Wala pa bang dumarating kay Vina?
“Alam mo, ayoko nang magsabi kasi parang pag sure na sure na, dun na lang.
“Kasi hindi pa rin. Alam niyo 'yan!” tumatawang sambit ni Vina.
Mahirap bang makahanap?
“He’ll find me for sure. Maybe he has not found me yet and... kasi ayoko rin namang hanapin."
Dahil kaya may anak na si Vina kaya parang balewala na sa kanya ang magkaroon ng partner sa buhay?
“Of course, kumpleto ka na, in way, pero still, you want a partner in your life, di ba? I think everyone needs that.”
READY TO DATE. Nakikipag-date na ba siya?
“Dating? Hindi, e... parang hindi na yata, e. Ewan ko!?” nangingiti ngunit nag-aalinlangang sagot ni Vina.
“Actually, I’m ready to date. Honestly, kung meron man diyan.
"Minsan may ipapakilala sa iyo, it goes well for a while and then, 'Ay, hindi pala!'
“And then pag may ipapakilala sa iyo ulit, why not, di ba?”
Inamin ni Vina ang tungkol sa isang foreigner na sandaling na-link sa kanya.
“Yeah, after the father of my child. But I don’t wanna expect anymore. Ayoko na muna.
"Pag sure na ako na 'eto na, that’s the only time I’ll talk. Kasi mamaya... katulad niyan, hindi rin naman.
“Date-date lang, di ba? What for para ikuwento ko pa sa madla?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 kaLUGI
10 mrsenchong
9 kaLUGI
8 under_rated
7 merlion_25
6 Orangina_123
5 Orangina_123
4 milomilo123
3 merlion_25
2 matty29
1 ashsss