Pamangkin ni BB Gandanghari ang young actor na si Daniel Padilla—at alam ni BB ang kasikatang tinatamasa ngayon ni Daniel.
“I'm very happy for him. I’m very proud of this boy.
"I remember, alam ninyo, nasa America ako, nung first time may nagsabi sa akin na ‘Uy, may Padilla na artista!” Sabi sa akin ng kaibigan ko doon.
"Sabi ko 'Sino?' 'Baka kapatid mo yun?'
"Sabi ko, 'Bakit, ilang taon na?' 'Mga sixteen or seventeen.'
"Sabi ko, 'Gaga, patay na ang tatay ko twenty-five years ago, paanong magkakaroon ng sixteen year [old] na bata!'"
Ito ang kuwento ni BB nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press noong July 17, sa presscon ng mga bagong shows ng TV5.
Isa na rito ang eco-fantasya na Enchanted Garden, kunsaan kasama si BB.
“Nalaman ko eventually, anak ni Rommel.
"Nung nakita ko, ginoogle ko, sabi ko, 'Sisikat itong batang ito!' That was last year,” balik-tanaw pa ni BB.
DANIEL PADILLA. Nagkita na ba sila ni Daniel? Nabigyan niya ba ito ng payo?
“Oo, nagkita na kami,” sagot ni BB.
"Yung immediate na advice na sabi ko sa kanya: ‘Huwag kang magpapalaki ng katawan, huh! Okey na muna yan.'
“Kasi bata pa e, di ba? Kaya fresh na fresh siya."
Kumusta ang relationship niya kay Daniel? Kumusta ang bonding nilang "magtiyuhin"?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 pinoycali_ako
12 ian15yeah
11 Orangina_123
10 starkings
9 bantaybata
8 Xray
7 pwedenarin
6 meganontalaga
5 AKOKAZE
4 BrunoEsmeralda
3 shidax
2 BrunoEsmeralda
1 milomilo123