news

What Roderick Paulate learned from Dolphy: "Yung pagpapakumbaba, pagmamahal sa mga kasamahan sa trabaho, sa utility...Yun ang mga importante."

by Rose Garcia posted on July 15, 2012  STATS: 9207 Views | 10 Comments

Roderick Paulate on Dolphy as National Artist: "Siyempre, merong prosesong sinusunod. Ito ay damdamin ng parang isang anak lang. May sinusunod, ginagalang ko yun at nirerespeto ko na may dapat sundin. Pero sana lang, noong buhay pa.”

Photo By: Noel Orsal

Sa huling araw ng lamay ni Dolphy sa Heritage Park kagabi, July 14, nakadalaw ang aktor at  konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate.

Nasa  Guam si Roderick nang malaman nitong pumanaw na ang kanyang “Daddy Dolphy.”  Pero bago ito binawian ng buhay, may isang buwan ding namalagi ang Comedy King sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center.

Ayon kay Roderick, “’Di ba si Dad namatay,  Tuesday?  Noong Monday ako umalis.  Official trip yun.  Imi-meet namin ang mga government officials ng Guam...

"Nagpunta ako [dun] bilang chairman of the Committee of Tourism and Cultural Affair, may memorandum of understanding [for a] sisterhood relationship ang Quezon City at Guam...

“Kaya nga naiiyak ko na ito noong Wednesday, noong tinext sa akin ni Ms. Malou  Fagar, naiiyak ako nun. Nagdasal na lang ako for Dad," ang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi rin daw siya personal na dumalaw noong nasa hospital si Dolphy.

Ang katwiran nga niya sa bagay na ito, “Hindi ako pumunta.  Ayoko, e. Kasi, may mga sinabi sila na hitsura ni Dad, siyempre, ayokong makita siya na ganoong hitsura.  Ganoon  din kasi ang hitsura ng mommy ko, e.

“Siyempre, may kaniya-kaniya tayo.  Hindi pa ako ready.  Hanggang ngayon, hindi pa ako ready.

"So, aaminin ko, wala na, heto na, nangyari na.  Sabi ko, gusto kong makita si Dad for the last time.”

MEMORIES OF DOLPHY. Bilang isang komedyante rin, marami ngang naitagong memories si Roderick kay Dolphy.

Isa na raw dito ang pagsasama nila noon sa pelikulang Mga Anak ni Facifica Falaypay (1987).

“Siyempre, babalikan ko talaga yun.  Una, box-office [hit] yun.  Siyempre, naalala ko ang mga eksena namin.  Yung mga walang script naming eksena and more than that, ito yung mga galing ni Dad. 

“Tapos, pinagsasama namin yung alam namin.  Tapos, nandoon naman siya. Okay na ‘yan.  Magaling na yun, given na yun.  Pero ang hindi alam ng mga tao, kapag wala kaming shooting. 

“Minsan nag-uusap kaming dalawa.  Yung love for the family.”

Aminado si  Roderick na bilang isang komedyante, si Dolphy ang idolo at tinitingala niya.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  Orangina_123

    07/30/2012 | 04:01 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    07/17/2012 | 07:29 AM
    sana nga totoo mong na tutunan? ang mga bagay na iyan kay mag dolpy,hindi puro salita lang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinaypay2

    07/16/2012 | 02:37 PM
    May Mang Dolphy, the Comedy King rest in peace. Wala nang makahihigit. Nag-iisa lang. I voted for the Comedy King to be the National Artist.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/16/2012 | 10:18 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mgataongipokrito

    07/16/2012 | 04:26 AM
    pwe...ay pwearl pala! laki ng kasalanan sa yo ni Marian ah! Galit na galit ka...baka magaya ka nyan kay Anabel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shellphone

    07/16/2012 | 01:17 AM
    pwearl122 sobrang galit mo kay Marian, ang pinaguusapan dito si King of Comedy. Grabe teh ang dmai mong nakainin ampalaya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    07/15/2012 | 08:15 PM
    Isa pang kaibahan ni Dolphy sa ibang artista ay di nya kailangang pasukin ang pulitika para makatulong kuno sa kapwa. Tumutulong sya sa ways na kaya nya at quiet lang sya about all those. Iba ka talaga Dolphy saludo ako sa yo. RIP.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lynn_q8

    07/15/2012 | 03:41 PM
    hayz...!! shocked ako sa ginawa ni ANABEL RAMA sa wake ni Mang Dolphy, napaka low class na tao, pati sa mga ganitong okasyon kailangan pa talaga gumawa ng skandalo di na sya nahiya sa namatayan...oo nag sorry na nga for what pa! sabi nga ni ERIC sana di nangyari! pwede naman iwasan at magpatayan sila sa tamang lugar! hayz!! nakakainis tong babae na to! tapos nag ambisyon pang mag run for congress....CEBU THINK TRILLION TIMES BEFORE U VOTE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/15/2012 | 02:28 PM
    isama na rin sa ating dasal ang familya gutierrez dahil kulang sila ng GMRC
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/15/2012 | 01:52 PM
    sI Dolphy ay nasa mabuting kalagayan na ngayon.hindi na nya kailangan ang dasal dahil nasa kamay na siya ng tunay nating ama. ANG NANGANGAILANGAN NG MATINDING DASAL AY SI ANABIL RAMA WALA NA SIYA SA MATINONG KATINOAN, SIYA ANG NANGANGAILNGAN NG DASAL MORE THAN DOLPHY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About