news

What Zsa Zsa Padilla will miss most about Dolphy: “Yung lambing."

by Glen Sibonga posted on July 15, 2012  STATS: 163330 Views | 14 Comments

Zsa Zsa Padilla on caring for Dolphy in their Parañaque home: “Ang lambing ko sa kanya pag nasa hospital bed siya sa bahay namin, ‘Usog, usog, usog.’ Sumisingit ako talaga. Naglalambing ako. Kahit hindi siya gumagalaw, kunwari gumagalaw siyang ganyan. Yun ang lambingan namin."

Photo By: Noel Orsal

Special tribute para kay Comedy King Dolphy ang naging malaking bahagi ng programa ng Startalk TX sa GMA-7 kahapon, July 14.

Live na na-interview sa show ang naiwang partner sa buhay ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla.

Habang nasa Heritage Park ang Startalk host na si Ricky Lo kasama si Zsa Zsa, nasa studio naman ang co-hosts niyang sina Joey de Leon, Butch Francisco, at Lolit Solis.

Kaagad ngang kinumusta ni Ricky si Zsa Zsa:

“Nakakahugot naman ng lakas kahit papaano, lalo na nung nakita ko yung [video] clip ng mga taong pumipila. Sobra-sobra ang pagmamahal na ipinakikita nila para kay Dolphy, para sa pamilya namin.

"Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Pasensiya na po kung hindi namin kayo mabibigyan ng 24 hours para makita ang labi ni Dolphy,” sabi ni Zsa Zsa.

MISSING DOLPHY. Tanong kay Zsa Zsa: Kapag nawala na ang maraming taong nakikiramay sa kanya at tuluyan nang inihatid sa huling hantungan si Dolphy, tapos ay nasa kuwarto siya na pinagsamahan nila ni Dolphy sa loob ng 23 taon...kapag mag-isa na lang siya, ano ang mami-miss niya kay Dolphy?

“Yung lambing,” sabi nito, sabay tawa. “Actually, simple yun e. Gustung-gusto niya, siya yung nilalambing. Yung mga huling days namin, sa totoo lang, nasa baba na kami [ng bahay].

"Meron akong sinet-up na hospital bed. Sa gilid nun, doon ako, me [bed] cot ako. Tapos may isa pang cot para sa mga anak niya o kung sinuman ang gustong magbantay.

“Ni-reveal ko na immuno-compromised siya, so every time we’re in the room with him kailangan naka-mask kami, protective mask.

“Ang lambing ko sa kanya pag nasa hospital bed siya sa bahay namin, ‘Usog, usog, usog.’ Sumisingit ako talaga.

"Naglalambing ako. Kahit hindi siya gumagalaw, kunwari gumagalaw siyang ganyan. Yun ang lambingan namin.

“Hindi niya sinasabing makulit ako pero palagi ko siyang kinukulit. Gusto niya yun… kasi he’s a very lively, energetic person.

"Pero siyempre towards… nag-umpisa nung na-hospitalize siya last year for nearly two months, hindi namin sinabi sa mga tao na talagang hindi na siya nakakalakad.

"Para sa kanya, tanggap naman niya na pwede siyang mag-wheelchair.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  milomilo123

    07/17/2012 | 04:18 AM
    HINDI MAnanahimik ang usaping dolphy hangang ang bumabastos sa burol nya ay nan dyan pa rin at haghahagis ng dilim.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    milomilo123
    07/17/2012 | 04:22 AM
    i mean lagim
  • 13  minch

    07/16/2012 | 03:29 PM
    Be strong Zsa-zsa, kaya mo iyan..We love you and pray for your family na maging okay..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  milomilo123

    07/16/2012 | 01:12 PM
    magsalita kayo ngayon at ipagtanggol nyo si anabil...magsalita ka eddie, roopa, raymond, ritzard, elvis rocky, ritsypaul...bakit tahimik kayo...[
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  milomilo123

    07/16/2012 | 01:03 PM
    ang mga nakaaway ni ANABIL............amalia, chavit,daisy,angeli, wilma,chito,nadya,cristy,lolit,pelaez, heartpardo,omar,FPJ,....kakahiya hingi naawat ni eddie, nagasabihan tuloy si eddie ni chavit na euwi mo muna ang babae na yan....indulyo sa pagkatao ni eddie
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    milomilo123
    07/16/2012 | 01:05 PM
    shoul be...........insulto personal
  • 10  heart07

    07/16/2012 | 10:50 AM
    MVP was a real generous kind person for him 2 shoulder all da medical expenses of dolphy in MMC. Discount lng daw ang hnhngi nla eric pero ngulat cla wen mmc said na settled na un bill.Cant imagine how much it wud cost pero sa gnwa mo MVP u got da heart of all d Filipinos.maski ba sbhn brya lng sau yan pero u only prove na mas my puso ka kesa sa abs.u got dolphy during the latter part of his lyf maski nsa icu na xa u still continue his salary.u gave honor to his name for dat we thank u...mula ngaun isa na kong "KAPATID" amen...;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    07/16/2012 | 10:34 AM
    mvp got my respect sbrang bait nyang tao di biro ang maospital ng 1 buwan sa makati med pa at sa dami ng procedure at operation n gnwa sknya cant imagine ilng milyon un maski pa sbhin na brya un kay mvp pero still he gave his respect to this person hu lav by most. gud job manny dhil dyan nkuha mo ang puso ng pinoy. more power
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/16/2012 | 08:17 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bananakiller00

    07/16/2012 | 07:29 AM
    sad.. dapat intindihin ng mga humihingi ng tulong na hindi talaga kaya ni zsazsa na tumbasan yung ginagawa ni mang dolphy dahil hindi naman ganun kalakihan ang kinikita nya kumpara kay dolphy at hindi rin naman sa kanya talaga iniwan ang lahat maraming mga anak at apo si dolphy na hindi naman nakaluluwag sa buhay talaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    07/16/2012 | 12:39 AM
    Saludo ako sa yo Dolphy...ang daming artista na sumikat at ng mawala ang kasikatan naghirap, nawala parang bula o kaya tumanggap ng kahit extra lang para mabuhay. Ikaw lang ang hanggang huli sikat pa din at gumagawa ng pelikula. Di mo din pinabayaan na mag away away ang pamilya mo sa hatian ng mana dahil lahat sila provided ng pantay pantay. Di mo din hinayaan na pag awayan ng mga network ang coverage ng burol at libing mo dahil lahat sila pinayagan mong mag cover. Lahat pati mga fans hinayaan mong makapag goodbye ng maayos sa yo. Di ka naging maramot kahit na wala ka ng buhay. Rest in Peace ulit Dolphy. Buhay ka sa mga pelikula at tv shows mo para sa amin na naiwan mo sa lupa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • IMaPeper2

    07/15/2012 | 09:51 PM
    I hope yung mga dating natutulungan ni Dolphy, maintindihan na hindi na magiging tulad ng dati. I hope they understand Zsa Zsa's situation now.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    07/15/2012 | 09:50 PM
    Ang bait naman ni Manny V Pangilinan, kahit na hindi pa nagtatagal na talent nila si Dolphy ay talagang binayaran nyang lahat at sinisuwelduhan pa hanggang sa huling hininga. Sabi ni Eric sa kabilang broadsheet, discount lang daw ang hinihingi nila pero noong magbabayad na sila sinabi ng hospital na no need to worry kasi settled na yong bill. God bless you MVP!! And to you Zsashing, kaya mo iyan...bata ka pa naman at able pang mag work.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    chowee143
    07/16/2012 | 06:51 AM
    ako din saludo ke MVP sa pagiging generous nya
  • cj_03

    07/15/2012 | 09:22 PM
    Ahehehe...ayan may napagsabihan na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • matty29

    07/15/2012 | 08:27 PM
    Psssst! Milo Milo 123, the article is about an interview with Zsa Zsa, not about Anabelle. Mahiya ka naman uy..... Go to other articles that talk about the commotion that happened between Annabelle not on this one. Sad nga this one eh, may sumingit pa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/15/2012 | 05:28 PM
    Hanggang kamatayan daladala ni Mang Dolphy , pidol, rvq, kevin, john ANGKABASTOSAN AT KAWALANGHIYAN NI ANABIL RAMA GUTIERREZ. NAkakahiya ka anabil rama gutierrez.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    yukie85
    07/15/2012 | 09:26 PM
    Natawa naman ako sa comment mo sigurado ka kaya daladala ni mang dolphy ang ginawa ni anabel.?

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About