news

Charee Pineda not in a hurry to get married despite engagement

by Joyce Jimenez posted on July 18, 2012  STATS: 68554 Views | 5 Comments

Handa na ang Kapamilya actress na si Charee Pineda para sa kanyang mas mature na role sa afternoon soap na Angelito Ang Bagong Yugto. Bagamat may maseselan siyang eksena kasama ang bidang si JM de Guzman, tiniyak ni Charee sa kanyang fiancé na trabaho lamang ito.

Photo By: Noel Orsal

Masaya na pressured si Charee Pineda sa pagsisimula ng Angelito Ang Bagong Yugto.

Ito ang ikalawang aklat ng matagumpay na afternoon drama series ng ABS-CBN na Angelito ang Batang Ama, na pinagbibidahan nila nina JM de Guzman at Kaye Abad.

Sinabi ni Charee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kagabi, Hulyo 17, na ang challenge sa kanila ay malampasan ang tagumpay na naabot ng Book 1 ng kanilang palabas.

Gayunman, hindi raw siya nahirapang gumanap bilang si Rosalie, ang nanay ni Jun-Jun, na anak niya kay Angelito (JM).

Hindi raw kasi nalalayo ang pamilya niya sa pamilyang mayroon ang kanyang karakter.

“Kasi makapamilya ako, e,” nakangiting sabi ni Charee nang makapanayam namin siya sa Dolphy Theater, sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

“Medyo malapit siya kung ano yung pamilya namin doon at sa pamilya ni Rosalie.

“At saka medyo may pagka-nanay kasi ako, pati sa mga kapatid ko, kaya hindi ako masyadong nahirapan. Mas kumportable na.

"Yun lang, mas kailangan mag-effort kasi mas mabibigat na yung eksenang gagawin namin,” sabi nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

BIKINI SCENE. Hindi naman naiwasan ng Kapamilya actress na matawa nang tanungin namin ang tungkol sa kanyang "pool scene" kasama si JM.

Naka two-piece red bikini kasi si Charee doon, na hindi madalas makita sa mga karakter na ginagampanan niya noon.

“Nagkasakit ako after, kaya may sakit ako ngayon!” sabi ni Charee, sabay halakhak.

Pero pagpapatuloy niya, “Ang laki ko talaga sa screen, yun talaga ang problema ko kaya kailangan ko mag-lose ng weight.

“Hindi naman nahirapan, kasi nagbi-bikini naman ako, e. Makapal mukha ko, e!

“Pero siyempre, pag sa screen, ayos lang naman. Pero siyempre, hindi naman parang bastos yung kinalabasan.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • zhan2012

    07/19/2012 | 10:29 AM
    bata mopa neng para ma inlove.tama u have to learn the game in showbiz its like public own kana sample sabihin mo engage ka tapos mababalitaan waley na kau naku poh nakaka walang gana... ganito kc dito sa pinas gusto ng mga tao me bago at bago sau. minsan kalang ata makaka kita ng tumagal sa showbiz after mag asawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    07/19/2012 | 09:22 AM
    learn how to play a game in showbiz para tumgal ka at mging succesful.binasted mo c jm kasi mas mhilig ka sa myaman at tsinito?promise nwlan ako ng gana sau.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    07/19/2012 | 09:17 AM
    sayang nmn charee imbes na ibroadcast mo yan engagement mo dapat nanahimik kn lng bka gnwa lng ng bf u un kasi nttkot xa sa chemistry nyo ni jm. ngaun kpa lng nakikilala, jm can stand on his own ikaw nde u kya dapat mgbloom kau as a lavteam pero yan nga ngtsart plng pero inopen u agad sa public na engaged ka na...wat do u expect?nakakawalang gana.ok na sana un agelito eh kaso bad publicity yang gnwa mo. pasalamat ka mgnda un story nyo kya madami pa rin supporters.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bhengot

    07/18/2012 | 02:31 PM
    i like this girl
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    07/18/2012 | 01:14 PM
    minsan pag engaged na ang isang babae ay nagkakaroon nang rason na mabuntis. kaya kung mahal mo ang career mo ay sana iwasan mo ang bagay na magiging dahilan nang pagkawala mo sa showbiz. maraming nangyari nang ganoon kaya ingat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About