Miss World Philippines Queenierich Rehman (middle) is thankful for the support given to her by her entourage. This includes (L-R) fourth princess Brenna Cassandra Gamboa, third princess April Love Jordan, second princess Vanessa Amman, and first princess Mary Anne Ross Misa.

Photo: Noel Orsal

Bukas, Hulyo 18, ay lilipad na patungong China si Miss World Philippines Queenierich Rehman upang makilahok sa taunang Miss World beauty pageant.

Gaganapin ang naturang patimpalak sa Agosto 18 sa Dongsheng Fitness Center Stadium, Ordos, Inner Mongolia, China.

Parehong excited at kinakabahan ang 23-anyos na beauty queen mula sa Las Piñas, dahil ito ang unang beses na sasali siya sa isang international contest.

Kaya naman puspusan na ang ginagawa niyang paghahanda para sa nalalapit na kompetisyon.

“I’ve done mostly makeup trainings, ramp modeling, and some question and answer trainings.

“Also the social media training for the Facebook competition,” saad ni Queenierich, noong Hulyo 13, sa naganap na send-off party na ibinigay sa kanya ng Cory Quirino Global Quest, Inc. (CQGQ) at TV5.

BEATBOXING BEAUTY. Sa naturang party, na ginanap sa BSA Twin Towers sa Ortigas, ay muling ipinamalas ni Queenierich ang kanyang talento sa pagbi-beatbox.

Ang beatbox, ayon sa wikipedia, ay "form of vocal percussion primarily involving the art of producing drum beats, rhythm, and musical sounds using one's mouth, lips, tongue, and voice. It may also involve singing, vocal imitation of turntablism, and the simulation of horns, strings, and other musical instruments."

Ito rin ang itinanghal ni Queenierich noon sa pre-pageant competition ng Miss World Philippines, kung saan napanalunan niya ang Best in Talent Award.

Ayon kay pageant directress Cory Quirino, kakaiba daw talaga ang talento ni Queenierich, at sa tingin niya ay sumasalamin ito sa bagong henerasyon ng mga Filipina.

Sayang lang daw at hindi kasama sa qualifying criteria ng Miss World ang talent portion, kaya patuloy na humihingi ng suporta sa publiko si Cory para kay Queenierich.

“The most we can do now is to like Queenie’s page on Facebook, kasi ito iyong isa sa new rules ng Miss World.

“Each candidate will have to manage their own Facebook page, and the girl with the best Facebook page can automatically fast- track her standing in the semi-finals.

“So, please, sana po ay tulungan natin si Queenierich na makapasok sa qualifying round by liking her Facebook page.”

GIFTS FROM HER ENTOURAGE. Samantala, suportado naman ng kanyang entourage itong si Queenierich.