news

Manay Ichu Vera Perez on Dolphy as National Artist: “Alam mo, ako, masama ang loob ko na hindi niya natanggap yun nung buhay siya.”

by Kathleen Benavidez posted on July 19, 2012  STATS: 6196 Views | 3 Comments

Kung mahalaga pa rin bang igawad ang National Artist Award kay Dolphy ngayong wala na siya, ang sagot ni Manay Ichu: "...tingin ko, dapat pa ring maibigay sa kanya, in his memory, dahil bihira na yung ganun."

Photo By: Courtesy of QC Film Development Commission

Manay Ichu on Dolphy as National Artist: “Alam mo, ako, masama ang loob ko na hindi niya natanggap yun nung buhay siya.”

Si Maria Azucena Vera-Perez Maceda—o mas kilala bilang Marichu Maceda at Manay Ichu—ang anak ng namayapang may-ari ng Sampaguita Pictures na si Jose “Doc” Perez.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 17, sa presscon ng pagbubukas ng Quezon City Film Festival sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Si Manay Ichu ay isang commissioner ng Quezon City Film Development Commission, at ang naturang film festival ang kanilang flagship project para sa taong ito.

Naibahagi niya sa PEP.ph ang plano ng Ayala cinemas na maglaan ng tatlong araw na tribute at isang linggo naman sa SM cinemas.

Dito ay ipapalabas ang mga piling pelikula ni Dolphy mula sa Sampaguita Pictures at RVQ Productions.

Wika ni Manay Ichu, “Hindi ko pa alam kung anong pelikula, kasi Ayala, I think digital pwede. Pero sa SM, hinihingi nila 5mm.

“E ewan ko kung anong mga pelikula niya ang okay ang mga prints. Kasi yung iba talagang luma na. We will know probably in a week,” dagdag niya.

NATIONAL ARTIST AWARD. Hiningi namin ang opinyon ni Manay Ichu tungkol sa paggawad ng National Artist Award kay Dolphy.

“Alam mo, ako, masama ang loob ko na hindi niya natanggap yun nung buhay siya,” ang diretso niyang sagot.

Mahalaga pa kaya ang parangal na ito ngayong wala na ang Comedy King?

“Pero tingin ko, dapat pa ring maibigay sa kanya, in his memory, dahil bihira na yung ganun,” pagtukoy niya kay Dolphy.

Paliwanag niya, “Dito sa negosyong ito, sinasabi ko nga sa lahat, ang pag-aartista, kasama na dyan yung konting yabang.

“That’s what makes… Part and parcel yun ng packaging ng isang artista. Si Dolphy, wala.”

Siya man ang kinikilalang hari ng komedya, sadyang napakamapagkumbaba raw talaga ni Dolphy.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • matty29

    07/19/2012 | 10:34 AM
    Hay, get over it. It's peoples' rights to their opinion. God Bless you Papa Dolphy. RIP
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/19/2012 | 08:05 AM
    bakit ngayon ka lang nagtatalak. tapos na ang boxing . dolphy is now in better place better than NA. kshut up marichu.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    07/19/2012 | 05:31 AM
    You guys should just stop talking about national artist ek ek, PEOPLE DON'T CARE ANYMORE! Dolphy has a special place in peoples heart na hindi matutumbasan ng kung ano anong trophy o parangal.. kaya huwag ng sinusulat yan nakaka dismaya lang. It's no long relevant, wala na yung tao. so shove it.
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    humandynamics
    07/19/2012 | 05:36 AM
    correction, IT'S NO ''LONGER'' RELEVANT
    aaronick
    07/19/2012 | 08:19 AM
    What do you mean not relevant? Kung nuon ba hindi pinag-usapan ang tungkol sa PAMBANSANG BAYANI, sa tingin mo nasaan na sa kamalayan natin ang isang DR. JOSE P. RIZAL? Yung gusto nating mangyari na maigawad ang National Artist Award kay Dolphy nung buhay pa ay hindi naigawad. Na-pulitika? Hindi natin alam. Pero kahit patay na si Dolphy, hindi pwedeng pabayaan yang National Artist Award para sa kanya. Yan po ang tandaan natin. Dahil ang kontribusyong nagawa ng isang Dolphy ay panghabambuhay. Hindi dapat kalimutan ang naiambag ni Dolphy at ang pagbibigay sa kanya ng National Artist Award ang maglalagay sa pedestal kay Dolphy bilang tunay na national treasure ng Pilipinas.
    humandynamics
    07/19/2012 | 08:59 AM
    Thats your opinion and good for you, but sa maraming tao at kabilang na ako, gawin man siyang national artist or hindi, hindi nila kakalimutan ang naiambag ni Dolphy bilang tunay na national treasure ng Pilipinas. trophy man o wala nailagay na siya sa kaisipan ng tao.
    humandynamics
    07/19/2012 | 09:02 AM
    national artist or not nasa pedestal si dolphy sa puso ng tao. kung ibigay okay, kung hindi ayon na rin sa pamilya niya okay din lang.
    echosero123
    07/19/2012 | 11:39 PM
    Can't forget Tito Dolphy..just wanna say this...."The only thing that walks back from the tomb with the mourners and refuses to be buried, is the character of a man"......

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About