news

Gerald Anderson on Sarah Geronimo's wish for her birthday—freedom: "Kung yun po ang wish niya talaga, sana maibigay sa kanya."

by Glen P. Sibonga posted on July 17, 2012  STATS: 150721 Views | 68 Comments

Gerald Anderson on courting Sarah Geronimo: “Ito po yung first time ko talaga na manligaw na parang ganito talaga. It’s a new experience for me, and I’m just happy na pinayagan naman po ako. At ang ending po namin, we became good friends. So, panalo ako."

Photo By: Glen P. Sibonga

Magandang pagkakataon para kay Gerald Anderson na makatulong sa kawanggawa, kasabay na rin ng paglalaro ng paborito niyang basketball.

Na siyang nangyari nang maimbitahan siya at ilan pang Kapamilya artists ni Aurora Representative Juan Edgardo “Sonny” Angara para sa isang basketball game for charity.

Ginanap ang event sa Manila Boys’ Town Complex sa Parang, Marikina, noong July 14. Bahagi ito ng selebrasyon ng ika-40 kaarawan ng kongresista noong July 15.

Kasama ni Gerald na naglaro bilang bahagi ng Kapamilya team sina Rayver Cruz, Fred Payawan, Joung JV, Joe Vargas, at iba pa nilang kabarkada.

Kabilang ang kapatid ni Gerald na si Kenneth Alex Anderson.

Nakalaban nila ang team ni Congressman Angara na kinabibilangan ng mga kabataan ng Boys Town.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald pagkatapos ng basketball game. 

Sinabi ng aktor na nag-enjoy siya sa paglalaro kahit na nga natalo ang team nila ng mga taga-Boys Town.

Sabi ni Gerald, “Nakakatuwa, di ba? Kumbaga, sanay kami na nagba-basketball kami, pero iba yung… mas fulfilling pag ganito yung ginagawa namin for them.

"Yun nga, kahit konting saya yung nakuha nila sa amin, kahit naglaro kami ng sandali lang, sobrang nakakatuwa, sobrang fulfilling.

“Actually, noong in-invite ako at sinabing Boys Town at maglalaro kami kasama ng mga bata, umoo agad ako.

"Sabi ko nga sa kanila, ‘Hey, punta na tayo doon. Makipaglaro tayo sa mga bata.’

"Happy din ako na kasama ko si Rayver, ang kapatid ko, at saka lahat ng mga kaibigan namin.”

NO ISSUE WITH RAYVER. Sa pagsasama nina Gerald at Rayver sa naturang charity event, pinatunayan nila na walang isyu sa pagitan nilang dalawa at magkaibigan pa rin sila sa kabila ng pagkakaugnay nila sa iisang babae—kay Sarah Geronimo.

Si Rayver ang dating nobyo ni Sarah, habang si Gerald naman ang bagong manliligaw ngayon ng tinaguriang Popstar Princess.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

68 Comments

  • lyka25

    07/17/2012 | 10:06 PM
    Only time will tell if seryoso talaga sa panliligaw itong si Gerald kay Sarah huwag naman natin i judge agad agad yung tao, Sarah on the other hand should also decide for herself if she wants to be independent kahit man lang sa love she should stand for Gerald if she really love him .
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • entertainment01

    07/17/2012 | 10:02 PM
    mukhang basted na si baby boy. awwwts. marunong ng kumilatis si baby girl. bakit kasi kung mangligaw sa harap ng fans.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bostongirl

    07/17/2012 | 09:52 PM
    Wish ko kay Sarah sana naman matuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. I can't blame mommy D. why she's over protective to her daughter who are blessed and gifted with talent, if Sarah alone is showing no self-confidence infront of her parents. Ilang beses na bang sinabi ni Juday na sana maging out-going siya, magtravel alone, makihalubilo with her friends, see the outside world, wag matakot magkamali dahil walang perpektong tao, at ano ang sagot niya? Tawa at puro sige pag-isipan natin yan. Ang comfort zone ni Sarah ay ang pamilya niya, micropono at entablado. At 24 yrs. old with all her hard-earned money, she should or must try to decide her future on her own.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    creselle101
    07/17/2012 | 10:40 PM
    . ,TAMA . . agree ako sa sinabi mo . . dapat si Sarah mismo ang magkaroon ng courage to decide for her self. Sana kong gaanu katapang si Sarah sa Stage dapat ganun din sya sa totoong buhay. Kailan pa kaya natin makikita ang Sarah G. na independent at kayang tumayo kahit di masyadong binabantayan ng mga magulang.
  • happy_pinoy

    07/17/2012 | 09:39 PM
    nakakalungkot lang na hindi na-eenjoy ni sarah yung kinikita nya...let her learn to handle her own life. I think she loves her family so much, hindi nya naman siguro pababayaan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinknlavander

    07/17/2012 | 09:37 PM
    I don't think na naliligaw c Gerald Kay Sarah it's just a promo para pag usapan. Gerald is too good looking for Sarah. Gerald deserve a better girl.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    TVviewer
    07/17/2012 | 09:57 PM
    baka ang ibig mong sabihin ay Sarah deserves a better guy. hindi kesyo gwapo si gerald ay great catch na sya. aanhin mo ang gwapo kung sasaktan ka lang at kakaliwain. see what gerald did to kim chiu, pinaiyak nya lang si kim...di rin naman nya pinanindigan si bea. di ba liligawan nya nun si .... i forgot the name, yung gf ngayon ni vic sotto. di nya itinuloy kasi makakasira sa kanyang career at love team nila ni kim. yes he is a good actor, nakita ko yun sa budoy BUT i know it wont hold his popularity. si sarah, proven that she is popular...mabata o maging matatanda gusto sya. and getting sarah's YES is a big jackpot to gerald. ma career man o mapa love...sarah is popular and she is untouched.
    creselle101
    07/17/2012 | 10:41 PM
    . ,what ? si Gerald pa ngayon ang deserve to have a better girl . . sa showbiz si Sarah nalang yata ang virgin . . sabagay that's your comment. I will respect that. Super ganda ni sarah in and out.
    camote_kaba
    07/18/2012 | 07:21 AM
    ang babaw mo naman, pinklavender. so basta sobrang maganda at tisay, kahit ang kalooban ay putik yun lang ang dapat mahalin? beauty is only skin deep. pag looks lang ang tinitingnan mo sa isang tao, kabopolan yun.
  • wa2

    07/17/2012 | 09:20 PM
    ikaw ba naman ang mag karoon ng inang gaya ni divine aka mukhang datungins eh talagang freedom ang gugustuhin mong wish
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pretty

    07/17/2012 | 09:03 PM
    Playboy ba si Gerald? Sana MABASTED na pala siya ni Sarah. Kung ako kay Sarah paghihintayin ko si Gerald ng five years at tsaka ko siya sasagutin kung makakapaghintay siya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    07/17/2012 | 08:54 PM
    Gerald is really fit for feisty girls, he's a playboy and only those kinds of girls can calm and tame him....Sarah has a wholesome, housewife image, which is of course nothing bad at all...in fact she would be a blessing to any man who wants a good and clean marriage....but Gerald is on the wild side, I think masasaktan nya lang si Sarah, I think mala Aubrey Miles or Cristine Reyes ang bagay sa kanya...of course I maybe wrong, and its just my perception.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About