapat makulong na yang hampaslupang bisayang yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 136  Castiel_Dean

    07/15/2012 | 02:29 AM
    I hope this it is! Ito na sana ang downfall ni Anabelle. Grabe talaga! napakabait ng tadhana sa kanya, sa pamilya niya bakit ginagawa niya ito?Dati nagtitinda lang sila ng kaldero sa US pero ngayon puro diamonds na siya. Dapat iupo siya ni Eddie o kaya naman yon dalawang kambal Richard and Raynond sa sulok at kalugin ang utak. This is unacceptable seriously
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 135  lalang

    07/14/2012 | 10:44 PM
    she should've been arrested!Bakit walang tumawag ng pulis??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 134  alexis2222

    07/14/2012 | 10:05 PM
    the height of kabastusan naman yan... sabihin na natin na may atraso sa kanya yung tao... common decency would tell you that a wake of dolphy or any other person for that matter is not the right moment to confront anyone... paano sya makakakuha ng simpatya sa mga kasong hinaharap nya at sinampa nya kung ganyan ang asal nya... hindi naman issue kung may kasalanan talaga yung reporter sa pamilya nya... ang issue dito ay kung bakit hindi nya nirespeto ang lamay ng pinaglalamayan nila... tapos tatakbo pa raw yan sa kongreso? utang na loob lang...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    inggiteraparin
    07/14/2012 | 10:38 PM
    hayan may bill nang ipapasa sa kongreso banning anabel sa lahat ng wake hahahaha nakakahiya daw sabi ni kongresman na nakakita pangyayari..
  • 133  crazybru

    07/14/2012 | 09:49 PM
    ay nako, ano ba yan, nakakahiyang anabel? Di man lang binigyang kahihiyan pamilya nya. Saka si Eddie, ba't di nya inawat asawa nya? Under de saya ba sya? Ba't kelangang si Chavit pa umawat? Me problema na siguro sa isip itong anabel na ito. Calling mental hospital, send a psychiatrist please,,pronto, hehe. walang ka class, class na pamilya, mas higit pa sa bakya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 132  pinoycali_ako

    07/14/2012 | 09:31 PM
    Nakakatawa kasi mahilig tumira itong si Chito sa dyaryo, eh si Anabelle sa harapan. Dami kasing writer feeling tough sa panunulat pero sa harapan naging veki na!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    chowee143
    07/14/2012 | 10:27 PM
    trabaho po nila un kc reporter cla, at ung mga artista part of d job prin na plage cla in d eyes of the public, be negativ or postive ang mga issues sa knila, gsto ni anabil alang masusulat na bad sa mga anakis nya kya nag papayola xa at dinadaan sa iskandalo at demanda ang sumusuway sa gsto nya ika nga ni anabil pera pera lng yan. nde rin excused ung ugali ni anabil na harapan , walang modo at kabastusan ang gnawa nya at yan ba ang tatakbong congreswoman? pag nanalo pato ewan ko na lng..ipakain sa buwaya ang hayupak na matandang to!
    BlueBonnet
    07/16/2012 | 10:47 AM
    Hindi matapang si Anabelle kung di bas tos! May tamang lugar at oras para ipakita ang katapangan. Hindi sa lamay ng isang taong kagalanggalang.
  • 131  Tyler11

    07/14/2012 | 08:50 PM
    Hay, eskandalosa, palengkera, walang galang!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  ano_ba

    07/14/2012 | 08:18 PM
    Bastos talaga and walang breeding. Geez woman...let your children fight their own battles! Let me guess, the kids are all embarrassed to have a classless mother and then they will go on TV and defend her...the usual scenario; we've seen this before with everyone they've mistreated.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    inggiteraparin
    07/14/2012 | 08:44 PM
    one for all, all for one yan ang motto ng nagiisang royal lowness ng showbiz pinas.
  • 129  lostris

    07/14/2012 | 08:15 PM
    buti pa yung aso kong rottweiler kesa ke annabel. ung aso ko, matapang pero pwedeng iharap sa maraming tao kasi alam nya kung kelan siya dapat mag behave. may breeding.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  chowee143

    07/14/2012 | 08:02 PM
    normal na ipaglaban ng magulang ang mga anak once may umaapi sa knila, pero nkalimutan ni anabil na artista anak nya at normal sa work nila na may issues bad or good. gsto kc ni anabil lht papuri ang isulat sa mga anak nya anu cla hilo? pag bad ang sinulat mo tatakutin ka nya ng pagiging iskandalosa nya at demanda. kht na provoked or nde , alam dpt ni anabil lumagay sa pwesto nya at rumespeto sa sitwasyon. lht ng tao nagagalit pero itong matandang to walang pinipiling lugar, ung mga anak feelengerang pa sosyal, walang nag value ng edukasyon lht puro pera ang nagpapasaya.. sana makulong to at magdusa sa kayabangan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  Monicafer

    07/14/2012 | 07:11 PM
    First of all, I am not a fan of Annabelle and in several issues she and her family were involved gave my comments. As they said there are two sides of the story. In this incident, what she did was totally unacceptable. However, she must have been provoked seeing all her opponents together with the reporter. Human nature, under these circumstances the immediate reaction was to feel bad. When she saw that the reporter left, her instinct was to follow and confront the person who made nasty comments about her and Ruffa. In my opinion, Eddie on his part should have been very vigilant on keeping watch of Annabelle's movement. He knows how she easily loses her temper in slight provocation. He should have anticipated that upon arrival in the wake and seeing the group of Annabelle's detractors, he should have warned Annabelle not to do any scene. He should have kept track of Annabelle's movement to prevent untoward incident. Annabelle should undergo anger management therapy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    inggiteraparin
    07/14/2012 | 08:46 PM
    nagselos sya to the max na ang kaaway nyang si amalia fuentes at nadia montenegro eh katable ni chavit singson. sobra pagka insekyur nya at gusto nya lahat ng friends ng kaaway nya dapat sa kanya pa rin kakampi or dapat lahat ng friends nya kalaban din dapat ng kaaway nya.
  • 126  coolet_06

    07/14/2012 | 06:48 PM
    hmmmmmm... tsk tsk tsk... no matter how i thought of it, kay annabel ag damage neto... knowing annabel, hindi naman sya nananakit ng wlaang dahilan, or if she's not provoked... ang mali lang, hindi nya na naisip na nsa isang lugar sya kung saan ay nagbibigay pugay sa yumao... no matter what it is, kahit na gaano pa man sya kagalit sa isang tao, dapat pumili sya ng lugar.,,,,, she should contain herself and just look for a proper venue para sa away nila.... i don't condemn annabel for her actions dahil for sure merong dahilan yan kaya umabot sa ganyan... pero sana nga, inisip nalang nya na sa ibang lugar nalang bumawi.,..
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    chowee143
    07/14/2012 | 08:11 PM
    opkors may dahilan, gsto nya kc walang bad write ups sa mga anak nya, pde ba un? puro good write ups lng anu cla royalties? nde excuse if provoked xa or may dahilan , bastos tlaga c anabil.. walang kahihiyan at walang respeto, ang mga tao don nagdadalamhati xa nakikipag bangayan at habulan.. tsk!
    inggiteraparin
    07/14/2012 | 08:48 PM
    hindi naman kasi kasama si chito alcid sa kanyang payroll kaya hindi nya ma rule ang baklita.
  • 125  this_is_just_me

    07/14/2012 | 05:29 PM
    i despise annabelle for this! walang modo! walang respeto sa patay at walang kunsiderasyon sa damdamin ng nagluluksang pamilya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  manjo

    07/14/2012 | 05:21 PM
    I think nagalit si Bisaya when she saw Chavit with the group of Sampaguita stars ... kase di na sila best friend ni Chavit na source ng extra income nya. Thankfully, he saw right through Annabelle's black bones the kind of person she is. And salamat sa yo Chito sa pagbulgar mo kung ano at sino si Annabelle Rama sa mundo ng Pinas showbiz. Matauhan na sana ang mga tags-industriya - it's about time to bring down Annabelle Rama and his family to their knees and teach them some decency and humility!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    inggiteraparin
    07/14/2012 | 07:06 PM
    nawawala na sa kanya mga friends nya dati, at ang masakit doon pa sila sa mga enemies nya ngayon. talagang to helllllll or high water na ang drama ek ek ni anabel hahaha
  • 123  manjo

    07/14/2012 | 05:14 PM
    Ang kapal din naman ni Annabelle - what is her business in being in the same room as the talented Sampaguita senior stars? Walang syang K to even set her foot amongst them. Malaking kabastusan ang ginawa nya! Period!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  humandynamics

    07/14/2012 | 05:10 PM
    Nagiging cheap ang showbiz dahil sa mga taong katulad ni anevil.. in fairness naman sa kanila marami rin naman ang matino.. but come to think of it, showbiz man o hindi kung katulad ni anevil ang asal ng tao, cheap talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  candicebluv

    07/14/2012 | 05:04 PM
    Ultimate Kabastusan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  jovelein

    07/14/2012 | 04:34 PM
    Dalhin na yan sa mental kasi malala na po..LOL
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    bus_stop
    07/14/2012 | 09:03 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • 119  jovelein

    07/14/2012 | 04:32 PM
    Natatawa ako kay bisaya ano ba yan..pti ba nman sa burol ni Mang Dolphy wla ptawad oh..my God!...hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About