news

Lorna Tolentino gets new offer from TV5 even with her existing contract not yet finished

by Glen P. Sibonga posted on July 18, 2012  STATS: 15130 Views | 9 Comments

Dalawa ang ginagawang shows ngayon ni Lorna Tolentino sa TV5—ang weekly horror-suspense-sci-fi series na Third Eye at ang reality artista search na Artista Academy. Sabi niya tungkol dito, “Ang sarap ng dalawa ang shows pero hindi ganung ka-pressured. Kasi every Saturday and Sunday lang ako mapapanood."

Photo By: Noel Orsal

Natutuwa si Lorna Tolentino dahil kahit dalawa ang proyektong ginagawa niya sa TV5 ngayon ay hindi naman siya nape-pressure sa oras para gawin ang mga ito.

Kasama siya sa cast ng bagong weekly horror-suspense-sci-fi series na Third Eye, na mapapanood tuwing Linggo ng gabi simula sa July 29.

Kabilang din siya sa mga hurado ng pinakamalaking reality artista search ng Kapatid Network, ang Artista Academy, na magpa-pilot episode na sa July 30 pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Sabi ni LT, palayaw ng aktres, “Ang sarap ng dalawa ang shows pero hindi ganung ka-pressured. Kasi every Saturday and Sunday lang ako mapapanood.

“Kasi Monday to Friday, yung Artista Academy, lahat sila; pag Saturday lang kaming mga judge. Pag Sunday naman yung Third Eye.

“So, once a week lang din ang taping namin. So wala, walang pressure.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna sa grand launch ng TV5 sa kanilang mga bagong primetime shows na ginanap sa Elements Centris sa Quezon City, kagabi, July 17.

THIRD EYE. Kung tutuusin, host dapat ng Third Eye si LT. Pero may ginawa raw ang TV5 para hindi maging conventional ang ginagawa niyang pagsasalaysay.

“Ang Third Eye, bale ang talagang pinaka-main [characters] dito ay yung mga bata.

“Ang role ko ay parang naghu-host, pero iniba nila.

“Instead yung merong naghu-host, involved yung character dun sa episode. Kumbaga, kasama ako sa eksena, nasa gitna ng eksena.

“At ang huli ay parang yung conclusion ko kasi ako yung sumusulat, e, journalist ako, may publishing house.

“Ako yung sumusulat, ako yung nagna-narrate ng nangyayari sa lahat.

“Instead of narrating it, parang mas maganda yung idea na you are involved, and sila yung humihingi ng advise sa iyo and sila na yung bahalang kumikilos.”

Ang Star Factor grand winner na si Eula Caballero ang ibinabando ng TV5 bilang bida ng Third Eye.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • gayhazel

    07/19/2012 | 03:03 AM
    idol kita Ms. LT pero sana balik ka na sa kapamilya mas bongga ang dating ng mga teleserye mo duon. p.s papanuorin pa rin kita sa tv show mo sa tv5 pero sana sa kapamilya na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • LovelyLouisse

    07/19/2012 | 01:51 AM
    congratulations Ms. LT deserve mo yan dahil isa kang asset kahit anong network
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/19/2012 | 12:40 AM
    ang previous teleserye nya hindi nag rate.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mynamedoesntmatter

    07/19/2012 | 12:29 AM
    Sayang ang talent ni LT sa TV5. Sa status nya ngayon as an artist dapat quality na ang hinahanap nya. Sikat sya noon, pero let's admit nawawala na sya ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Gawgaw

    07/18/2012 | 11:30 PM
    ayan tuloy lumipat pa kasi sa tv5 kaya para ka na lang one of those veteran actors. Ang layo na ni Dawn sa kanya. Parang nawawala na siya sa circulasyon just like Sharon wala ng kinang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • washdckami

    07/18/2012 | 07:54 PM
    kung hindi pa ako mag basa dito akala ko nag retire na sa pag aartista c lorna tolentino
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gummybears6

    07/18/2012 | 05:40 PM
    walang ingay si LT buhat nang pumunta sya sa tv5,sayang ang galing nya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ian15yeah
    07/18/2012 | 07:44 PM
    totoo ka dyan..
  • monjuaquin02

    07/18/2012 | 03:58 PM
    yung cnasabi nia na masaya dahil weekends lang xa mapapanood at hinde nakaka pressure ay contrary sa gus2 nia. she wants to be seen daily on tv. ganyan ang artista. abs-cbn is also giving an offer. it's her choice now. lotta money without fame or fame with some money..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    sk8r_boi
    07/18/2012 | 07:53 PM
    fame? wala pang channel 2 or even network war, sikat na c LT. sana pagtuunan na lng ng pansin ng doslaos ang mga STARLET sa bakuran nila, andami eh, siksiak na parang sardinas. LOL!!!
  • skittlesrainbow

    07/18/2012 | 03:29 PM
    pinaka magandang artista sa panahon nya at magaling na actress
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    aiveec
    07/19/2012 | 01:47 AM
    Maganda si Lorna pero mas nagagandahan ako kay Alma Moreno na kasabayan niya rin. Iba kasi ang dating ni Alma.
    gayhazel
    07/19/2012 | 03:02 AM
    agree ng bonggang-bongga, hanggang ngayon super byuti pa rin si Ms. LT

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About