“Nung nakita ko siya, wala na akong naramdaman na kahit anong negative kasi nga, through Tania, okay kami noon pa.
“Hindi lang talaga kami nagka-chance mag-usap at magkita in the last three years.
“I'll take it one step at a time. Ang importante, nagkita at nagkaayos na kami.”
Sa palagay ba ni Nadia, umpisa na ito ng pagkakabuo muli ng friendship nila ni Gretchen? Magiging katulad ba ito ng dati nilang pagkakaibigan?
O ginawa nila lang iyon dahil nagkabiglaan na at nasa burol sila?
“Hindi biglaan, hindi din plinano. Hindi expected na magkikita dun.
“Sabi ko nga, hanggang sa kamatayan, gumawa pa din si Tito Dolphy ng peace and harmony sa lahat,” sabi ni Nadia.
Sabay na ini-launch bilang Regal babies sina Nadia at Gretchen sa pelikulang 14 Going Steady noong 1984.
NO COMMENT. Samantala, tinanong ng PEP si Nadia kung ano ang komento niya sa gulong nangyari sa pagitan nina Annabelle Rama at Chito Alcid sa burol din ni Mang Dolphy.
Bagamat noon ding gabi ng July 13 nangyari ang gulo nina Annabelle at Chito, nakaalis na si Nadia nang mangyari ito.
Sagot ni Nadia, “Ayoko na sanang mag-comment sa nangyaring gulo sa pagitan nila.
“Nakakalungkot lang. Sobrang positive ko na ngayon. Magaganda mga nangyayari sa akin at sa pamilya ko.
“Gusto kong maging carrier ng positive at good vibes sa lahat.
"I’ve been going to church more often now, at talagang napakalaking tulong sa mga dagok at pasan namin these last few months kaya 'pinapasa-Diyos ko na lahat.
“Sana lang talaga matigil na.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
21 FantaziaDLipz
20 MolybdenumStudios
19 pepreader123
18 fecatada
17 myrth
16 pearl102
15 kazumi_yumi
14 fecatada
13 southerngirl1
12 shidax
11 pearl102
10 milomilo123
9 pinoycali_ako
8 wa2
7 semsem
6 lefty
5 Concern063
4 diocyl
3 kapuspalad1
2 honey1201
more comments