news

Judy Ann Santos plays a villainess in indie film directed by Joey Reyes

by Glen P. Sibonga posted on July 15, 2012  STATS: 13401 Views | 8 Comments

Mga Mumunting Lihim is Judy Ann Santos' third indie film. The first was Miss Pinoy in 2005, followed by Ploning in 2008. "Sobra kong happy na nakagawa ako ng Cinemalaya film with Direk Joey [Reyes] and isang pelikulang malapit sa puso niya," she says.

Photo By: Glen P. Sibonga

Naiiyak pa rin si Judy Ann Santos nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media people sa special screening at press preview ng kanyang kauna-unahang Cinemalaya movie, ang Mga Mumunting Lihim (Those Little Secrets), sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Bukod kina Juday at Direk Joey, nanduon din sa naturang event na ginanap kahapon, July 14, sa My Cinema sa Greenbelt Makati, ang iba pang cast na sina Janice de Belen at Agot Isidro.

Hindi naman nakapunta si Iza Calzado dahil nasa abroad ito para sa isang magazine pictorial. Dumalo rin para magbigay ng suporta ang asawa ni Juday na si Ryan Agoncillo at ang manager nitong si Noel Ferrer gayundin ang mag-amang Orly at Kat Ilacad ng OctoArts Films.

Ayon kay Juday, ito raw ang unang pagkakataon na mapanood niya nang buo ang pelikula nila at hindi nga niya naiwasang madala at maiyak sa istorya.

“Ako, actually, ngayon ko lang napanood yung buong film. Nagulat din ako na ganito yung kinalabasan. Sabi ko nga, ‘Ah, ibang-iba talaga siya no.’

"Pero sa totoo lang, bago pa ako makarating dito, kinakabahan ako, nate-tense ako. Hindi ko alam kung ano ang mae-expect ko.

"But I’m more than happy to be able to do this film with Direk Joey kasi alam ko kung gaano kalapit sa puso niya ito.

"Kaya sabi ko, alam kong bobonggahan ni Direk Joey ito kasi gustung-gusto niya talagang gawin ang pelikulang ito na inspired ng istorya nilang magkakaibigan. With Direk Joey naman behind me nothing can go wrong e.”

Magkakaroon ng gala premiere ang Mga Mumunting Lihim sa July 25, 9 p.m. sa CCP Main Theater bilang bahagi ng Directors’ Showcase ng Cinemalaya 2012.

THIRD INDIE MOVIE. Pangatlong indie film na raw ni Juday ang Mga Mumunting Lihim.

“Actually, third ko na ito. Yung una is Miss Pinoy (2005) na matagal na matagal na yun na hindi na masyadong maalala.

"I considered it an indie film pero yung time na yun kasi yung nagsisimula pa lang yung pagpapalabas ng mga independent films.

"Kasama ko doon si Beth [Tamayo]. Pero it’s an indie film for the OFWs and it was shown in Hong Kong at that time.

"Pangalawa is Ploning and then itong Mga Mumunting Lihim.

Noong nagsisimula pa lang kasi silang mag-shooting ng nasabing indie, hindi pa lubos na maipaliwanag ni Juday kung anong klase siyang kontrabida sa pelikula. At pag napanood nga ito ng mga tao ay saka nila maiintindihan ang character ni Juday.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • kapapusotid

    07/16/2012 | 08:06 PM
    nabura lahat comment bacungan halatado moderator ng pep ahahaha gma7 talaga hayzzz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milch

    07/16/2012 | 02:27 PM
    i luv u idol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapapusotid

    07/16/2012 | 02:07 PM
    Kalma Lang means juday can still figure it out on how to handle here skeds as family still her priority..she has now taping against all odds, a movie entry for the festival then masterchef and endorsement..ask mo c alfie dami trabaho juday kaya wag ka nga nagmamagaling bacungan ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapapusotid

    07/16/2012 | 02:01 PM
    Wey read between the line..avid fan ng abscbn etong c bacungan alam nya lahat nangyayari external and internal sa abscbn..hmmmmppp bacungan ka talaga masyado my pashame shame shame pa hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapapusotid

    07/16/2012 | 01:19 PM
    This is actually an octo arts film wir Ryan n judyann are doing movies in the past. Rescue dw gma7 kaw talaga bacungan nakiride lng gma7 sa film kaya mahiya ka naman kapal ng muks....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapapusotid

    07/16/2012 | 01:14 PM
    Bacungan it's Judy Ann option not to have more projects to focus on her family, she has projects with abscbn basahin mo kasi article puro ka nega comment agad..masyado kang nega sa buhay mo..you might live alone kaya ka ganyan wawa ka naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapapusotid

    07/16/2012 | 11:58 AM
    Tumigil ka nga bacungan puro walang kwenta comment po.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    purong_kapamilya
    07/16/2012 | 12:16 PM
    Tamaaaaaaa puro utot lang naman.
  • chobits

    07/16/2012 | 06:38 AM
    buti p c juday may breeding not unlike ng kasabayin nya c claudine..napakasama ng ugali pag s harap ng camera parang ang bait pero pag wala n s harap ng camera bastos at walang breeding...keep up a good attitude juday and continue your good craft.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    janama01
    07/16/2012 | 06:56 AM
    hoy wala si Claudine sa artcle, ikaw ang masama ugali parehas kayo ng idol mo two face:
    pwearl122
    07/16/2012 | 01:15 PM
    yeah..this claudine girl is so palengkera like inday marian rebera. gosh no breaing and class at all..
    czeska221
    07/16/2012 | 09:16 PM
    janama01 ang idol mo ang two face wahhh, deny mo pa!

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About