news

Gladys Reyes on biggest lesson all stars should learn from Dolphy: "Yung humility, na kahit gaano na kalaki yung na-achieve niya, humble na humble pa rin siya.”

by Rey Pumaloy posted on July 17, 2012  STATS: 6174 Views | 0 Comments

Gladys Reyes is among those who believe that there is only one Dolphy.  She enumerates Dolphy’s exemplary traits: “Yung humility, na kahit gaano na kalaki yung na-achieve niya, humble na humble pa rin siya.”

Photo By: Allan Sancon

Kabilang si Gladys Reyes sa mga artistang nagbigay-pugay sa labi ni Dolphy sa isinagawang necrological service sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong July 11, isang araw matapos pumanaw ng Comedy King.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gladys, ikinuwento ng aktres kung paano niya nakilala nang personal ang legendary actor.

“Nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho siya sa Home Along Da Riles,” simula niyang kuwento.

“Ang hindi ko makakalimutan… kasi siyempre Tito Dolphy na yun. Parang wala naman siyang time manood, di ba?

“Malay ko namang kilala niya ako? Sa isip-isip ko, hindi niya ako kilala. 

“Nagulat ako, tinawag niya, first name, ‘Gladys!’ Grabe! Sobrang tuwang-tuwa ako. 

"Hindi ko makakalimutan yun, grabe!

“Saka yung sincerity niya sa pakikipag-usap sa isang tao… hindi kami ganun ka-close at first time namin to work together, pero ramdam na ramdam ko yung sincerity niya. 

"At kung meron mang dapat matutunan ang mga artista ngayon, lalo na yung mga bago, yung humility, na kahit gaano na kalaki yung na-achieve niya, humble na humble pa rin siya,” pagsasalarawan niya sa Comedy King.

FOLLOW THE FOOTSTEPS. Meron ba siyang nakikitaan ng pagiging isang Dolphy sa mga artista ngayon o doon sa mga kaedad niyang mga artista?

“Siyempre, yun pa ring mga tinitingala natin, 'ginagalang natin, gaya nina Ate Vi [Vilma Santos], Ate Guy… si Miss Nora Aunor na hanggang ngayon hiyang-hiya pa rin, di ba? 

“Lalo na pag ini-interview mo. Ako, na-interview ko na si Ate Guy sa Moments."

Ang Moments ang talk show ni Gladys sa Net 25.

“Parang hindi pa rin pumapasok sa utak nila yung achievements nila.

“Di ba, ang dami nating nababalitaan na bago pa lang sumisikat at nagmamaldita na mga ganyan, na kailangan may sarili ng tent?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About