news

Vandolph on dad Dolphy: “I miss him so much. But I need to be strong for my kids."

by Mell T. Navarro posted on July 17, 2012  STATS: 69618 Views | 6 Comments

Vandolph, according to many, was Comedy King Dolphy's favorite son. To this, the former child star says, “Hindi ako favorite, malambing lang talaga ako.”

Photo By: Melo Balingit

Isa pang anak ni Dolphy ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa burol ng Comedy King noong July 12 sa Heritage Park sa Taguig City.

Ito ay si Vandolph, ang nag-iisang anak ni Mang Dolphy sa actress-politician na si Alma Moreno. Si Vandolph ang bunsong lalaki sa magkakapatid.

MOST EMOTIONAL. Sa naging kundisyon ng kanilang ama, na parang “roller coaster,” si Vandolph ang sinasabing pinaka-emotional sa lahat ng mga supling ng Comedy King.

“I believe talaga… actually, all of us talaga believe that Papa will succeed, na malalagpasan niya yung pagsubok na yun,” sabi ng dating child star.

“Ang problema is, huwag na nga raw, kasi marami nang kumplikasyon. 

“Pero the doctor said, ‘Malakas ang tatay niyo, fighting! Lumalaban ang tatay niyo, malakas ang puso ng tatay niyo.’

“Kasi lahat, bumababa, pero ang heart rate niya, okay.

“Siyempre, importante lahat ng parts ng body, pero main yung heart. E, yun ang pinakamalakas.

“Nawalan na siya ng blood pressure, nag-iba na ang kulay niya, pero ang puso niya, tumitibok pa rin.

"So, he was alive.”

Saan nanggagaling yung pagiging emotional niya?

“I love my father so much,” sambit ni Vandolph. 

“Hindi yung kung saan galing, e. Alam naman ng mga tao kung gaano ako kalapit sa tatay ko.

“Kumbaga, a big part of me is gone. Pero siguro, not gone na rin, new stage lang…

“New stage of life lang na alam kong gagabayan niya ako dito sa trabaho ko, e.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • pinoycali_ako

    07/18/2012 | 12:56 PM
    Dapat magpakatino ka na kasi wala ng magdedefend sayo. Be a man and make your dad proud!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    07/18/2012 | 09:03 AM
    at least nang mamatay si dolphy ay almost 84 years old na siya at talagang time to go na. my father passed away at the age of 79, 7 years ago and my mom passed away at the age of 86 a month short of her 87th bday last year. pero sa isang banda kung maari nga lang ay hwag muna silang umalis kaya lang di na natin kayang pigilin pa. di natin kayang kalimutan maski ilan taon na silang namamatay dahil nakatatak na sa puso natin ang paglisan nila at di na puwedeng mawala ang lungkot at alaala nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Lokotoy

    07/17/2012 | 07:58 PM
    Miss nya allowance...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • FusionHan

    07/17/2012 | 04:00 PM
    Kaya mo iyan, Van
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kontilang

    07/17/2012 | 02:30 PM
    ngayon ko lang nagetz...kaya pala sa mga interview ni Alma, VAN na lang ang tawag niya kay Vandolph, siguro ayaw na niya i-connect pa pangalan ni Dolphy sa name ng anak nila....sad
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    mfapj
    07/17/2012 | 11:28 PM
    Van is just a shorter version of Vandolph. don't put too much controversial meaning into that. geez!
  • milomilo123

    07/17/2012 | 01:18 PM
    ang dami ng palusot ni anabil.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About