Ayon sa mga nakasaksi, nag-umpisa ang gulo nang magpang-abot sina Annabelle at Chito sa comfort room, na parte pa rin ng dining hall ngunit tagó sa likod ng isang dingding.
ANNABELLE'S SIDE. Sa panayam ni Annabelle sa media, sinabi nitong hinihintay niya noon ang kanyang asawa sa labas ng pintuan ng comfort room nang magkita sila ni Chito.
Ayon kay Annabelle, pagkakita sa kanya ni Chito, sinabi raw ng reporter, “Ay, nandito pala ang p*@#!”
Agad daw niyang hinampas ng hawak na Kleenex ang entertainment reporter.
Ito raw ang naging simula ng pagsisigaw ni Annabelle, na agad na narinig sa dining area.
Ayon sa ilang nakausap ng PEP, naringgan daw si Annabelle na sinisigawan si Chito ng: “Hindot ka! Hindot ka! Piniyansahan pa kita noon kasi... Hindot ka!”
Matapos nito ay nakita nang naghahabulan ang dalawa pagdating sa dining area.
Sumisigaw pa raw si Annabelle ng “kutsilyo, kutsilyo!,” subalit hindi natinag ang mga waiter at walang nag-abot ng kutsilyo sa kanya.
CHITO'S SIDE. Sabi naman ni Chito sa panayam sa kanya ng Umagang Kay Ganda kahapon, July 16, nagkita nga sila ni Annabelle sa area ng comfort room.
Pero ayon sa kanya, "Bigla akong tumalikod without uttering a word, without making dirty faces...tapos hinabol niya ako...hinampas niya ako, tapos pinagmumura niya ako."
Dagdag ni Chito, nakita niyang may kinukuha si Annabelle sa isa sa mga mesa. “Kumuha siya ng kutsilyo sa lamesa," sabi nito sa Umagang Kay Ganda. "Pagkatapos, natakot ako, tumakbo ako.”
Karagdagang kuwento ni Chito tungkol sa habulang nangyari: “Ngayon, nakita niya yung tukod ng beteranang aktres na si Mila del Sol yata 'yon o kay Mrs. Lyn Pareja ng Sampaguita Pictures.
"Kinuha niya ‘yon at hinabol ako, sinasaksak akong ganung patalikod…”
Napag-alaman ng PEP na ang baston ay pagmamay-ari ni Lyn Pareja, beteranang studio publicist ng Sampaguita Pictures.
Depensa rito ni Annabelle, kinuha niya ang baston dahil nagtangka raw si Chito na hampasin siya ng dala-dala nitong iPad.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
70 Lani123
69 saintmulder10
68 kapuspalad1
67 abarron32
66 fecatada
65 fecatada
64 LeightonMeisterrr
63 fecatada
62 fecatada
61 fecatada
60 lotuss
59 itnok
58 kapuspalad1
57 kapuspalad1
56 candicebluv
55 marimaris8
54 mochodinero
53 candicebluv
52 candicebluv
51 milomilo123
more comments