Abot-abot ang kantiyaw kay Derrick Monasterio nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Book 2 ng Luna Blanca.
Hindi pa rin kasi nakakalimutan ng ilang entertainment press, kabilang na ang PEP, na noon ay tila si Bea Binene ang pinopormahan niya.
Kaya ang pambungad na tanong sa kanya, bilang si Barbie Forteza ang bago niyang ka-loveteam: kung may choice ba siya ay posible kayang si Bea ang mas pipiliin niya?
Sagot ng binata, “Ito, totoo 'to, ha. Kung nagkataong pinapili ako, ang pipiliin ko talaga, si Barbie.”
Pero hindi agad pinaniwalaan ang sagot ni Derrick at may nagbiro pang "showbiz" daw ang sagot niya.
Paliwanag ni Derrick, “Hindi, kasi naman, nakatrabaho ko na si Bea. Si Barbie, hindi pa.
"Habang break naman namin, nag-uusap naman kami ni Barbie, nagkakakilala kami. Maganda po yung ganoon. “
Nagpaalam muna ba siya kay Joshua Dionisio, na orihinal na ka-loveteam ni Barbie?
“Wala po, hindi po. Hindi pa kami nagkikita,” sagot ni Derrick.
Napansin namin na kahit sa Twitter, sina Barbie at Derrick na ang madalas magka-tweet ngayon.
Ibig bang sabihin nito, ang atensiyon ni Derrick ngayon ay na kay Barbie at wala na kay Bea?
|
"Grabe naman, naha-hot seat ako!” natatawang sagot ni Derrick.
Pero, ganoon nga ba?
“Opo,” pag-amin niya.
Puwedeng sabihin na nag-switch lang ng ka-loveteam, naiba na rin ang pinag-ukulan ng atensiyon?
“Hindi naman po, nagkatrabaho kami dati, pero yun na yun. Work lang.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
5 daiguro01
4 Elite_Us
3 Elite_Us
2 alexangel
1 joanncabale