Last year's Cinemalaya Philippine Independent Film Festival Best Supporting Actress awardee, Shamaine Centenera-Buencamino, for the New Breed entry, Niño, faces another tough challenge in this year’s festival.
Bilang supporting actress nagwagi si Shamaine noong isang taon, ngayon taon naman ay best actress ang kategorya niya para sa pelikulang REquieme!.
Ito ay mula sa writer-director team din ng Niño na sina Rody Vera at Loy Arcenas.
Ang REquieme! ay isang black comedy tungkol sa isang buong bayan ng mga tsismoso at tsismosa na nais maging malapit sa isang kilabot na mamamatay-tao.
“Alam mo, kakaibang comedy siya!” sabi ni Shamaine sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Ang pagkaka-describe ni Loy sa pelikula, e, ‘black comedy.’
“Gusto ko na ngang mapanood. Kasi si Loy, galing siya sa ibang bansa, so doon, sanay sila sa irony.
“Tayo, hindi.
“Hindi ko alam kung ano’ng dating sa mga Pinoy.”
Bilang comedy-satire, mala-Woody Allen ang pagkakalahad ng kuwento, na maraming Pinoy ang posibleng maka-relate.
Ang REquieme! ay base sa dulang-pampelikulang akda ni Rody Vera, and inspired by a short story, Cunanan's Wake, na isinulat ni Gina Apostol.
May inspirasyon din ang kuwento ng REquieme! sa karanasan ng kaibigan ni Vera, hinggil sa bureaucracy o red tape.
“Nung ginagawa namin ang pelikula, tanong ko kay [Direk] Loy, ‘Magpapatawa ba ako?’ Pero sabi niya, ‘Hindi.’ So, sabi ko, ‘O, sige...’
“The situation siguro, as it is, mukhang nakakatawa na.
“Grabe ang mata niya for details!”
ASIAN FILM AWARDS. Nagwagi rin ng Best Supporting Actress award si Shamaine sa Asian Film Awards 2012 para pa rin sa Niño.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
4 kritikongpinoy
3 kritikongpinoy
2 caitelinshine
1 BrunoEsmeralda