news

Nadia Montenegro on reconciliation with Gretchen Barretto: "We both sincerely meant it."

by Rommel Gonzales posted on July 18, 2012  STATS: 89272 Views | 21 Comments

Tinapos na nina Gretchen Barretto (left) at Nadia Montenegro (right) ang kanilang alitan nang magkita sila sa burol ng Comedy King na si Dolphy noong July 13. Sa panayam niya sa PEP, ikinuwento ni Nadia ang mga nangyari sa pagbabati nila ni Gretchen.

Photo By: Manila Galang

Maliban sa isang insidente, maraming magagandang nangyari sa burol ng Comedy King na si Dolphy sa Heritage Memorial Park and Crematorium sa Taguig City noong nakaraang linggo.

Nagsama-sama ang karamihan ng mga taga-showbiz upang magbigay-bugay sa Hari ng Komedya. Nagsilbi rin itong reunion para sa mga matagal nang hindi nagkikitang celebrities.

At dito rin naganap ang pagbabati ng dating matalik na magkaibigang Nadia Montenegro at Gretchen Barretto, matapos ang ilang taong hindi pag-uusap at pagkikibuan.

Matatandaang nagkaroon ng alitan ang dating Regal babies noong 2008 dahil sa pagkakalat diumano ni Nadia ng masamang balita tungkol kay Gretchen.

Kabilang na ang relasyon daw ni Gretchen sa pulitikong si Dody Puno.

Ngunit noong July 13, Biyernes, sa burol ni Dolphy sa Heritage Park ay nagtagpo sina Nadia at Gretchen. Dito na nila tinapos ang kanilang hidwaan na tumagal ng apat na taon.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa pamamagitan ng Facebook private messaging, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadia kahapon, July 17.

THE UNEXPECTED MEETING. Itinanong ng PEP sa kanya kung paano nasimulan ang pagbabati nila ni Gretchen. Ano ang umpisang senaryo? Sino ang unang gumawa ng move?

Kuwento ni Nadia, “Dumating ako mga 6 p.m. sa wake, and siyempre madadaanan ko lahat ng media, konting interview, etc…

“Biglang eksakto, may kotseng dumating, bumaba sina Gretch and Tonyboy [Cojuangco, Gretchen’s partner], with Marjorie [Barretto, Gretchen’s sister].

“So I moved aside, gave way, para hindi kami magkabanggaan ng mga media at cameramen.

“Sabi ko kay Tania [Montenegro, Nadia’s sister], ‘Let them go ahead.’

“Nagkatinginan kami ni Gretch and we both smiled.

“Tapos nung nakapasok na sila sa hallway, saka naman kami naglakad going to the same direction, when biglang nakita ko si Gretch walking back to where I was.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  FantaziaDLipz

    07/26/2012 | 10:53 PM
    buti pa si Gretchen, nakipagbati kay Nadia. Yung babaeng ingrata na may ptok, up to now, hindi nag sorry sa dating mga bosses niya. What an Ingrate!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  MolybdenumStudios

    07/24/2012 | 07:14 PM
    Good for these people! Kung me grudges sila against one another, why not forgive and forget? Not sure if this was the right time for them to reconcile... but at least they did truce. Hindi ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  pepreader123

    07/23/2012 | 12:08 AM
    Maging maligaya na lang kayo para sa dalawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  fecatada

    07/21/2012 | 11:53 AM
    si nadia manggagamit kagaya nang mga Pinay dito na mga maids sa Hong Kong mahilig manggamit sabay ipahamak ka pagkatapos kang ginamit mga alang pinag-aralan.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    07/21/2012 | 11:42 PM
    Ay maid ka sa Hongkong day?
    aiveec
    07/22/2012 | 03:28 AM
    pearl102, ano naman ngayon kung maid si fecatada sa Hongkong? Nagbabayad ka ba ng rent, utilities at pagkain sa tatay at nanay mo o nakikitira ka lang ng libre?
    snowhitetx
    07/22/2012 | 12:45 PM
    Walang masama ang trabahong pagkakatulong. Ang mga OFW ang pinakamalakas magpadala ng remittance sa Pilipinas na siyang nakakatulong sa ekonomiya ng ating bansa. Pearl102, bakit AY MAID KA SA HONG KONG DAY? I agree wtih Fecatada karamihan sa mga Pinoy ay mangagamit. Pag nagamit ka na, they will stab at your back.
  • 17  myrth

    07/20/2012 | 11:15 AM
    possitive na possitive ang article tapos ang daming negative. daming galit sa mundo. kulang ng prayers.sana maging masaya ang iba sa magandang nangyari. uutangan agad ag isip. e si gretchen naman ang gusto nang batiin si nadia.ibig sabihin kahit ano pang nangyari noon ,love pa rin ni gretchen si nadia.kung pautangin man ni gretchen si nadia,pera nya yun.gusto nya.sobrang galit nyo sa mundo.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    jeff_jefferson0427
    07/20/2012 | 11:46 AM
    nakakadala na kasi everytime yon ang ginagawa nya sa mga kaibigan nya nag take advantage tapos aawayin nya pag buko na ang ginagawa nya quits nga naman agad now di mo masisi ang tao kung mag isip sila ng ganyan sad to say
    alexitorin
    07/21/2012 | 06:37 AM
    Itong si jeffunderscorejefferson0427, ayaw ng good news dahil si Nadia ang nasa positive side. Kawawa kasi ang mommy niya na si Annabelle. Ayaw ni Annabelle ng good news kung involved ang kaaway. Gaya ng advice ni Annabelle kay Amalia at Nadia - Rest in peace - . . .Siguro Annabelle, take your own advice. . .likewise.
  • 16  pearl102

    07/20/2012 | 04:51 AM
    Nakuh ilang araw na itong article ni Nadia at Greta na may photo na magkayakap, ayaw ni Anevil niyan.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    jeff_jefferson0427
    07/20/2012 | 11:47 AM
    sabi ni tita anabel who cares its non of my business
    pearl102
    07/20/2012 | 12:03 PM
    Etching ka ba jeffjeff, ikaw naman si Anevil.
    jeff_jefferson0427
    07/20/2012 | 02:18 PM
    of course not mamatay na ang sinungaling
    alexitorin
    07/21/2012 | 06:41 AM
    Halatang halata itong si jeffeundie na related siya ka Annevil. Hindi puwedeng si Annevil si jeffundie dahil medyo marunong itong mag spell. si Annevil walang alam.
  • 15  kazumi_yumi

    07/20/2012 | 02:35 AM
    At least, there are still good things happening in showbusiness, hindi puro awayan na lang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  fecatada

    07/19/2012 | 10:55 PM
    Gretchen pamilya mo nalang tulungan mo sister claudine or marjorie huwag na yang gamitira na nadia gosh anong mapapala mo diyan opinyon ko lang nakakasuka na kasi yan pagkatapos tulungan demanda o away yikes,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  southerngirl1

    07/19/2012 | 09:20 PM
    Ang bait ni Gretchen. Kahit pala estranged sila ni Nadia hindi tumigil ang pagtulong ni Gretchen sa mga anak ni Nadia.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    aiveec
    07/20/2012 | 02:25 AM
    May mga interview noon na construction workers na gumawa ng bahay o business yata ni Gretchen at ni Tony Boy years after ng construction... Napakabait daw talaga ni Gretchen, matulungin, sinisiguradong maayos and working condition ng mga workers at walang kaere-ere.
  • 12  shidax

    07/19/2012 | 11:34 AM
    kung ako si gretchen ok lang yan batiin at least wala ng galit sa puso pero never na akong makipagbonding-bonding kay nadia.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pearl102

    07/19/2012 | 10:20 AM
    Curious lang ako, bakit hindi nawawalan ng kontak si Greta doon sa anak ni Nadia na si Tania? Yung ba yung bata na ginawan ng issue ni Cristy Fermin? At bakit kahit hindi sila in good terms ay hindi pumapalya si Greta ng monetary support sa anak or mga anak ni Nadia? Hmmm something is fishy.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    sweet_irene
    07/19/2012 | 11:17 AM
    I think Tania is Nadia's sister not her daughter.
    pearl102
    07/19/2012 | 12:23 PM
    Opps thanks, na misunderstood ko yong sinabi nyang Tania. Akala ko yon yung name ng anak nya. thanks.
    AnnabellSoriano
    07/19/2012 | 06:09 PM
    Yap Tania is Nadia's sister not daughter. She was once an actress too na naging leading lady pa ni Aga Mulach sa isang movie, growing up yata ang title..not so sure anymore. Pasensya na may katandaan na rin..kaedad ko kasi si Aga...
  • 10  milomilo123

    07/19/2012 | 08:24 AM
    ayaw ni anabil ng ganyan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinoycali_ako

    07/19/2012 | 01:29 AM
    Echos, itong dalawa birds of the same feather. Gimmick na naman ni Greta laos kasi and so is Nadia!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    aiveec
    07/19/2012 | 09:21 AM
    Si Nadia lang naman ang pa-interview ng pa-interview tungkol dito. Low profile si Gretchen.
  • wa2

    07/18/2012 | 09:11 PM
    kinakapos na siguro pambayad sa abugado kaya heto na si greta lapitan at i hug..greta wag ng mag paloko
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    AnnabellSoriano
    07/19/2012 | 06:11 PM
    as per Nadia's other interview grade school pa lang friends na sila ni Gretchen bilang classmates sila noon. Sabay na sabay nga sila inilunsad ng Regal as Regal babies noon eh. So hindi lang sila ngayon naging magkaibigan matagal na panahon na, kung baga may malalim silang pinagsamahan long before showbiz...
  • semsem

    07/18/2012 | 06:38 PM
    wag ka ng magpautang gretchen!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    07/18/2012 | 04:09 PM
    sus nadia uutangan mo lang uli si greta..ingat ka greta
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Concern063

    07/18/2012 | 03:16 PM
    I hope Nadia is sincere baka utangan naman si Greta at pag di maka bayad, awayin. Nadia hindi magandang palaging may utang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diocyl

    07/18/2012 | 02:25 PM
    Let's be happy for these two lovely ladies. Sincere or not, it takes time naman to heal everything kahit may kaunting lamat but you know what? God works in mysterious ways and He blessed these two long lost friends. Ang iba naman, so negative, ahaaay, how could we make this world a more peaceful place kahit kaunti man lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapuspalad1

    07/18/2012 | 02:02 PM
    happy for both of you..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • honey1201

    07/18/2012 | 02:01 PM
    ngayong wala na si annabelle para tumulong sa kanya kaya balik gretchen ulit sya para may mautangan nnman.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About