Kagabi, July 13, ay nagkaroon ng gulo sa lamay ng Comedy King na si Dolphy. Sangkot sa gulo ang talent manager na si Annabelle Rama, na umano'y inatake ang entertainment writer na si Chito Alcid.
Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Chito Alcid matapos ang insidente, ay kasabay ding nagbigay ng panayam si Amalia Fuentes.
Kasama ni Chito si Amalia na dumating sa event, kaya't nagsabay din sila sa pag-alis.
Matatandaang ikinuwento ni Chito na magka-table sila ni Amalia, na isa sa mga kaaway ni Annabelle, nang maging agresibo ang talent manager.
Matatandaan ding sabay na sinampahan ni Annabelle ang dalawa ng kasong libelo sa Cebu noong June 28.
Galit na galit si Amalia nang makapanayam ng mga reporter kagabi. Aniya, hindi raw maganda ang pinakita ni Annabelle na bayolenteng pag-atake kay Chito.
"I will talk about it and I will not stop until that woman is out. Because she is bad for our public, she is bad for our culture, she is bad for her children," pagbungad ng dating reyna ng pelikulang Pilipino.
Pahayag pa ni Amalia, tila siya raw ang talagang target ng galit ni Annabelle kagabi.
"Makikita n'yo ang isang tunay na Annabelle Rama. Yun lang. Siguro gusto niya ako mag-react, takutin niya ako. Hindi naman ako natatakot sa kanya. At hindi ko siya papatulan. Hindi ko siya ka-level," saad niya.
Ayon kay Amalia, hindi niya raw pinatulan si Annabelle dahil hindi raw sila magka-level.
"Meron akong mga apo. They were raised well. My grandchildren, my daughter, as you can see, are raised well.
"That credit should go to me, because I raised my daughter by myself. Di ba, walang ama 'yan?
"And my grandchildren are raised well; they are all college graduates.
"And hindi ko maatim sa sarili ko na makiki-level ako sa isang Annabelle Rama," sabi niya.
AMALIA'S VERSION. Ikinuwento rin ni Amalia sa mga reporters kung ano ang nasaksihan niya, para kumpirmahin ang kuwento ni Chito.
Magkakakasama raw sa isang mesa sina Amalia, Chito, at Chavit Singson bago nagsimula ang away. Nangyari ang insidente sa kuwarto kung saan nagtipon-tipon ang dating mga artista ng Sampaguita pictures.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
73 honey1201
72 alexitorin
71 kazumi_yumi
70 gem
69 mgataongipokrito
68 anubayan
67 championka
66 championka
65 dikit007
64 kapamilyas1
63 pepreader123
62 caitelinshine
61 pearl102
60 angie_po
59 chowee143
58 thor23
57 edmost
56 bus_stop
55 kcprettyangel
54 ogloveco
more comments