"Lahat ng kaya mong ibigay sa pagiging artista mo, kaya mo, nagagawa mo sa pelikula.
"First time kong gawin ito na OFW ako sa pelikula."
OBRERO. Ang susunod na gagawin ni Allen ay ang pelikulang Obrero, na si Joel Lamangan din ang magdidirek.
Papel ng isang labor leader ang role ni Allen, ayon sa nabalitaan din ng PEP.
Nais din ba ni Allen na makatrabaho ang iba pang mahuhusay na direktor, bukod kay Lamangan?
"Open naman ako to work with other directors," aniya. "Para ma-experience ko rin yung ibang style ng ibang direktor.
"I've worked with Direk Mel Chionglo before. And sa TV, iba rin ang mga nagiging direktor ko."
Sa ngayon, pahinga muna si Allen sa pagte-taping ng Princess And I, dahil naka-focus daw ang kuwento nito sa mga kabataang artista ng serye.




CALLED OUT
ALL COMMENTS