news

Vandolph says he wants to be a pallbearer at Dolphy's funeral

by Rose Garcia posted on July 15, 2012  STATS: 17860 Views | 7 Comments

Vandolph's message to Dolphy: “Papa, thank you for everything.  Katabi mo na riyan ang mga tropa mo.  At kasama mo na si Lord. Gabayan niyo pa rin kami. Gabayan niyo pa rin ako.  Buong tao, buong Pilipinas, buong mundo, sa bawat panahon ng heartache, magparamdam kayo sa kanila para konting ngiti lang sa mukha nila, may mabago."

Photo By: Melo Balingit

Ngayong araw na ito, Linggo,  July 15, na nga ihahatid sa huling hantungan ang masasabing minamahal ng lahat sa industriya ng showbiz, ang itinuturing na Hari ng Komedya na si  Dolphy.

Marami ang nagbigay ng kanilang eulogy o mensahe at mga hindi makakalimutan kay Dolphy sa ilang araw na burol nito.

 
Nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan ang ilan sa 16 na anak ni Dolphy.  Pero marami ang nakapansin na sa mga anak na artista ni Dolphy, si Vandolph ang isa sa hindi masyadong nagsasalita.
 
 
Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi naman niya na, “Okay naman po.  Holding on for my kids and my family.”
 
 
Naiintindihan na ba ng mga bata ang nangyari sa lolo nila?
 
 
“Well, ang sabi ko, Vito, your Lolo’s sleeping o.  Sabi niya, 'Wake up mo na si Lolo.  Hihingi na ako ng chocolates.'”
               
 
Sa showbiz, sinasabi na sa rami nilang magkakapatid, siya raw ang masasabing pinaka-favorite ni Dolphy sa kanilang mga anak na lalaki.
 
 
Nangiti si Vandolph sabay sabi ng, “Well, ano lang ako, siguro, kaya lang nasabi dahil lumaki talaga ko sa tabi ng tatay ko.  Tapos lahat ng arteng ginagawa ko, under the likes of him.  Idol ko yan, e.”
 
 
Siya ang kamukha ng tatay nila?
 
 
“Hindi, kamukha ko raw si Alma Moreno, e.  Sabi ko, isa lang naman ang kamukha ko kay Dolphy.  Pero, hindi na natin dapat pag-usapan yun,” biro pa niya.
               
 
Magiging mahirap ba para sa kanya ang proseso ng mga susunod araw?
 
 
Sabi naman ni Vandolph, “Bahala na…hinahanda ko na ang sarili ko, kaya ayaw ko munang isipin. Pero, kahit ano naman ang gawin natin, darating din tayo riyan, e.  
 
 
"‘Ika nga, all through his life, all through his shows, napakalaki ng nagawa niya para sa bawat Filipino na kahit sabihin mong walang pera, kapag naisip mong Dolphy, kahit sandali lang, napapangiti ang tao.  Malaking bagay na yan, e.”
 
 
FONDEST MEMORY. What is his fondest memory of Dolphy?
 
 
“Lahat e,  kapag magkasama kami niyan, parang walang moment na walang punchline, e.”
               
 
May balita rin na lumabas na diumano, noong Huwebes, tila muntik na raw ma-mob ang kabaong ni Dolphy dahil sa rami ng tao.
 
 
Sabi naman ni Vandolph, “Siyempre, ginawang in order ang lahat, isa-isa lang. Although, hindi ko alam.  At kung totoo man na nangyari yun, hindi natin maiiwasan yun dahil ang daming nagmamahal sa Tatay  ko, ‘di ba?   Pero, buti na lang hindi nangyari.”
Ayon kay Vandolph, hindi pa niya alam kung sino ng magiging pallbearer sa libing ng tatay niya.  Pero parang gusto nito ang ideya kung silang mga anak nga ang gagawa nito.
 
 
“Puwede…puwede, gusto ko nga, ako na lang e,” natawang sabi pa niya.
 
 
Ano ang pinakamami-miss niya sa ama?
 
 
“Siya,” saad niya.
 
 
“Siya lang.  The whole Dolphy.”
 
 
Kung makakausap pa niya ang ama ngayon, ano ang gusto niyang sabihin dito?

“Papa, thank you for everything.  Katabi mo na riyan ang mga tropa mo.  At kasama mo na si Lord.  Gabayan niyo pa rin kami. 

"Gabayan niyo pa rin ako.  Buong tao, buong Pilipinas, buong mundo, sa bawat panahon ng heartache, magparamdam kayo sa kanila para konting ngiti lang sa mukha nila, may mabago."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • Lokotoy

    07/16/2012 | 06:25 PM
    May allowance pa daw to kay Dolphy? Vandolph magsumikap kaaaaaaa....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • happy_pinoy

    07/16/2012 | 04:49 PM
    I'm sure he's watching over all of you....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Im_just_here

    07/15/2012 | 11:54 PM
    Minsan sa buhay mahirap tanggapin kung may nawala...ang tagsl mag sink in, it comes to denial and embracing lies. But as soon as you let it just pass...the healing is so quick. So let it be. Besides, its better to experience pain. It releases all! Anyways...anabell rama again? Hayyyy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • oppositionako

    07/15/2012 | 10:35 PM
    SIGE TITA ANNABEL HUWAG KANG MAG PAPAAPI. KALABANIN MO ANG MANINIRA SA IYO INNGGIT LANG YAN SILA KASI LAHAT NG MGA ANAK MO MGA SIKAT MGA GUAPO AT GUAPA.. BLESSED SILANG LAHAT MARAMING MGA PROJECTS. GIVE THEM FIGHT....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hhamlin
    07/16/2012 | 05:01 AM
    hahahaha oppositionako are you lost? nasa maling article ka nang comment. Kakampi kana manlang kay Annabelle dapat mag comment ka sa tamang article.
  • lynn_q8

    07/15/2012 | 03:28 PM
    Well said Vandolph! RIP mang pidol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • syetedos

    07/15/2012 | 01:07 PM
    wala nga aaronick. siguro dito na lang nilalabas ni milomilo123 ang inis niya kay Anabel kasi mga article tungkol kay anabel nakakataka hindi lumalabas ang mga comment para mabasa, minsan naman may message na cannot connect. sinadya kaya ng PEP yun dahil lahat ng comments puro galit kay bisaya and hoping na si anabel na lang sana namatay at hindi si dolphy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    07/15/2012 | 08:22 PM
    Akala ko ako lang ang may problemang i view ang mga comments. For the past two days, lahat ng article ni Anevil ang bagal mag load at minsan hindi mo ma view ang mga comments pero kapag articles ng iba eh mabilis naman. Anong nangyari PEP?
  • milomilo123

    07/15/2012 | 12:20 PM
    dapat kay anabil itapon sa alcatraz penal colony sa san francisco.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    aaronick
    07/15/2012 | 12:32 PM
    Huh? Maski yata saan ang artikulo, wala akong nabasa na Annabelle nor Anabil. Siya ba ang paksa ng artikulo? No offense, pero dun po kayo magkalat sa artikulong nakalaan sa kanya. Duon, hindi ka maa-out of place. Stay strong Vandolph. Masuwerte ka dahil sa ikaw nga ang paborito ng iyong ama. Kaya alam kong ikaw ang pinaka-apektado sa pangyayaring ito. Pero lahat kayong magkakapatid, magdamayan sa lungkot at saya. Laging alalahanin ang ama at ang mga itinuro niya sa inyo na magagamit ninyo para magpatuloy sa buhay. God belss your family.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About