[x]

Alex Gonzaga hints at possible reformat of her showbiz talk show with Cristy Fermin, Shalala, and IC Mendoza.

“Ayaw ng EP [executive producer Omar Sortijas] naming masyadong maingay sa Juicy [Express] dahil madami na raw siyang kina-cut… Minsan daw parang isang buong gap, wala na raw sense yung pinag-uusapan. Kasi puro biruan na lang daw kami,” says the 24-year-old actress.

Photo: Noel Orsal

Sabunot ang inabot ni Alex Gonzaga sa unang araw ng pakikipagtrabaho niya sa direktor na si Joel Lamangan.

Sa press launch ng Enchanted Garden noong July 10, sa Elements, Centris, Quezon City, idinetalye ng 24-year-old actress ang nangyari.

Aniya, ang karakter sana ni Meg Imperial ang sasabunot sa kanya, “E, nagalit siya [Joel] kasi hindi maganda yung sabunot ni Meg. So, bumaba si Direk Joel sa OB van, sinabunutan niya ako, 'pinakita niya kay Meg.

“E, yung mga panahon na yun, jine-jet lag ako, nagising tuloy ako.”

Pero umpisa pa lang daw yun ng kalbaryo na haharapin ng karakter ni Alex sa tinaguriang "eco-serye" ng TV5, dahil bukod kina Meg at Direk Joel, sinaktan din siya ni Gladys Reyes nung gabing yun.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Alex, “Si Ate Gladys [Reyes], wala naman instruction na sabunutuan ako, sinabunutan na rin ako.

“Sabi niya sa ‘kin, ‘Pasensiya ka na, ha. Ayoko kasing mapagalitan, e. Binigay ko na.’”

“Pisikalan” raw masyado ang project na ito dahil halos lahat ng klase ng pananakit ay naranasan niya nang walang double.

Ayon pa sa dalaga, “Bawat eksena, may sabunot, may sampal, may kurot, may sipa, may ngudngod sa lupa… Wala lang ako lines minsan, yun na lang, e.”

May insidente pa nga raw na nginudngod siya sa putik, kaya, “After nung take, may mga lupa sa ngipin ko.”

Masasabi ba niyang nakakatakot katrabaho si Direk Joel?

“Ay hindi. Hindi ko pa po nakikita talaga yung pagiging terror niya, pero ano pa lang, yung mga sigaw-sigaw naman niya. Hindi pa naman masyadong serious. Nakakatuwa pa siya…

“Right after naman ng take, ang bait na niya, ‘O, kain na tayo, anak…’

“So ginagawa lang niya yun para sa ikagaganda nung eksena.”

Since si Gladys ang tatayong kontrabida sa buhay ng kanyang karakter, siya na ba ang susunod na Judy Ann Santos?