Masaya si Allen Dizon ngayong magkakasunod ang paglabas niya sa mga teleserye, katulad ng kasalukuyang umeereng Princess and I at ang nauna ritong Nasaan Ka Elisa, parehong sa ABS-CBN.
"Aaminin ko, magandang source of income ang paggawa ng teleseryes at nagpapasalamat ako sa ABS-CBN," sabi ni Allen sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Pero higit daw ang fulfillment niya sa paggawa ng indie movies, katulad ng karaniwang nababanggit ng mga serious actors na tulad niya.
"Fulfilling dahil nagagawa mo ang iba't ibang roles na hindi mo magagawa masyado sa TV o sa commercial movie projects.
"’Tapos, napapansin ang akting mo, nanu-nominate ka."
Ilang beses na ring nanalo ng acting awards si Allen for appearing mostly in indie projects; such as Twilight Dancers (2006) by director Mel Chionglo and Joel Lamangan's Dukot (2009), among others.
Nakausap ng PEP si Allen sa Philippine premiere ng kanyang pinakabagong indie-lead starrer, ang Migrante (The Filipino Diaspora).
Ginanap ang premiere sa Robinsons Galleria Cinema 5 noong Linggo, July 15.
Ang direktor ni Allen sa pelikulang ito, na tungkol sa mga migrant workers o OFWs sa Israel, ay si Direk Joel din.
Si Lamangan din ang nag-handle sa aktor sa ipinanalo niyang Dukot, na ang kuwento ay tungkol sa extra-judicial killings, o ang binansagang "salvage."
Naging tampok din si Allen sa iba pang advocacy films ni Joel Lamangan: Sigwa (2010), bilang isang NPA; Deadline (2011), as a journalist; at Patikul (2011), as an illiterate Muslim father.
Ayon sa aktor, "Mostly mga advocacy films ang idinidirek na indie films ni Direk Joel.
“Mahalaga ang mga ito para sa manonood, para mas mamulat sila sa realidad na nangyayari ngayon sa society natin."
PHILANDERING HUSBAND. Before and after the premiere screening ay eksklusibong nakausap ng PEP si Allen.
Ang topic ay Migrante, kung saan papel ng OFW ang ginagampanan niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS